Dedicated to @Hyorin_dey. Sana mabasa niyo po ang story ko.
Kate's POV
Napakalas ako sa yakap nang makita ko si Rayver na nakatingin sa aming dalawa ni Oliver.
"Rayver long time no see." sabi ni Oliver kay Rayver.
"Rayver, may kailangan ka ba?" tanong ko kay Rayver.
"Tapos na ba kayong mag-usap ni Oliver?" Rayver's said.
"Ah.. oo bakit?" tanong ko.
"Gusto ko sanang mag-usap kami ni Oliver." tumingin siya kay Oliver. "Oliver." nagbuntong hininga siya. "Pwede ba tayong mag-usap?"
Tumingin ako kay Oliver pati siya napatingin sa akin. Pagkatapos niya akong tingnan tumingin naman siya kay Rayver. "Sure, no problem." Oliver said.
"Kate, iwan mo muna kami. May pag-uusapan lang kami." sabi ni Rayver.
Tuluyan naman akong umalis. Pagkaalis ko pumunta ako sa bahay ni Kuya Jeric. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ni Kuya Jeric nakita ko si Ate Alyssa nakaupo sa sofa at nagbabasa ng Magazine.
"Ate Alyssa!" tawag ko kay Ate Alyssa.
Tumingin siya sa direksyon ko. "Oh Kate where's Rayver?" Tanong niya at saka nilagay ni Ate Aly ang Magazine sa mini table.
BINABASA MO ANG
I Love you, Bestfriend [Ongoing series]
HumorSimula bata magkaibigan na sila. Ngayon, ano kaya ang mangyayari? Magiging sila kaya?