Khant's POV
Nalasing pala ako kagabi. First time ko yun. Anong nangyari kagabi? Medyo masakit yung ulo ko.
Knock
Knock
Knock
Sino kaya yung kumakatok?
"Pasok"
Si Adi. Anong ginagawa niya dito?Wow ha, anong nangyari sa kanya ba't parang bumait siya ngayon?
"Ba't mo ako dinalhan ng pagkain?
"Kasi alam kong tamad ka. Joke hahaha"
"Hindi ka na lang sana pumunta dito. Dba? Kung ganyan rin lang ang sasabihin mo"
"Joke lang. Ikaw talaga, kasi alam kong masakit ang ulo mo"
Mabait din naman pala tong taong to. Mukhang sobra yung napkin na niregalo ko sa kanya. Hahahaha
Adi's POV
Sige lang Khant magpakasaya ka. Magiging mabait muna ako sayo bago ka maging alalay ko. Bwahahahaha (evil smile)
Ang sarap isipin na inuutusan si Khant. Konting tiis lang Adi
Tapos na rin siyang kumain. Inabot niya sa akin yung pagkain na nakangiti. Gwapo rin pala tong monster na to.
"Salamat Ads"
"Walang anuman" sabay pacute.
"Yaks, ba't ganyan mukha mo? Nakakatakot"
"Che. Mukha mo nakakatakot. Sige hahayaan kitang laitlaitin ako pero bukas hindi na. Hahaha"
"Bukas? Problema mo?"
Khant's POV
Ano kayang plinaplano ni Ads bukas? Makikita niya sa akin. Weak din naman yun kahit anong gagawin niya kaya hindi ako matatakot sa kanya.
Natulog muna ako.
Kinabukasan....
Sa school
Sinalubong ako ni Adi sa may gate. Ano kayang sasabihin nito. Nakangiti pa. Nagpapacute pa ata sa akin, mukhang may gusto sa akin.
"Good morning Khant!"
Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad, medyo binilisan ko. So nasa likod ko na siya pero binibilisan niya ang paglakad.
Pagkatingin ko sa kanya. O.O
Ba't may picture niya ako na ganun ang damit ko.
"Hoy! Akin na nga yan!"
"Hahahaha. Ayoko nga"
"Idelete mo yan o. . "
"Oh ano?" sabay tawa ni Adi
Tumakbo pa tong babae. Gustong hinahabol, papansin. Kailangan ko siyang habulin, kailangan kong kunin yung pictures na yun kundi masisira ang image ko. Urghh.
Saan kaya yun nagtago? Napatingin ako sa may puno, nakita ko yung damit niya.
Tss. Hindi alam magtago.
Huli ka!
Sinusubukan kong kunin yung pictures sa kanya nang hindi ko napansin na para ko na siyang niyayakap. Yan pala ang gusto mo ha. Nilapit ko yung mukha ko sa kanya at napatigil siya at bigla kong kinuha yung pictures. Akala mo ha. Hahahaha
"Makatawa naman to. Okay lang na na sa iyo yan para naman may copy ka. Ano ako tanga? Syempre may copy ako niyan."
"Hoy! Ibigay mo nga sa akin!"
BINABASA MO ANG
Love Is Everywhere (Ongoing)
Teen FictionPaano kung ang hinihintay mo ay nakakasama mo na pala? Ang love ay mahirap makalaban, hindi natin alam kung anong plano nito sa atin. At hindi rin natin alam kung paano nilalaro ng love ang ating buhay. Sa ibang love stories, palaging magkacompetens...