we back

270 1 0
                                    

Prologue

Im all alone, wala na siya. Wala na ang babaeng gusto ko makasama habang buhay. She just left me for a stupid reason. Almost 2 months na iniwan niya nung iniwan niya pero ang tanga ko hindi ako maka move-on. Siguro nga dahil sa she’s been my life, kasama ko na siya from childhood hanggang nagyon, then she left me for that boy and stupid reason why she choose that man. Kaya ngayon nasa isang building ako sa school namin, im in the rooftop nakatayo sa edge.

                “walang kwentang buhay toh… gusto ko nang mamatay! AAAAHHH”

                “talaga? Hindi ka takot?”

Malapit akong mahulog sa building ng may biglang nagsalita kaya napalingon ako sa tabi. May isang babae nakatingin lang sa malayo pero yung mata niya naka-agaw ng pansin ko. It was so cold, di mo halos alam kung ano talaga nasa emosyon niya pero I can felt it she was lonely at mabigat ang di naramdam mas mabigat sa nararamdaman ko? Hindi ako nagsalita, nagging tahimik ang buong paligid at nag umihip ang malamig na hangin. Lumingon siya ng dahan-dahan sa akin at ngumiti. Pilit na ngiti? O natural na ngiti? Hindi ko alam kong anong klaseng ngiti yun basta iba.

                “sorry kung na disturbo kita. Pero kung gusto mo talagang tumalon dun ka sana sa may likod. Kakahiya kasi kung sa harapan ng building na ito.” At tumingin siya sa baba tapos tingin ulit sa malayo.

                Hindi na ako umiik sa sinabi niya at bumaba ako sa kinakatayuan ko. Hindi naman siya nag comment, ni hindi siya lumingon sa akin. Nasulyapan ko ulit ung mata niya at tumingin sa tinitingnan niya.

                “wala naman talaga kong tinitingnan, nag-iisip lang ako.” Kaya tumingin nalang ako sa baba. It was 80 feet tall at hindi ko naisip yun kanina. Ngayon nakatayo kami pero hindi yung tinayuan ko kanina huh (kaw nlang mag-imagine) sinamahan ko nalang siya for a reason na hindi ko alam. Huminga siya nang malalim at lumingon sa kinatatyuan ko

                “pepe ka ba? Or you are an English man?” maganda yung accent niya, bihasa siguro. Tapos bigla nalang siyang tumawa, yung simpleng tawa lang.

                “haha. Ano ba naman ako, narinig nga kitang nagtagalog kanina, tinanong pa kita.” Tinawanan niya ang sarili niya.

“bat ka ba magpapakamatay, eh mukhang Lovelife lang naman problema mo.”sinabi niya na nakangiti.

 (Hala? Halata ba ? manghuhula ba siya?)

                “hindi ako manghuhula huh.”sabay pout sa lips.

(Nasabi ko ba ng malakas un? Baka nababasa niya iniisip ko.)

                “at hindi ko nababasa isip mo. Halata ka kasi masyado at tsaka nabasa ko na to sa mga novel pati narin sa mga ebook noh at nabasa ko na rin ito sa manga. At nagbabakasali lang ako, baka tama ako dib a?”

                “ganun?” sagot ko sa kanya.

                “yehhe.. buti nagsalita ka na.. kala ko tuod ka na dyan eh.. hehe.” Sabi niya habang nakangiti.

                “malalim lang talaga iniisip ko at nagulat ako nang dumating ka.” sabi ko sa kanya, hindi naman siguro masama na makipag kwentohan diba?

                “gulat talaga? Kausap lang pala kailangan mo at hindi yung talon.”

                I chuckled a little. I chuckled after all this time because of this girl.

                “yun oh ang cute mo naman pala pag naka smile.. J “ smile niya sa akin at tumayo nang tuwid at naglakad palapit sa akin. Nang bigla siyang natumba, buti malapit na siya sa akin at nasalo ko siya nang konti.

                (Ang bigat!) ang nasa isip ko. Malamang mabigat siya, chubby kasi siya. Ung bewang niya siguro nasa 29-30 taz ung kilo siguro nito nasa 60 to 70? Something… tapos yung taas niya lang siguro nasa 5’3 o 5’4. Kaya mataba talaga siyang tingnan pero di ko naman iniintindi yun.

                “uiee.. okay ka lang ba?” tanong ko kanya habang papatayo na siya sa pagkakadapa niya kanina.   Tumingin siya sa akin ng seryoso at binigyan ako nang matamis na ngiti.

                Nang ganito. (^_____^)

                “sorry.. di ko kasi napansin yung may uneven na floor. cute ka pala, Alam mo marami magkakagusto sa iyo kung iibahin mo look mo. Tanggalin mo yang glasses mo at magsuot ka nang cool na damit. Nerd ka kasi tingnan. Tapos yung buhok mo din ipa-trim mo na. ” yun yung sinabi niya sa akin at biglang may nag-ring ang phone niya.

                Tiningnan niya ang phone niya, pero ndi niya yun sinagot.

                “hanggang sa muli Mr. Engineer.” At umalis na agad siya. Di ko na siya nakita, nagmamadali siya ngunit may nakita ako sa sahig nang matumba siya. isang key chain dog.

.-We Just Met There-.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon