His Promise... (One Shot)

142 15 10
                                    

"Hintayin mo ko sa altar, Ella."

"Sige. pangako yan ah Joshua?"

"Pangako."

Sabi nila, Promises are made to be broken. Pero, Sabi lang nila yun. Alam kong tutuparin niya ang pangako niya sakin. Iba siya.. Iba si Joshua.. Hindi siya kagaya ng mga taong hindi tumutupad sa pangako..

Nag promise ka. Yung promise mo na yun pinanghawakan ko yun sa Apat taon. Nag hintay ako. naging matiyaga ako. kasi Mahal kita. pinagkakatiwalaan kita.

"Oh Ella? Bakit hindi mo pa sagutin yang si Carlo? Isang taon ka ng Nililigawan niyan ah?"

"Besh, Alam mo namang may pinanghahawakan ako diba? At isa pa, Si Joshua lang ang mahal ko. aantayin ko siya Besh. aantayin ko siya. nangako siya eh. alam kong tutuparin niya yun.."

Nasan ka na ba? Kamusta ka na? Babalik ka pa ba? Anim na taon na kong nag aantay sayo at pinanghahawakan ang pangako mo. Umaasa pa rin akong babalikan mo ko at tutuparin ang pangako mo. Hindi ako nawawalan ng pag asa.

Kahit kelan hindi ka nawala sa isip ko. pati yung pangako mo. hanggang ngayon inaantay parin kita. kahit kelan hindi ako mag sasawa kakahintay sayo. ganun kita ka mahal. alam kong isang araw, Babalikan mo ko at tutuparin mo ang pangako mo.

Eight years na.. Nag hihintay parin ako sayo. tutuparin mo pa ba yung promise mo? babalikan mo pa kaya ako? Ang daming tanong sa isip ko. ni isa di ko alam kung ano ang sagot. Pero, Kahit Eight years nang nakakalipas, Hindi parin nag babago ang pagmamahal ko sayo. ni minsan hindi ko isinang tabi ang nararamdaman ko para sayo. Ikaw lang. Ikaw lang talaga. walang iba.

"Ella, Baby may sasabihin kami ng mommy mo saiyo.."

"Ano po iyon Daddy?"

"Ayaw man naming gawin ito, Pero para naman ito sa business natin. Para rin to sainyo ng kapatid mo. Balang araw, Kayo na ang mamamahala sa ating business."

"Ano pong sinasabi mo Mommy?"

"Darling, Kelangan mong mag pakasal sa anak ng ating Business partner para--"

"But Mom,"

"No Ella. Fixed na ang kasal. Hindi na mababago ang desisyon namin ng Mommy mo."

Ayoko mang mag pakasal sa Taong Hindi ko kilala, wala na akong magagawa.

"Miss Ella, Wag ka na pong umiyak. nasisira po yung make up niyo eh."

Eto na nga. dumating na ang araw na pinaka kakatakutan ko... ang ipakasal ako nila mommy sa isang lalaking hindi ko pa nakikita, hindi ko pa nakikilala at hindi ko mahal.

Palabas nako ng bahay. binabagalan ko ang pag lakad ko baka kasi dumating ka at tutuparin mo ang pangako mo. pero, wala. Dapat ko na bang itigil itong kahibangan ko? Dapat ko na bang tanggapin na hindi ka na babalik at wala ka na ring balak tuparin ang pangako mo?

"Ella, baby wag ka na umiyak. alam mo naman na kailangan mong gawin to diba? para ito sa business natin."

"Alam ko naman po yun daddy eh.."

"Stop crying Baby. Tara na. kanina pa tayo inaantay sa loob."

Pumasok na si Daddy. nag lalakad nako papunta sa altar. Suot ko ang Puting gown na pinagawa nila mommy para sakin at may hawak akong mga bulaklak. Hindi ko talaga mapigilang hindi umiyak. Nag lakad ako ng naka yuko. sa red carpet lang ako nakatingin. ayokong makita nila akong umiiyak. Nararamdaman kong palapit nako sa lalaking makakasama ko panghabang buhay pero kahit kelan hindi ko kayang mahalin.

Hanggang dito, Umaasa akong dadarating ka at sasabihing itigil ang kasalanang ito. pero, wala.

"Ella.."

Ayan na.. Hinawakan niya ako sa aking kamay at inalalayan papunta sa altar. Nang makarating kami sa altar, umupo na kami sa aming upuan at kasabay ng pag upo namin ay ang pagtingala ko.

Nakita ko ang isang pamilyar na muka ng lalaki na nakasuot ng vestment at may hawak na Bible. Isang pamilyar na muka na kahit kailan hinding hindi ko makakalimutan...

Nagkatitigan kami...

Ngumiti siya at dahan dahang lumapit saakin at bumulong,

"Tinupad ko ang pangako ko sayo, Ella. Ang kaibahan lang, Ako ang magkakasal sainyong dalawa.."

--------

yung Vestment po yun yung tawag sa uniform ng pari. :)

His Promise... (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon