Pagkabihis ko ng pantulog ay lumabas agad ako ng kwarto para lapitan si lola na nakaupo sa rocking chair sa tabi ng bintana.
Maghapon lang si lola nakaupo doon araw araw , tila may hinihintay habang nakatanaw sa malayo.
Malungkot akong napangiti ng makitang yakap na naman niya ang picture ni lolo. Magmula ng mamatay si lolo ay tumamlay na si lola. Hindi na ito gaanong nagsasalita at bihirang bihira nadin tumawa. Parang nawalan na siya ng gana mabuhay at hinihintay na lamang niya ang katapusan.
"La kumain kana po?" Hindi ito nagsalita imbis ay tumango lang.
Lumabas mula sa kusina si Mama habang pinupunas ang kamay sa likuran ng damit niya. Kinuha ko ang kamay niya at nagmano pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin ko kay lola.
"Lola hindi kapa po ba inaantok?" Pumikit ito bago dahan dahang tumayo kaya inalalayan ko agad siya hanggang sa makahiga siya sa kwarto.
"Ikaw din matulog na agad," natigilan ako ng ngumiti si lola at haplusin ang mukha ko "Ayaw ng lolo mo sa mga batang nagpupuyat."
Kumain lang ako at humiga nadin. Pero dahil sa maaga pa , hindi ako nakakaramdam ng kahit onting antok.
Masyadong tahimik dito sa kwarto , nakakamiss din pala ang kaingayan ni ate. Dalawang buwan nadin magmula ng pumunta siya sa New York para doon magtrabaho bilang empleyado sa isang kumpanya na hindi ko na matandaan ang pangalan.
Imbis na baliwin ko ang sarili ko sa pagtulala sa kisame hanggang sa makatulog ay kinuha ko na lang ang cellphone ko sa ibabaw ng maliit na lamesa sa tabi ng kama ko. Magoonline muna ako hanggang sa antukin.
Isang scroll ko pa lang pababa sa newsfeed ko ay natigilan ako sa status na kakapost lang ni Yago.
"She's officially mine now :)"
Sinagot naba siya ?
Sila na ba?At ang mga tanong na unti unting nabubuo sa isip ko ay nasagot ng muli kong iscroll pababa . Isang video ang ipinost ng isang kabarkada ni Yago at may caption pa itong "Walang Forever".
Para akong tanga na alam ko na ngang masasaktan lang ako kapag pinanood ko ito ay pinanood ko parin.
Maingay ang paligid dahil sa mga tilian ng tao habang sa gitna nilang lahat ay nandoon ang may hawak hawak na cartolina na may nakasulat na "Will you be my Girlfriend?" Na si Yago habang si Cheska naman ay may hawak hawak na maraming roses habang parang maluha luha sa sobrang saya sa sorpresa ni Yago sa kanya. Natapos ang video ng um-oo si Cheska sa alok ni Yago at magyakapan sila.
Ng matapos ang video ay nawalan na ako ng gana kaya ibinalik ko na lang ulit ang cellphone sa pinagkuhanan ko.
Napatitig ako sa kisame at ipinatong ang kanang kamay sa dibdib at pinakiramdaman ang pagtibok ng puso ko.
Nakakaramdam ako ng panghihinayang , lungkot at selos.
"Ngayong taken na ang crush mo, anong plano mo Wendy?" Parang tangang kausap ko sa sarili ko.
Lumipas ang sabado't linggong halos nakakulong lang ako sa bahay , nood ng tv , kain ng kung ano ano at kalikutin ang cellphone.
Hindi ko maipaliwanag pero tinamaan talaga ako ng matinding katamaran na tipong maski paliligo kinatatamaran ko , epekto ba ito ni Yago?
Walang gana kong ibinaba sa upuan ko ang bag at dumukdok. Masyadong maaga na pumasok ngayon si Ivan kaya no choice ako kung hindi maaga den pumasok, nakikisabay lang kasi ako sa kanya pag papasok para hindi na maglalakad pa.
Ako pa lang ang tao dito sa room at sa tingin ko maya maya pa sila magsisipasukan . Hindi ko talaga maintindihan kung anong nakain ni Ivan para pumasok ng ganitong kaaga , nakakainis. Hindi man lang ako nakakain ng umagahan at maski lunch ko ay nakalimutan ko sa bahay kakamadali para gumayak.
Napahawak ako sa tyan ko. Kumakalam na at kung hihintayin ko pa ang recess ay di na ako makakapakinig sa klase ng maayos.
Ano kayang baon ni Ivan? Yun na lang kaya kainin ko ililibre ko na lang siya mamaya kasi wala din naman akong mabibili ng ganitong kaaga na pagkain sa canteen.
Kahit magisa lang ay mabilis akong naglakad papunta sa room nila Ivan. Nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko , kinakabahan ako dahil kaklase lang naman ni Ivan si Yago at nakakahiya naman kung makikita niyang kukuhanin ko ang baon ni Ivan.
Napahinto ako sa paglalakad at nagisip kung tutuloy paba ako. Mula dito ay tanaw ko na ang pinto ng room nila Ivan , tutuloy ba ako? Pero kung sa bagay maaga pa naman kaya pwede ring wala pa doon si Yago.
Maliliit ang hakbang na nagpatuloy ako ss paglalakad at ng nasa tapat na ako ng pinto ay dahan dahan kong sinilip ang loob.
Mabibilang mo pa lang ang tao pero maingay na. Inilibot ko ang paningin ko at nakahinga naman ako ng maluwag ng wala pa si Yago.
Baka hinatid niya pa yung girlfriend niya sa room.
Samantala tumigil ang paningin ko sa lalaking nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Sinenyasan ko si Ivan na lumabas at mabilis naman itong sumunod .
"Kaaga aga gusto mo ka agad sumilay?" Natatawang sabi nito pero hindi ko na pinansin ang walang kwentang tanong niya at ipinalupot ang braso sa braso niya habang may matamis na ngiti. Nawiwirduhan ako nitong tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Anong kailangan mo?"
"Ivan akin na lang yung lunch mo please? Hindi pa ako kumakain tapos naiwan ko naman yung akin , akin na lang libre na lang kita mamaya." Napakamot ito sa batok bago tumango at nakasibangot na pumasok bumalik sa loob.
Sumandal ako sa pader sa tabi ng pinto at tinitigan ang sapatos ko.
Iba si Ivan sa lahat ng naging kaibigan ko at hindi ko alam kung bakit pero nahihirapan akong ipaliwanag kung bakit nga ba siya naging iba. Siguro dahil sa abnormal , pamusit o kaya naman ay pikon siya?
"Saan kaba kakain? Sa room niyo?" Napatingin ako kay Ivan at umayos ng tayo. Dala niya ang isang maliit na bag .
"Sa canteen , bakit sasama ka?" Tumango ito at magsisimula na sana kaming maglakad kaso pagtalikod namin si Yago ang bumungad sa amin na may mapanuksong ngiti na nakatingin kay Ivan.
"Ikaw ha kaya pala hindi mo pinapansin si Mika," Natawa si Ivan at nagulat naman ako ng akbayan ako nito bigla. Pero tumigil talaga ang mundo ko ng biglang ilipat ni Yago ang paningin niya sa akin at ngitian. "Hi! I'm Yago." Bumilis ang tibok ng puso ko ng ialok niya ang kamay niya.
"Wendy." Tipid na sagot ko at kabadong iniabot ang kamay ko para makipagshake hands. Matapos ay tinapik niya sa balikat si Ivan at pumasok na sa room samantala ako ay naiwang nanlalaki ang mata at may hindi maipaliwanag na mukha.
"Kung kailan may girlfriend na siya chaka ka niya nakilala. Saklap naman ." Tumawa ng malakas si Ivan matapos mamusit pero hindi tumalab sakin ngayon yon dahil sa unang pagkakataon nakausap at nahawakan ko ang kamay ni Yago.
BINABASA MO ANG
That 'Hindi Ka Crush Ni Crush' Feeling
Teen FictionBakit nga kaya ganon? Taken na ang Crush mo pero umaasa ka parin na magbebreak sila at Mapapansin ka niya? Yung tinapat ka na niya na hindi ka niya crush pero naghihintay ka parin na baka magbago ang isip niya? Bakit nga kaya sa dinami dami ng lala...