CHAPTER 5 : #MeetAndGreet

7.6K 115 2
                                    

YURI's POV

Maaga akong sinundo ni Ryle baka daw ma traffic kami. Papunta na kami sa studio ngayon. Ewan kinakabahan ako na naeexcite. Hindi na sumama si Kristin dahil masama daw pakiramdam niya pero pinadala niya nalang yung regalo niya para kay Nikko niya. 😒

Ryle: "Ayos ka lang ? Malapit na tayo!"

Yuri: "Makakapasok ba ako?"

Ryle: "Of course. Leave it to me!" 😃

Yuri: "Sabi mo yan ha.. sasapakin talaga kita pag napahiya ako!"

Dumating na kami sa Studio, laki pala nito. Nagmamadali na si Ryle kasi hahabol siya sa final rehearsal nila. Kaya pati tuloy ako halos na makaladkad. May mga nakasabay kaming Celebrity sa Elevator. Sheymay! 😍 Hanggang sa makarating na kami sa Room nila. Nahihiya akong pumasok ang popogi kasi ng mga tao sa loob. 😊

Ryle: "Hi guys good morning!"

Zeus: "Sige na Ryle, last na ito!"

Lumapit sa akin ang isang chinito.. si Nikko.

Nikko: "Hi. Ikaw ba yung bago naming make up artist!"

Yuri: "Ah?"

Nikko: "Welcome to the team bakla! Apir!" 😀

Ryle: "Hoy.. di siya bakla bro! Loko to oh! Guys.. let me introduce to you my bff... Yuri!"

Inakbayan ako bigla tapos ginulo buhok ko. Ryle?

Nikko: "Ayy Sorry! Hindi pala!" 😊

Jameson: "So? You must be Yuri! Hello!" 😃

Luke: "Hi Yuri.. Pagpasensyahan mo na si Nikko ah! Makulit lang talaga yan!"

Yuri: "Ah. He..he..! Ayos lang. Napapagkamalan talaga akong bakla minsan!"

Nagpakilala na sila sa akin isa isa. Si Nikko, makulit nga talaga siya, nakangiti lagi ewan ko kung ano nagustuhan ni Kristin dito. Si Jimboy, para siya yung tipong tahimik lang. Si Tom, silent lang din, parang strikto. Si Paulo, ang cute niya pagmalapitan bwesit! Matutuwa nito si Jelle 😄 Si Zeus, idol ko to sa sayawan eh. Luke, tangkad tsaka ganda ng katawan lalo na nakasando lang siya. Si Jameson, Mr. dimples! nakaka nosebleed to kausap eh. Si Jon, feeling ko sarap niyang ka tropa. Tapos last nagpakilala si McCoy, siya yung may teleserye eh. Chinitong chinito din, mukhang mabait naman.

McCoy: "Mag enjoy ka lang ha.! Wag kang mahiya!" 😊

Yuri: "Sige! 😊"

Yuri: "Syanga pala Nikko. Hehe bigay sa iyo ng kaibigan ko!"

Nikko: "Sabihin mo sa kanya salamat. Sana may perang kasama. Haha Biro lang!"

Nag final practice na sila. Teka? May hinahanap yung mata ko eh. Wala yata si Ronnie. 😞

Biglang may pumasok sa pinto, seryoso ang mukha, bad mood ba? Pa cool and chill lang habang naglalakad palapit sa amin. 😍 Parang tumigil ang mundo ko sandali. Blurd na yung ibang tao. Nakatulala ang Lola mo eh!

(Background music.. Playing SIGURO by Yeng Constantino)

[ 🎵 Siguro'y umiibig
Kahit di mo pinapansin
Magtitiis nalang ako
Magbabakasakaling
Ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip
Ikaw lang
Ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo
Sa panaginip ko
Parang ayoko nang magising ]

😍

Zeus: "Ronnie!. Late ka na naman! Bilis!"

Ronnie: "Hahaha.. ito na nga eh! 😁" Bigla siyang tumawa. Malalaglag na puso ko. 💘

FAN BE LIKE 😘 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon