[17] The Surprise

3.8K 64 2
                                    

Jazrille's POV

Inis na inis talaga ako kay Ivan. Hindi man lang sya nagsorry sakin. Hindi naman din niya ako tinext! Siya na ang nagmood swing ako pa ba ang gagawa ng first move? Eh sya nga ang may kasalanan e!

Babae kaya ako! Bahala siya. Makatulog na nga, maaga pa ako bukas.

Kinabukasan...

Pumasok na ko sa school. Patingin tingin ako sa daan kung nandito na ba si Idiot. Kaso, wala akong nakita. Bakit ko ba sya hinahanap? Tss.

Pumunta ako sa room, classmate ko nga pala sya sa isang subject. Pero wala pa sya dito. Hindi ata papasok. Pakialam ko ba? Pero, habang nagkaklase kami, hindi ko maiwasan na magaalala sa kanya. Ewan ko pero, nakokosensya ako.

Hindi ko naman kasalanan! Pero bakit?!

Lumipas ang comarts pero wala akong naintindihan Nakakainis yung utak ko, ayaw makinig sakin. Second subject, gustong gusto kong itext si Ivan. Pero wag na pala baka sabihin nun ok na kami. Nainis talaga ako sa kanya kahapon.

So, tiniis ko syang hindi itext magdamag hanggang ngayon. Vacant na. Magisa na naman ako. Alam niyo na iba iba ang sched namin nila Rae. Tamad na tamad akong lumabas ng room. Wala na kong choice kundi magisa dahil gutom na rin naman ako.

Naglalakad ako sa may Freedom Park malapit sa may stage ng Quadrangle.

Hindi naman ako nagssoundtrip pero may naririnig akong sumusunod tapos kinakantahan pa ko.

Ay, ako nga ba? Assumera ko naman. Malay natin hindi pala ako, pahiya pa ko nun. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko na lang pinansin at tumungo na lang.

Pero parang may sumusunod talaga eh. Napatigil ako. May humarang kasi sakin. Pwede ba! Gutom na ko bakit ba nya ko hinaharangan?!

Pagtingin ko.. Si Idiot. May hawak na flowers. May mga maiingay na kumakanta sa likod ko.
Sinabayan niya pa.

Today is gonna be the day that they're gonna throw it back to you
By now you should've somehow realized what you gotta do
I don't believe that anybody feels the way I do about you now

Bakit ganto ang boses niya? Masyadong maganda! Pinagtitinginan na kami ng mga students dito. Pagtingin ko dun sa mga kumakanta kasabay niya, si Jet at si Ryan kasama yun classmate kong uh? Hindi ko na naman matandaan yung name Shon ba? Shen? Ah basta yun. Tapos isa pang basketball player din.

Back beat, the word is on the street that the fire in your heart is out
I'm sure you've heard it all before but you never really had a doubt
I don't believe that anybody feels the way I do about you now.

Nakatingin lang sya sakin habang kumakanta. Akalain mo yun, kaya niya palang kumanta sa harap ng maraming tao. Hawak parin niya yung flowers. Actually I hate flowers. Pero bahala na kung tatanggapin ko.

And all the roads we have to walk are winding
And all the lights that lead us there are blinding
There are many things that I would like to say to you
But I don't know how

Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko ngayon? Nainis lang ako sa kanya dahil sa moodswings niya. Akala niya siguro sobrang nagalit ako sa kanya kaya nya to ginagawa. Kung wala bang contract, maaari kayang mahalin ko sya?

Magiging masaya kaya kami after ng contract? Hindi ko alam kung bt ko naiisip yang mga bagay na yan.

Because maybe
You're gonna be the one that saves me
And after all
You're my wonderwall

Yung song, nakakarelate ata ako.
Siya ang nagbalak magligtas sakin sa sakit na dinadanas ko.

Today was gonna be the day but they'll never throw it back to you
By now you should somehow realized what you're not to do
I don't believe that anybody feels the way I do about you now
And all the roads that lead you there were winding
And all the lights that light the way are blinding
There are many things that I would like to say to you
But I don't know how

Kung wala kaya siya, makakaya ko ba to ngayon? Dahil sa pagtapon ko sa kanya ng juice, nagkakilala kami. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nakilala ko sya. Tinutulungan niya kong makalimot sa sakit na ginawa ng iba.

I said maybe
You're gonna be the one that saves me
And after all
You're my wonderwall
I said maybe
You're gonna be the one that saves me
And after all
You're my wonderwall.

Magpapasalamat ako sa kanya. Pero hindi muna ngayon. Baka maging conceited pa yan. Pero salamat Idiot sa pagdating sa buhay ko nang hindi inaasahan.

I said maybe
You're gonna be the one that saves me
You're gonna be the one that saves me
You're gonna be the one that saves me.

Nagpalakpakan naman yung mga tao dito. Nahihiya na ko, pero ang iniisip ko ay sya. Kung nahihiya ako, pano pa kaya siya? Hahahahaha pero mukha naman siyang walang pakialam. Inaabot niya sakin yung flowers pero nakakatitig lang ako sa kanya.

"Ano? Kukunin mo ba to or ibabato ko sayo?" Lagi na lang syang ganyan. Lagi na lang may threat.

"Subukan mong ibato, magkalimutan na tayo." Alam ko naman hindi niya ko kayang batuhin eh. Sanay na ko jan.

"Eh bakit ba kasi ayaw mong kuhanin to?" Inis na sya. Hahaha!

"Allergic ako sa flowers."

"Bakit hindi mo kagad sinabi? Tss ibibigay ko na lang to sa iba." Ibinigay niya dun sa isang babaeng nanonood samin. Nakatulala lang yung babae.

"Wag kang magisip ng kung ano ano. Binigay ko sayo yan kasi allergic si Jaz sa bulaklak kaya sayo na lang yan." Hindi naman pinansin nung babae yung sinabi ni Idiot kasi kinikilig parin yung babae.

"Ano bati na tayo?" Nagaway ba kami?

"Ha?" Narinig ko naman. Gusto ko lang ulitin nya.

"Wag mokong hina-ha jan. Tinatanong kita kung bati na tayo?" Tss grabe ang kasungitan, siya na nga ang may kasalanan, siya pa masungit.

"Ang sungit mo bahala ka jan." Aalis na dapat ako kaso hinigit niya ko sabay niyakap. Nagulat ako sa ginawa nya. Hindi ko alam kung anong irereact ko.

"Sorry sa moodswings ko. Hindi ko pala kayang hindi kita itext kahit ilang oras lang yun. Sorry na, nainis lang naman kasi ako kasi kung kani kanino ka ngumiti eh." Ano daw?

"Dapat kasi samin lang ng mga pinsan mo yang ngiti mo."

"Wag kang ngingiti sa iba, kasi nagseselos ako." Takte, tama ba tong naririnig ko? Ang galing naman nyang umarte. Nadadala ako. Kumalas ako sa yakap niya.

"Possessive."

"Hahaha ganun lang talaga ako, masanay ka na sungit." Tapos ginulo niya yung buhok ko at nagsimula ng maglakad papalayo sakin. Iniwan niya akong tulala dito. Hindi ko madigest yung mga sinabi kahit gutom ako.

Ivan's POV

Success naman yun plan ko. Nahirapan pa nga ako sa pangungumbinsi kay Ryan at Jet kasi akala nila sinaktan ko si Jaz. Sabi ko naman, nagkatampuhan lang. Pumayag naman sila dun sa plan ko. Hindi ko alam na allergic pala sya sa flowers. Sayang naman, sa iba ko tuloy naibigay yung flowers.

Nandito ako ngayon sa gym Nagpapraktis magisa. Shooting lang naman. Iniisip ko yung mga nasabi ko kay Jaz kanina. Akala ko kasi hindi kami magkakabati nun. Nahirapan ako sa planong yun kasi hindi naman ako kumakanta sa harap ng maraming tao. Pero para sa kanya nagawa ko.

Napaamin ako sa kanya kung bakit ako nainis kahapon. Haaay hindi ko alam kung anong feeling to. Yung feeling na gusto mo syang batukan. De joke tawa kayo hahaha. Napagod na akong magshooting.

Paalis na dapat ako, magshashower tapos aakyat na sa dorm nang biglang,

"Gaaaaab! I miss you so much!" Sabay hug sakin.

Anong ginagawa niya dito?

My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon