Chapter 1

216 5 0
                                    


*One message received
From:0917******
"Meet me at the park mamayang 5 pm. 'Pag 'di ka pumunta, malalagot ka.
--------
Cahriya's POV

Duh? Sino'ng tinakot mo? Ang nag-iisang Cahriya Monique koh? Huh! Ipinasok ko na agad sa bag ko ang phone ko. Wala talagang magawa mga tao ngayon. Sarap manapak.

"Riya!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Nico lang pala. Nagtuloy-tuloy na akong lumakad.
"Hey! Wait up!"

Kiber ko sa'yo? Habulin mo ako kung gusto mo. Narinig ko nga siyang tumakbo. Tapos hinawakan niya ang balikat ko.

"Don't touch me." Sabay tampal ko sa kamay niya.

"Arte mo ha? Halikan kita dyan eh," maangas na sagot niya. Aba? "Subukan mo nang manghiram ka ng mukha sa alaga mong kuwago."

Naglakad na ako palayo sa kanya. Pero sinusundan pa rin niya ako. Tsss..

Siya si Nico Harrison. Kababata ko. Mula pagkabata, magkasama na kami kaya sawang-sawa na ako sa pagmumukha niya. Pero siya lang naman ang nakakatiis sa ugali ko pati na rin ang nag iisa kong kaibigan.

Si ziri. Silang dalawa lang ang nakakalapit sa akin nang hindi nauutal at nanginginig ang mga tuhod. Dahil lahat sila dito, takot sa akin. Pati nga mga professor takot sa akin. Well, they should be. 'Coz i own this school. Kaya kayang-kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko. Kahit hindi ako pumasok nang isang buwan ayos lang. Ipapasa at ipapasa pa rin nila ako.

PUMASOK na kami sa classroom. Aba't tumahimik silang lahat? Nakakatawa naman sila. Umupo na ako sa upuan ko at nakitang nakadukmo si ziri.

"Ano'ng problema mo? Tumingin siya saakin pagkatapos ngumiti ng sobrang lapad! O.o?

"Riya! Emeged!" Nakatingin silang lahat ngayon sa kanya. Ako naman nakataas lang ang isang kilay habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"May boyfriend na 'ko, riya!. Eeeeeh! Kinikilig ako, pakshet!" Ang ingay. =_= Sinampal ko nga.

"Aray ko naman! Bakit ka ba nananampal? Problema mo, teh? Tanong niya habang hinihimas ang kanyang pisngi.

"Kung makasigaw ka kasi eh. Puwede bang lower the volume? Sagot ko naman.

"Okay, sige na." Hininaan na niya ang boses niya. Eh sino naman ba 'yang sinasabi mong lalaki 'yan?" Bored na tanong ko. Im sure na boring guy na naman.

Hinawakan muna niya yung dalawa kong kamay tapos huminga siya ng malalim. Tsaka sinabing....

"Si kier Lance Chua! Yung pinakagwapong gangster sa Dalton High! And guess what? He already kissed me!!"
"Wat da pak? Pumatol ka na sa isang gangster, nagpahalik ka pa? Baliw ka na ziri."
"Eeeh?! Riya naman, eh. Ngayon na nga lang may pumatol na super hot guy saakin kokontrahin mo pa? Aheytyu!" Hinampas niya ang braso ko.

"Aheytyutu!" Binigyan ko siya ng isang pagkalakas-lakad na hampas sa balikat kaya nalaglag siya sa upuan. Nagtawanan ang classmate ko pero tiningnan ko sila nang masama.

"Sige, tawanan nyo pa. Gusto nyo upak? Tinulungan ko na lang tumayo si ziri. 'Tang-inang to? Tatawa-tawa pa?
Kuwento lang sya ng kuwento tungkol sa hinayupak na lalaking yun. Ano kaya trip ng lalaking yun at pinatulan ang baliw kong kaibigan? Hindi ko naman sinasabing pangit si ziri. Actually, she's very beautiful. Pero, im more than beautiful. Pero yun na nga. Bakit niya kaya pinatulan si ziri, eh, napakaisip-bata ' tsaka napakaingay pa? Baka paglaruan lang ng lalaking yun ang kaibigan ko? Tsk! Humanda sa akin yun!

DUMATING na yung professor, tapos nagklase na kami. Tapos next class na naman, tapos break time naa!
Nandito kami ngayon sa canteen. Syempre sa nag-iisang puwesto namin. Walang ibang umuupo dito kundi kami. Subukan nilang umupo dito, tatadyakan ko lahat ng mga pwet nila!

"Riya, pupunta pala ako sa singapore next week. Sama ka?" Tanong ni nico.
"Sino kasama?"
"Tayo lang."
"Wag na. Iwanan mo pa ako dun." I rolled my eyes. Kumain na lang ako ng favorite kong spaghetti na maraming cheese!

Ito lang naman nakakapagpapasaya sa akin, eh. Hindi naman kasi ako nagiging masaya.  Madalang lang ako makitang nakangiti ng totoo. Hindi yung fake and sarcastic.
May bigla na naman akong naaalala. Kinuha ko yung phone ko sa bag.

"Oy? Kilala n'yo yung number na 'to? Ipinakita ko sa kanila yung number sa phone ko. Iyon yung nag text saakin na makipagkita raw sa kanya sa park.
"Hindi, eh" sagot ni ziri.
"Ako rin, hindi," sabi naman ni nico.
"Sino kaya itong hayop na ito? Stalker mo teh?" Tanong ni ziri.
"Aba, malay ko?" Pumunta kaya ako mamaya? Pero hindi ako makikipagkita.

UWIAN na namin. Hindi na ako sumabay sa pag-uwi nina nico at ziri. Pupunta talaga ako doon sa park.
'Eto na. Papunta na ako sa park. Nasaan kaya yun? May nakita akong isang lalaki na nakaupo sa swing. Siya na kaya yun? Lalapitan ko sana siya, eh... Pero may lalaking lumapit sa kanya.

"Lance! Wala pa ba yung hinihintay mo?" Lance? Sounds familiar.

Lance's POV

PINUNTAHAN ako ni jaron. May hinihintay din iyan, eh. Hindi ko lang alam kung sino. Basta ako hinihintay ko yung naghamon ng away sa akin. Sabi niya dito daw sa park. Para kaming magmi-meet. Ang bading lang.
Tss.
"Wala pa, pre. Naduwag ata yung loko."  Tumawa lang sya tapos tumingin sa wristwatch niya.

"Paano, pre? Uuna na 'ko. Walang chance na siputin ako n'ong hinihintay ko, eh."
Tinanguan ko na lang si jaron. Ako, nakaupo pa rin.
Tae yun, ah? Bakit hindi na nagpakita? Maghahamon tapos maduduwag? Tsk! Makaalis na nga!

Tumayo na ako at naglakad paalis pero may humawak sa braso ko. Napangisi ako. Inihanda ko na ang kamao ko para sumuntok. Kasabay ng pagharap ko sa kanya ay ang puwersa ng kamao ko. Pero nagulat ako nang mahawakan niya ang kamao ko at nang mapatingin ako sa kanya....Isang babae?
"
"Walanghiya ka? Pinapunta mo 'ko dito para suntukin ako? Gago ka pala, eh!"
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamao ko. The next thing i knew, nakahandusay na ako sa lupa.

@Teka?" Pinunasan ko yung dugo sa mga labi ko. "Kilala ba kita?? Tsaka, ba't ang lakas mong sumuntok? Lalaki ka ba?"
Sabi ko habang tumatayo ako. Nanlilisik naman ang mga mata niya sa akin. Nanlalaki pa ang mga butas ng ilong. At nanginginig pa ang buong katawan.

"Hoy, lalaki! 'Lakas ng loob mong mag-text sakin na malalagot ako 'pag di ako pumunta dito sa park tapos ngayon tatanungin mo ako kung kilala kita? Eh, kung bigyan kaya kita ng super hit combo ko? Ha!"
Seriously? Wala akong alam sa sinasabi  ng bungangerang ito. Ngayon ko nga lang siya nakita tapos sinuntok ako agad? First time ko ito, ah? First time kong masapak ng isang babae! At hindi ako papayag ng ganun-ganun na lang yun! Hinawakan ko nang mahigpit ang pupulsuhan niya.

"I don't even know you. So stop nagging me! At isa pa! Bigla ka na lang nanununtok ng hindi mo kakilala? Isn't that rude? Ang ganda mo sana, ugaling kanto ka lang. Tsss."

"Eh, bakit ikaw? Nakaamba ka ng suntok sa 'kin por que hinawakan ko yung braso mo? Isn't that rude? Huh! Okay lang kung isang babae na nanununtok ng lalaki, pero isang lalaki na tulad mo ang manununtok ng babae? Aba! Pwede 'kitang ipakulong!"

Sininghalan pa ako? Ako na nga ang nasuntok? Mabuti nga hindi ko natuloy yung pagsuntok sa kanya kanina.=__=
Binitawan ko siya at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.
Tinitigan ko siya nang mata sa mata. At nakipagtitigan naman siya.

"Miss? Akala ko ikaw yung hinihintay ko kaya nakaamba agad ako ng suntok. Pero kung alam ko naman na hindi ikaw yun, hindi ko naman aambaan ng suntok 'yang maganda mong mukha, sayang naman. Baka maging girlfriend pa kita, di'ba? Sabay kindat ko sa kanya. I wonder if my charms work on her? But she just ignored me.

This girl is really something.

Tatadyakan niya sana niya ako pero nahawakan ko ang paa niya.

"Bitawan mo nga ang paa ko!". Sigaw niya. Ayun binitawan ko kaya natumba sya. "Pfftt~~Hahahahahaha!"
Nakakatawa itsura niya. Parang bata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loved By A GangsterWhere stories live. Discover now