She's the Rule Breaker
by Heartruiner
Rate: ★★★☆☆
Synopsis:
Actually, pwede na sya sa fantasy na category dahil sa involvement ng sorcery, vampires, wolves, at ibang nilalang sa storyang to.
Ito ay pinagbibidahan ni Summer Hamilton at Spear Jensens.
Isang half wolf at half sorcereress dito si Summer/Revina na ikinulong ng The Sector sa loob ng limang taon dahil sa isang kasalanan. 15 lamang sya ng maikulong sya sa isang tower. Nang malaman nya ang plano ng The Sector sa kanyang pageeksperiminto ay tumakas sya sa kulungan at sa di sinasadyang pangyayari ay naligaw sya sa teritoryo ng mga wolves. Dito nya nakilala ang pinuno ng Knight Autumn packs na si Alpha Spear. Isang masungit, gwapo, at kinakatakutang Alpha dahil sa matagumpay at disiplinado nyang pamumuno sa packs nya.
Habang kilala naman si Summer bilang "Forbidden Huntress" dahil sa kasalanang nagawa nya na syang dahilan ng pagkakakulong nya. Dito ay tinulungan sya ng packs ng mga lobo kung saan ang daan pabalik sa Sunny Dale. Ito ay ang lugar ni Summer kung saan marami ang nakatirang may ibat-ibang klaseng taong may taglay na kapangyarihan.
Makalipas pa ang dalawang taon bago muli nagkita sina Summer at Spear. Dito ay tinulungan nya ang mga packs sa pamamagitan ng pagpapatira sa mga ito sa mansion nya. At dito muling namulaklak ang atraksyon na nilalabanan ng dalawa. Bakit? Dahil mated na si Spear sa isang werewolf na nagngangalang Edka. Iniwanan si Spear ng babaeng itinakda sana niyang pakasalan at dahil dito hindi sya maaring umibig muli. Dahil sa katotohanang ito kaya iniiwasan ni Summer ang mapalapit kay Spear.
Malalabanan kaya ang isang damdamin kung ang taong yun ay matagal ng nakatakda sa iba?
Kaya mo bang makihati sa isang taong pagmamay-ari na ng iba?
Reviews:
Unang tanong palagi, bakit ko sya babasahin? Anong meron?
Actually, maikli lang sya, parang nasa 30+ chapters lang ata sya.
Kung gusto mo ng magaang storya na di masyadong mabigat sa damdamin ay dito kana, ika nga feel-good story lang sya. Bakit ko nga ba sya nagustuhan?
Dahil die-hard fan ako ng Twilight Saga at syempre pa may mga machong werewolves na involved dito. Curious ako kung ano ba talaga yung mating na sinasabi sa Twilight. At yun nga nalaman ko sya dito.
Gusto ko rin kasing malaman kung paano magagawan ng storya ng Pinoy ang mga ganitong genre. So far so good sya. Pang pa relax nga ika lang.
Ang pinaka highlight siguro sa akin dito is yung lumabas na ang katotohanan sa pagkatao ni Summer.
Siguro nabibilisan lang ako nung bandang huli. Tipong kailangan ng tapusin kaya parang halatang minadali yung pagkakagawa sa dulo ng storya. Pero other than that ay ok na ok sya. Yung wordings nya yung tipong hindi mababaw at may laman. Halatang pinag-isipan din ang pagkakagawa.
Kung gusto mo yung ganitong klaseng genre ay dito kana. Kahit maikli pero kakaaliw pa rin.
BINABASA MO ANG
Reviews & Opinions on the Best Stories in Wattpad!
RandomA compilation of the best stories in Wattpadmania. Basically my opinions on the stories that caught my attention. Their pros and cons. This is just my opinion not as a writer (since I'm not) but as an avid reader. This may served you as a guide. Bu...