Girlfriend for Hire
by Yam-Yam28
Rate: ★★★★★
Synopsis:
This story is about Nami Shanaiah San Jose at Bryle Caleb Stanford.
Si Nami dito ay isang scholar ng kolehiyong pag mamay-ari ng lolo ni Bryle. HRM student sa Stanford University. Isang matalino pero slow na babae.
Naghiwalay ang mga magulang ni Nami nung nasa ika-13 taong gulang sya at naiwan sya sa pangangalaga ng ama niya. Makalipas ang isang taon ay namatay sa aksidente ang kanyang ama sa araw mismo ng anibersaryo ng kanyang mga magulang. Nang dahil sa pangyayaring to ay ngtanim sya ng galit sa ina nya at sinisi ito sa pagkamatay ng ama nya. Simula noon ay nakatira na lamang sya sa tiyahin nya, na kapatid ng ama nya, kasama ang pamilya nito.
Makikita mo sa katauhan nya ang isang masipag at positibong tao sa kabila ng pagiging ulila sa magulang. May dalawa syang pinsan dito, si Katie na kasundo nya at si malditang Stacy na anak ng tiyahin nya.
Habang si Bryle naman isang gwapo, mayabang, at siga sa paaralang paymamay-ari ng lolo niya. Lahat halos ng lalaki ay takot na makabangga ang tulad nya habang halos lahat ng babae ay kinahuhumalingan naman sya. Bata pa lamang sya nang maulila sa magulang ng mamatay ang mga ito sa plane crash at simula noon ay ang kanyang Lolo Bernard na ang nag-alaga sa kanya.
San nga ba ngsimula ang lahat ng gulo sa buhay ng mga bida?
Alam nyo bah?
Nagsimula lang naman ang lahat dahil sa huling slice ng Choco-Strawberry cake. Tama kayo, dahil lang sa cake. Inagawan kasi ni Bryle si Nami sa pagbili ng huling slice ng cake na naging dahilan para sigawan ni Nami si Bryle. Hindi alam ni Nami dito na apo ng may-ari ang sinisigawan nya. Ito ang naging daan para i-bully ni Bryle si Nami sa paaralan nito.
May isang pangyayari sa buhay ni Nami na naging daan para pumayag sya sa alok ni Brylle bilang hired girlfriend, kapalit ng sahod at condo unit na ibibigay ni Brylle sa loob ng tatlong buwan. Kinuha ni Bryle si Nami dahil ito lamang ang bukod tanging babaeng alam nyang walang gusto sa kanya dahil sa pagiging mortal nilang magkaaway. Kailangan nya ng magpapanggap bilang girlfriend nya sa loob ng anim na buwan at ipakilala ito sa lolo nya. Binantaan si Bryle ng kanyang lolo na kung wala syang maipapakitang girlfriend ay mapipilitan itong ipakasal sya sa sino mang magustuhan nito. At dito nagsimula ang lahat ng gulo.
May pag-asa pa kayang maging tunay na girlfriend ang isang Girlfriend for Hire lang?
Reviews:
Parang predictable na masyado at bugbog sarado na yung mga ganitong tema. Tipong sasabihin mong, ay marami na yung ganito fake girlfriend na naging true girlfriend ni Boyfriend. Yung nagsimula sa pagpapanggap ang lahat na nauwi sa happy ending. Masyadong cliche ika nga. Paulit-ulit na lang.
Pero teka lang bakit nga ba sya dapat basahin?
1. Good-vibes. Kung gusto mong mamatay sa kakatawa, eh dito kana.
Tamooo! Ito na ata ang pinaka nakakatawang nabasa na storya ko dito sa Wattpad at bagay lang ang 5-Star level sa kanya. Hahaha.. Da best talaga ang mga hirit dito. Kahit mababaw na ay nagagawa pa ring kakatawa. Imaginin mo ba naman na binabasa ko to sa bus habang bumibyahe eh hindi ko mapigilang humagalpak sa tawa kahit masabihan pa akong baliw. Pakialam ko ba sa kanila!
Ang ganda talaga nyang pampaalis ng stress. Yung mga banatan nila Nami at Bryle eh napaka epic. Yung babanat na si Bryle pero dahil sa napaka slow ni Nami eh epic fail palagi ang mga da moves ni Bryle. Isa pa ay ang dynamic duo ng Lolo Bernard ni Bryle at ng driver/side kick ni lolo na si Manong Eddie. Sino ba naman ang makakalimot sa mga sabwatan nilang dalawa? Hahaha. Ito talaga. Grabeh ang tinawa ko dito.
2. Supporting cast. Tama! Hindi mgbobloom ang mga bida kung sablay din ang mga supporting cast o side kickssss ika nga. I think ang pinaka winner sa categoring ito ay... (insert drum roll), sino pa nga bah? Syempre pa ang dynamic duo nina Lolo Bernard at Manong Eddie. Pag sila na ang bumanat, kumapit kana dahil siguradong hahagalpak ka sa tawa. Hahaha. Grabeng laugh trip ko sa kanila.
3. Love Teams. Hindi yan singular ha, plural yan,, plural... Sino ba naman ang hindi kikiligin sa mga love teams dito? Syempre pinaka panalo si Nami dito. Aba, ang haba ng hair (ng rejoice ka ba girl?).. Chos! Hindi lang dalawa, aba sya lang naman ang humakot ng lalaki dito. May Nami-Bryle, Nami-Tommy, Nami-Chef Tj, Nami-Hell, Nami-Drey. Hay kaloka ka Nami. Hakot-hakot talaga?
May Katie-Thirdy din at Steve-Stacy din dito na love team. May side story din bawat love teams nato.
4. Unexpected twist. Sinong mag eexpect sa isang twist? Ay kaloka! Akala ko puro patawa lang tong storya nato. Di mo aakalaing luluha ka rin pala. Siguro na predict ko pa yung pagbabalik ni Elida, ex-girlfriend ni Bryle. Pero kung paano nangyari at nagkabalikan sila, yun hindi ko na predict.
Gaya nga ng sabi ko, hindi ko akalain na paiiyakin pala ako nito. Mga nasa bandang, 85% na ata ng lumabas yung luha ko. Grabeh, iyak ako ng iyak dun sa Adobo scene ni Brylle. As in, na shock ako dun. Nung kinain nya yung Adobo kahit natapon at nadumihan na ito. Oh my gosh lang talaga. Sobrang na touch at naiyak ako ng sobra dito at sabihin nya to:
"Kahit sumakit ang tiyan ko...wala akong pakialam. Birthday gift ito ni Nami Steve. Niluto to ni Nami para sakin. Baka...baka ito na ang huling beses na matitikman ko ang luto niya kaya Steve, hayaan mo na lang ako."
Akala ko puro patawa lang si Yam-yam pero pinahanga nya ako nung magpaiyak na sya. Tagos din sa puso.
Fallbacks:
Sa totoo lang, kung titingnan yung mga salitang ginamit eh parang ang babaw lang. Ooops wag mo na kayong magalit ha, opinion ko lang yan.
Ganito kasi yun, parang hindi sya ganun ka lalim. Siguro dahil na rin sa yung genre nya eh comedy. Ahm, pano ba to. Ang hirap kasi i-describe eh. Tipong parang aakalain mong newbie pa lang yung author dahil sa mga use of words nya dito. Pero hindi ko naman sya masyadong napansin nung unang basa ko, dun ko lang napansin nung second reading ko na.
Currently kasi eh binabasa ko uli sya para masimulan ko na yung book 2. Ng stop kasi ako dahil hinintay ko talaga si Yam-yam28 na matapos yung "Officially His Girlfriend". Kaso, medyo natagalan akong simulan sya kaya nawala na ako sa flow ng story kaya sinisimulan ko uling basahin yung book 1 para ma connect ko sa OHG.
One thing lang na nagpa bawi sa babaw ng use of words ni Yam-yam is yung style ng pagdedeliver in a comedic way. Tipong hindi mo na papansinin ang ano mang dapat pansinin dahil napatawa kana niya. Also, tinatabunan ng pagiging consistent ng storyang ito sa pagpapatawa. Tipong hindi ka ma bobore dahil bawat chapter eh may kakatawanang pangyayari. Parang nasa 85% ng story eh puro comedy, well ung 15% eh yung andun na yung drama which is nasa last part na ng story.
Ahm.. wala na akong maisip na fallback ng story eh. Nung October 2013 ko pa kasi natapos toh. Pero ngayon ko lang naisipang gawan ng review gawa na din ng tinatamad ako. Ayoko kasi yung feeling na kulang yung naibigay kong review plus nakalimutan ko na ung ibang details ng story.
Next stop ko na eh yung Officially His Girlfriend.
Sayo Ms Yam-Yam28, panalo tong story nyo. Sana maging movie ito at nang marami din ang mapatawa mo sa kakenkoyan nila Nami at Brylle.
Para sa akin ito na ang The Best Comedy Story in Wattpadmania at hanggang ngayon kahit na marami-rami na rin akong nababasang ibang story ay wala pang nakakaagaw sa spot nito sa puso ko. Number 1 pa rin!
BINABASA MO ANG
Reviews & Opinions on the Best Stories in Wattpad!
RastgeleA compilation of the best stories in Wattpadmania. Basically my opinions on the stories that caught my attention. Their pros and cons. This is just my opinion not as a writer (since I'm not) but as an avid reader. This may served you as a guide. Bu...