MARIONNE'S POV
" HOY!"mahinang siniko ako ni Valeng na katabi ko sa aking kama," wala ka ng imik diyan. " Narito na kami sa loob ng hotel room.Matapos magbihis ni Valeng ay lumipat ito dito sa room ko dahil gusto makipag chikahan...tungkol doon sa tumawag sa akin sa cellphone at tinawag kong babe. Di makatulog hangga't walang sagot mula sa akin.
"Hoy, Maring wag mo akong tulugan! Magkukwento ka pa sa'kin!"mahinang hinampas ako ng unan ni Valeng.
"Di pa naman ako tulog ah!"angil ko, " ayan oh!...dilat na dilat pa ang mga mata ko! "Pinikit ko lamang ang mga mata ko kanina pero di ako tulog at ni hindi pa ako dalawin ng antok. Gising na gising ang diwa ko at naglalakbay ang isip ko .Naglalakbay pero sa isang direksyon lang ang tinatahak...at 'yon ay si Nico.
'Kilalang kilala.'
Bumabalik balik sa pandinig ko ang naging sagot na 'yon ni Nico. Naghintay ako na madugtungan pa ang sagot niyang iyon pero wala ng ibang salita na lumabas sa bibig nito bagkus mataman na lang niya akong tinitigan sa mga mata na para bang sa pamamagitan noon ay maipahiwatig niya ang gusto niyang sabihin sa akin. Pero wala akong maapuhap sa aking isipan kung ano ang ibig niyang sabihin sa akin kaya naman hanggang ngayon ay binabagabag niya ako.
" Sino 'yong babe na tinawag mo? "bumangon si Valeng sa kanyang pagkakahiga at umupo sa ibabaw ng kama. Wala pa talagang planong matulog .
" A friend of mine. "Mahinang tugon ko.
" Eh , Maring naman eh!...nasabi mo na 'yan kanina."nagpapadyak pa na sabi ni Valeng.
" Nasabi ko na pala, eh ba't tinanong mo pa ulit? "
" Wala bang pangalan, teh?"sabay irap. Tinaasan lang niya ako ng kilay at halata sa mukha nito na naghihintay pa ito ng karugtong sa sinabi ko.
" He's name is Jacob. "ganting irap ko sa kanya, "I met him in Switzerland. Isa rin siyang bakasyonista doon. Nataon na magkalapit lamang ang inuupahan naming villa doon at ayun madali ko siyang naka close dahil isa rin siyang pinoy. "Napangiti ako dahil naaalala ko si Jacob.
"And? "
" And?"ulit ko sa tanong ni Valeng.
" Eh ba't may pangiti - ngiti ka diyan?Ha? Ha?"biglang bangon ako dahil kinikiliti ako ni Valeng sa tagiliran ko.
" Hey! ! Stop it!"mahinang sigaw ko at todo iwas ako sa pangingiliti ni Valeng. " I said stop! Ano ba nakikiliti ako! Ay!"
" I won't stop, unless aminin mo sa akin."nakangising sabi niya.
" Aminin ang ano?"
" Anong ibig sabihin ng pangiti - ngiti mong 'yon kanina habang pinag - uusapan natin 'yung Jacob na 'yun, ha?...my something sa inyo, ano? Uy!...uy!"
" Wala!...tsaka masama bang ngumiti? alangan namang umiyak ako. Masaya lang talagang kasama at kausap si Jacob kaya ganun. "pagpapaliwanag ko at pilit na hinuhuli ang dalawang kamay ni Valerie na di pa rin tumitigil sa pangingiliti.
Di naman ako nabigong hulihin iyon at ngayon ay hawak hawak ko ang dalawa niyang kamay at dali-daling bumangon sa pagkakahiga ko.
BINABASA MO ANG
LOVE will Lead YOU back (My Maid from Heaven Book 2)
FanfictionAno ang mangyayari sa muli nilang pagkikita? Maalala kaya ni Marionne/Angeline si Nico? Hanggang kailan maghihintay si Nico? Subaybayan natin ang kakaibang kwentong pag-ibig nina Nico at Angeline. Para sa mga new readers read first MY MAID FROM H...