Chapter 5
"Go Briaaaaaan!"
"Ang gwapo mo jersery number 8!"
"Kaya niyo yan!!!"
"Kyaaaaaaaaaah"
Rinig namin ni Layza pagpasok ng Gym. Nagsisimula na pala ang laro.
Pumwesto kami sa pinaka itaas dahil wala narin naman ng bakanteng upuan sa baba.
Lamang sila Brian ng 5 puntos. Halatang kayang kaya naman nila ang kalaban nila. Eh, ang tatangkad kaya nila.
Sumagi tuloy sa isip ko si Peter, siya ang kaibigan ko sa Ilocos. Simula ng maghirap kami at napunta sa Probinsiya, si Peter ang una kong naging kaibigan. Kaidaran ko din siya at sa tuwing may laro o pa-liga sa baranggay namin, team niya palagi ang nananalo. Palagi nga siyang MVP eh. At habulin ng babae. Haaay, kamusta na kaya si Pepong?
Nabalik ako sa ulirat ko ng bigla akong hampasin ni Layza sa braso.
"Huy! Tulala ka na naman! Manood ka kaya, tignan mo oh! Kyaaaaah" sigaw ni Layza
Tinignan ko naman ang mga naglalaro. Sakto, time out. Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako o totoo tong nakikita ko. Nakatitig ng masama sakin si Brian. Bigla nalang akong kinilabutan, hanggang ngayon hindi ko parin nababayaran ang utang ko sa kaniya. Babayaran ko ang sira sa motor niya. Hindi naman talaga sira, pero gasgas. Siya na siguro ang kilala kong taong hindi gentleman. Siya ang lalaking ang sakit mag salita, walang sinasanto. Hari kung ituring ng mga taong nandito sa pinapasukan kong unibersidad. Kaya pati ang mga estudyante dito galit sakin dahil sa ginawa ko sa kaniya.
Natapos ang laro, at malamang ang nanalo ang eskwelahan namin.
"Layza, halika na. Pababa narin naman na ang mga tao oh." Aya ko sa kaniya
"Mich, pwedeng wait? Gusto ko lang sana mag congratulate sa kanila eh." Sabi niya
"Layza alam mo namang mainit ang dugo sakin ni Brian, hindi ako pwede lumapit dun. Baka pagsalitaan na naman niya ako. " paliwanag ko
"O'sige kay Michael nalang."
"Huh? Sinong Michael?"
"Ah, basta halika na dali!" Sabay hila sa akin.
Bumaba kasi sa court at grabe ang tao. Halos di mahulog ang karayom sa sobrang siksikan. May mga nagpapa picture sa mga players, nakikipag harutan, nagpapa kiss.
"Ayun si Michael oh!" Sigaw ni Layza papunta doon sa lalaking naka jersery. Sa sobrang bilis, nabitawan niya ako at di ko na siya nakita. Medyo humupa ang tao siguro dahil magdidilim na din. Halos lahat ng players andito pa.
Nakaramdam ako ng kakaiba. Feeling ko may nakatitig sakin.
Nako! Layza asan ka na ba? -_-
Hahanapon ko na sana 'si layza sa court ng may mabunggo akong lalaki. Naka jersery din siya ng school namin.
"Ay sorry." Sabi ko sabay pulot ng bag ko sa lapag
"Nako miss, ako dapat ang mag sorry." Mahinahong niya at saka ako tinulungan.
"Pasensiya na ah, hinahanap ko kasi yung kaibigan ko"
"Hmm, Ikaw si Mich diba?" Tanong niya.
"A-ah oo. Ako nga" tipid na sagot ko
Paano naman ako hindi makikilala dito? Eh yung nangyari naman kasi sa parking lot diba?
"Ikaw yung babaeng nakalaban ni Brian sa Parking lot?" Seryoso niyang tanong
Tumango ako.
Kinalaban talaga? Baka kamo, 'PINAHIYA SA PARKING LOT'
"Ako nga pala si Adrian. Adrian Sy. Kabarkada ko si Brian." Nahihiya niyang sabi saka siya ngumiti.
May itsura din tong lalaking 'to.
Bigla akong napatayo ng maayos ng mag sink in sakin na kabarkada siya ni Brian.
"Hm. Okay ka lang? Namutla ka ba? Wag mong sabihin na takot ka sakin?" pabiro niyang sabi. Lumabas tuloy ang pag ka cute niya.
"Ah ano kasi eh.."
"Hindi porket galit si Brian sayo eh galit na din ako sayo. Wag kang mag alala, para sakin siya naman talaga may kasalanan dahil sa isang babaeng katulad mo, hindi ka dapat pinapahiya ng ganun." Kalmado niyang sabi
"Sa totoo lang, kasalanan ko din naman siguro. Hindi kasi ako nag iingat." Nakayuko kong sagot sa kaniya.
"Masyado ka lang sigurong clumsy."
"Siguro." sagot ko.
"MICHELLE ILAG KA SA BOLA!!!" Rinig kong sigaw ni Layza.
Pero bago pa man ako mag react, naramdaman ko nalang na may yumakap sakin at sabay kaming napahiga sa court.
Hindi ako maka kilos. Ang bango niya kahit galing siya sa laro. Nasa ibabaw ko si Adrian. Pero ng maramdam niyang napatingin ako sa kaniya, saka naman kami bumalik sa ulirat at tumayo.
"Ayos ka lang ba?" Sabi niya
Tumango lang ako. Pakiramdam ko kasi ang awkward.
"Mich! Okay ka lang ba? Natamaan ka ba?" Alalang tanong ni layza.
"Oo okay lang ako." Saka inayos ko ang damit ko at bag.
"Brian, muntik ka ng makatama ng babae." Rinig kong sabi ng isang lalaki sa likod ko.
Doon ko lang napansin na lahat ng players nandito, maliban kay Brian na medyo malayo sa amin at desenteng nakatayo.
"Wala kong pakiam kung matamaan man siya o hindi." Tipid niyang sagot.
"Bakit mo naman binato ang bola?" Rinig kong sabi ni Adrian.
"Ano naman sayo? Ano ka? Si Superman?" May halong nakakalokong ngiti si Brian.
"Hindi mo ba alam na muntikan na siyang matamaan sa ulo? Ganyan ka ba ka childish ha Brian para makipag laro sa babaeng wala naman ginawa sayo?" Seryoso si Adrian.
Lahat kami napasinghap sa pag uusap ni Adrian at Brian. Unti unti naman lumapit si Brian samin at ngayon nasa iisang bilog nalang kami. Wala narin halos tao. Maliban nalang sa mga janitors, pero wala naman siguro ailang paki alam sa nangyayari dito sa court.
"Ano pinapalabas mo Adrian? Na wala siyang atraso sakin? Baka na kakalimutan mo, hindi pa ako nakakabawi sa babaeng yan sa ginawa niya sa motor ko?"
"Ang bata mo mag isip. Ng dahil lang sa motor babatuhin mo siya ng bola? Hindi pa ba sapat ang pam bubully ng mga estudyante sa kaniya dito?"
Nag sara ang kamao ni Brian at halatang gusto na niyang suntukin ai Adrian.
"Wala kang paki alam kung gusto ko siyang mas saktan." Seryoso at madiing sabi ni Brian.
Pakiramdam ko may tumusok na kung ano sa puso ko, nasaktan ako. Malaki talaga ang galit sakin ni Brian at ako pa ang napag diskitahan niya.
"Magkano ba ang gasgas ng motor mo at ako nalang ang magbabayad, kapalit lang ng pagtigil mo kay Mich.?" Seryosong tanong ni Adrian.
Nagulat ako dahil sa sinabi ni Adrian.
"Adrian. 'Wag. Ako ang magbabayad, pag iipunan ko. Hayaan mo nalang" halos pabulong kong sabi.
"Hayaan? No Michelle. He's a jerk! Kinakawawa ka niya. Ako na ang magbabayad para mapayapa ka na dito." Bilin niya.
"Wow! Ano to? Nasa teleserye ba tayo? Hoy Adrian Sy! Magkaibigan tayo kaya dapat sakin ka kumampi at hindi sa kaniya!" Sarkastikong sabi ni Brian.
"Kung yun lang din naman ang gagawin mo sa kaniya, pwes mapipilitan akong protektahan siya laban sayo."
Saka ako hinila ni Adrian palabas ng School.
***
TBC ❤️ HAPPY HOLIDAYS!
BINABASA MO ANG
Devil Beside Me
RomancePaano na lamang kung makabangga mong tao ay kasing sama ng isang demonyo? Hindi naman siya ang ideal man mo pero paano kung magkasundo kayong dalawa dahil lang sa isang pagkakamali mo? Lalo bang lal-lala ang away niyo? O sa bandang huli bibigay ka d...