Bago ako umuwi sa amin galing sa trabaho ay lagi akong napapadaan sa lumang fountain malapit sa bahay namin.
Luma na ito kong titignan mo,pero may laman pa naman itong tubig.
Dadaan ka muna sa mapunong lugar bago marating ang fountain na ito.
Bakit ako nagpupunta dito? Sabi kasi ni Lola Elinda bago siya pumanaw ay mahiwaga daw ito at itinutupad nito ang kung anong hiling mo.
Totoo kaya iyon? Sana oo.
Gusto ko sanang hilingin na sana matagpuan ko na ang lalaking magmamahal sa akin.
Lagi akong nagpupunta dito upang humiling sa mahiwagang fountain na ito.
Humarap ako sa fountain.Pumikit ako at taimtim na humiling dito.
Mahiwagang Fountain,una sa lahat sana walang nakakakita sa akin dahil para akong tanga ngayon na kinakausap ka.Pangalawa, Huminga ako ng malalim saka ko itinuloy ang sasabihin ko.
Sana naman mahanap ko na si Mr. Right,mahanap ko na sana ang icing sa ibabaw ng aking cupcake.Pwede na naman akong lumandi eh.Mayaman na kami at saka lahat na ng maliliit kong kapatid eh may asawa na,samantalang ako pang Miss Universe na ang mukha pero wala parin.
Idinilat ko na ang aking mata.
Ang desperada ko na. Huminga ako ng malalim at umuwi na sa bahay.
Pumunta agad ako sa kwarto ko at kinulong ang sarili ko.
Panget ba ako?
Malungkot na sabi ko habang nakatingin sa salamin.
Liza Soberano,ikaw ba yan?
Pagpepretend ko at saka ko inuntog ang sarili ko.
Ayy,salamin lang pala. Saka ako humalakhak.
Ang tanga ko na.Itutulog ko na lang ito.
~-~-~-~-~•
Nagbibihis na ako ngayon,dahil papasok na ako sa aking trabaho.
I'm Isabelle Red Lagrada.One of the most richest person in the whole world.
Ang aking ama ang nagpapatakbo ng kompanya dati pero dahil pumanaw na siya,ay ako na ang nangangalaga at nagpapatakbo ng kompanya.
Habang nakaupo ako ngayon sa aking opisina ay biglang may kumatok sa pintuan.
Come in,please. malumanay kong sagot.
Agad naman itong bumukas.Nakita ko ang isang lalaking,mukhang galing sa isang mahirap na pamilya.Nakasuot siya ng black t-shirt at pants.
Tinaasan ko siya ng kilay upang maalarma siya.
Ma'am kasi..
Spill it. Pagputol ko sa sasabihin niya.Wala ako sa mood ngayon saka meron ako kaya naman ganito ang ugali ko.
Sinabi niya sa akin na siya muna ang papalit bilang assistant ko.Dahil maselan daw ang pagbubuntis ni Angelique.Pinsan daw siya ni Angelique,ang dati kong assistant.
Ininterview ko muna siya.Mukhang hindi naman siya gagawa ng ikagagalit ko.Tinanggap ko siya sa trabaho,kailangan daw niya talaga ng pera saka gusto daw niyang mag-aral muli.Hindi daw kasi siya nakatapos ng highschool dahil nagtrabaho agad siya.
Very interesting,you're hired.
Hindi siya makapaniwala at abot sa tenga ang ngiti nito.
Ehh...Ma'am kailan po ako magstart?
YOU ARE READING
Miraculous Fountain
FantasyIsang mahiwagang fountain ang babago sa buhay ni Isabelle. Nang dahil dito ay matatagpuan niya ang lalaking mamahalin niya. Charot! (Hindi po ito FANTASY)