#Fear 56: Mga Dakilang Epal
✙ Xenzel's POV ✙
"Hala! Fiiii!" Tumakbo ako palapit kay Zypher tsaka ko ipinakita sa kanya yung phone ko.
"Oh? Trending pa rin?" Napangiti din siya.
Ipinost kasi niya yung couple picture namin sa SOL noong isang araw. Grabe, isang oras pa lang matapos niyang magpost, 123 comments na agad at 1,237 likes. Well, kilala naman talaga si Zypher sa Seriun pero sabi rin niya yun daw yung pinakamaraming likes na nakuha niya in just an hour.
NAKAKA-PROUD LANG DIBA? WAAAAAHHH!
"Oo! Baka umabot na ng 10 thousand likes mamaya!" Anlaki talaga ng ngiti ko. "Pero may mga bashers na nagku-comment." Bigla akong sumimangot.
"Oh? Talaga? Patingin nga." Kinuha niya yung phone ko sabay basa nung comments. "Aba, di daw tayo bagay?" Nawala din yung ngiti niya. "Sino 'tong nagsabing pangit ka?"
"Eh, hayaan mo na yan. Totoo naman." Sagot ko nang nakanguso.
"Sino nagsabi? Baka kulangot mo lang 'tong nagsabi eh." Tumalim yung titig niya sa screen.
Nabigla na lang ako nang kinuha niya yung phone niya at may tinawagan siya.
"Hello Night? Nakita mo ba yung post ko sa SOL?"
Huh? Si Night yung kausap niya?
"Yung couple pic namin ni Xenzel. Oo, yun nga. Pakitignan ng comments."
"Hala, huy! Wag na!" Hinawakan ko yung kanang braso niya.
"Lahat ng nagcomment ng hindi maganda tungkol kay Xen, hanapin niyo ng INFINITUM. Turuan niyo ng leksiyon."
"Fi! Anuba! Wag na nga eh!" Sinubukan kong agawin yung phone niya pero tapos na ang lahat. "Hoy, bawiin mo na yung inutos mo sa kanya, fi!"
"Naiutos ko na kaya hindi ko na babawiin yun." Nginitian lang niya ako at saglit na niyakap.
Jusme! Nakukuryente ako!
Pagkatapos niyang kumawala sa'kin ay nagsalita ulit siya.
"Ayoko lang na pinapakialaman ka nila. Kita na nilang nagtrending na yung picture natin eepal pa sila." Depensa niya sabay ngiti ulit. "Sa ganda mong yan."
"Tsh. Nambola pa." Pabiro ko siyang inirapan tsaka ako ngumiti. "Inggit sila sa'kin kasi sa'kin ka napunta."
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...