Chapter 25.1: FINAL CHAPTER (Part I)

223 7 0
                                    

Emegeerrrrrrrrddd. Final Chapter na itey. WAAHHHHHHH!!!!! Hahaha, may part II pa naman. XD

CROSS’ POV

“Let’s Move! Go Go Go Go!!!!!!!” –Police

Isa-isang pumasok ang mga pulis sa loob ng isang lumang building. Dito daw kasi nila na-trace yung cell phone number na tumawag sa akin. I still hope na nandito talaga si Eya. Miss na miss ko na siya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag nakita ko siyang wala nang buhay.

Sumama ako sa pagpasok sa loob ng building pero hinarangan ako ng isang pulis. “Sir, bawal po kayong pumasok, delikado po.” –Police

“Huwag ka ngang makialam, gusto kong makita ang girlfriend ko.” Pilit akong kumakalas sa pulis na siya naman mahigpit ang pagkakapit sa akin. So ayaw niya talaga akong papasukin o gusto niya lang mananching? Kanina pa to nakahawak sa abs ko ah. ^__________^

Wala naman nagawa yung pulis sa akin. Nakawala naman ako sa kanya tapos agad akong tumakbo ng mabilis sa loob ng building. Madilim na madilim yung building. Hindi nawawala sa isip ko na baka mamaya ay may lumabas na multo or let’s just say na si Mary.

Ano pa ba ang uunahin ko sa ngayon, ang matakot o ang mahanap si Eya? Tumakbo ako ng mabilis para mahanap si Eya. Takbo dito, takbo doon, wala pa akong nakikitang tao. Maya maya lang ay may nakita na akong babae na nakahiga sa isang dulo ng kwarto.

Tumakbo ako papalapit sa babaeng yon at napag-alaman ko na si Eya ang babaeng yon. She’s unconscious. Madami siyang sugat sa katawan niya. Hindi na ako nagdalawang isip na buhatin siya. Binuhat ko siya na parang pangkasal at nagmadali na akong bumaba sa ground floor.

Sinalubong ako ng mga pulis at agad naman pinahiga si Eya sa hinandang kama ng Emergency Team.

“Sir, wala na pong tao sa loob. Ang tanging nakita lang po namin ay isang cell phone.” –Police

Pinakita sa akin ng pulis yung cell phone na nakita nila at isa lang ang hula ko dito. Ito yung phone na tumawag sa akin kagabi noong nasa Police Station pa kami. Naiinis pati ako ngayon kasi nakatakas yung mga taong kumidnap sa kanya. Darating din ang araw nila.

Agad akong pumasok sa loob ng Ambulansya kung saan nandun si Eya. Nakita ko siyang nakahiga at wala pa ring malay. Hindi ko mapigilang maluha habang tinitingnan ko ang mga sugat sa kanyang katawan. Dapat ako na lang ang nasa sitwasyon niya. Dapat ako na lang ang may mga sugat sa katawan at hindi siya.  Nagsisisi ako sa mga pagkakamaling nagawa ko. Napakalaki ng kasalanan ko sa kanya.

Sinarado na ng Nurse yung pintuan sa likod ng Ambulansya at nagsimula na itong umandar.

Pagdating sa Hospital, agad nang dinala si Eya sa loob ng Emergency Room. Sinubukan kong sunod sa loob ng E.R. pero binagbawalan na ako ng nurse.

Napaupo na lang ako sa isang tabi sabay tungo habang nakapikit. Di ko namalayan na may mga luha nang pumapatak mula sa mga mata ko. Habang nandito ako sa pwesto ko, di ko na napansin na nakatulog na pala ako. Simula kasi kagabi ay hindi pa ako nakakatulog, 7:00 p.m. na kaya almost 25 hrs. akong gising.

--------------------------------------------

“Pre, ayun si Cross oh!”

Sabi ng isang pamilyar na boses.

“Pre, gising! Hoy!”

Minulat ko yung mata ko tapos nakita ko si Seven. Kasama niya ang iba ko pang barkada. Actually kumpleto pala sila.

“Nandito kami ngayon para kamustahin ang kalagayan ni Eya. OK na ba siya?” –Sync

Itong si Sync, halatang galing pa sa isang Mall Show, nakabihis pa talaga.

"Diary Ni Eya (Fan-Fic)" {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon