Chapter 4:
AgainMy life became cycle. It's not exciting anymore.
I will go to school. House. Eat. Cry. Eat. Watch. Cry. Sleep.
Lumipas ang ilang araw na wala akong gana. Walang ganang gumalaw o pumasok man lang pero kailangan.
Kung magkakasalubong o makikita ko man sina Trisha and Airon, umiiwas ako agad. Ayoko ng masaktan pa at isa pa, I want them to be happy. They deserve it.
We all deserve to be happy
Ayokong mag worry si Trisha about sa mararamdaman ko.
If they love each other... then go
What mind set is this? Suicidal?
Katulad ng nakagawian. Nandito ako sa open field. Nagssketch ng scenery na kung anong maisip ko.
I love drawing. Mapa-portait o landscape, kaya ko. Gusto ko sanang kumuha ng fine arts pero kailangan kong matuto sa pagmamanage ng negosyo since my mom is a business woman.
Tinigil ko bigla ang pagddrawing ng biglang kumalam ang tiyan ko. Parang may gustong kumawala galing dito.
I quickly pick up my backpack and ready to find a restroom but there is someone who held my hand. What a day.
"Dana"
I saw Trisha with her awful eyes. I sense that she want to talk but my stomach don't want that idea.
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko bago marahang umiling.
"Not now, Trisha"
Mabilisan akong tumakbo palayo ng maramdamang mas lalong namilipit ang tyan ko. Ano ba kasing kinain ko kanina!
Napailing ako ng marealize na luto ng kapatid ko ang kinain ko kanina. Hindi na ulit ako kakain ng luto niya! Ever.
Habang tumatakbo, naramdaman kong medyo malagkit ang talampakan ng suot kong sapatos.
"Ahhhhh!!!" I heard the shout from my back but I don't give a fuck.
Pinagpatuloy ko ang pagtakbo pero may humarang sa harapan ko. Nanlilisik ang mga mata.
Sinubukan kong dumaan sa gilid niya pero para lang kaming nagpatintero. Mas lalo kong naramdaman ang gustong kumawala sa tyan ko.
"Pwede bang umalis ka sa dadaanan ko!"
Nakakairita siya. Hindi ko nga siya kilala pero ang lakas ng loob niyang harangan ako?
"Pay first" seryoso niyang sambit sabay lahad ng palad niya sa harapan ko.
"P-pay what?"
Ibang klase na ang namamayani sa tyan ko. Feeling ko lalabas na siya any time. Kapag nagkalat ito dito, itong lalaking to ang paglilinisin ko!
"Pay my precious gummy bears. Tinapakan mo sila"
Ibang klaseng pagtitimpi ang ginawa ko para makausap siya ng maayos.
"I don't give a damn to your gummy bears, kiddo. Padaanin mo ko"
Nagpumilit akong lagpasan siya pero hindi niya ako pinayagan. Nakipag tulakan pa ako hanggang sa may lumabas sa baba ko. Mabilis tumaas ang amoy hanggang sa malanghap ang masalimuot na amoy. Nagpapasalamat ako at hangin pa lang ang lumabas.
"A-anong amoy yun!" gulat na sabi ng lalaking nasa harapan ko.
"Sorry, I need to go" siguro dahil na rin sa baho ng utot ko, hindi na niya akong pinigilan na tumakbo.
Nagdadasal na lang ako na sana hindi niya matandaan ang mukha ko. Nakakahiya. Naamoy niya ang mabango kong masamang hangin.
Habang naglalabas ng sama ng loob sa cubicle, narinig ko ang pagbukas sara ng pintuan.
Tinakman ko ang bibig ko para di nila marinig ang pagpipilit ko na lumabas ang sama ng loob ko. Medyo nangangamoy na rin ang unang lumabas kanina. Ayokong madagdagan ang kahihiyan ko ngayon.
"Girl, alam mo ba kung bakit nag break si Dana at Airon"
Mas lalo akong natahimik ng marinig ang sinabi ng babae.
"Hindi nga eh, nakakahinayang lang. Ship ko pa naman sila"
"Well, di naman sa pang-aano pero ayoko na kay Dana"
"Lah? Why? Mabait naman siya"
"Nabalitaan ko na, nagcheat si Dana kay Airon kaya naghanap si Fafa A ng bago. Hays. Kawawa naman siya"
Parang tinapunan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi ng babae. Cheat? Me? Ako? Paano?
"Really? Mukhang hindi naman ata magagawa ni Dana 'yon. I know she really love Airon"
"Ikaw rin, girl. Basta ayoko na sa kaniya. She don't deserve my Airon"
Wala akong narinig na reaksyon ng kausap niya. Tanging rumaragasa lang na tubig ang narinig ko.
"Di ka pa ba tapos girl? Tara na. Medyo bumabaho dito"
Agad rin akong naglinis ng wala na akong ingay na narinig.
Anong pinagsasabi na cheat. Walang third party na naganap sa amin. Paano nangyari 'yon? Mukhang ako pa ang dehado.
Naghuhugas ako ng kamay nang bumukas ang pintuan. Tumambad sa akin ang lalaking nakita ko sa library.
"Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong. Banyo lang ito ng mga babae. Paano niya nagawang pumasok.
"Gusto ko lang malaman kung anong reaksyon mo na parang bumaliktad pa ang sitwasyon mo" as usual. Parang wala lang sa kaniya ang matalim niyang dila.
"Ano bang paki mo? Pwede bang lumayas ka na sa paningin ko?"
Naiinis ako sa bigla bigla niyang pagsulpot. Hindi ko siya kilala pero kung makapag salita parang kilala niya na akong ng ilang taon.
"Hindi mo pa ba napapagtanto na pinaglalaruan ka lang ng dalawang taong mahal mo sa buhay?"
Tinignan ko lang siya. Wala akong pake sa mga sasabihin niya. Wala akong balak makinig sa kaniya. Wala akong balak na makipag-usap sa kaniya.
Nagkatitigan lang kami ng ilang segundo ng may marinig kaming yabag ng paa.
Nakita kong mataranta ang lalaki hanggang sa nalaman ko na lang na nasa loob na kami ng isang cubicle.
"Hoy ano bang--"
"Shh!"
Nilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko na animoy pinapatahimik ako.Nakaramdam ako ng kaba dahil sa ginawa niya.
Nakita ko siyang nakasilip sa konting nakauwang ng pintuan. Sinundan ko ang tingin niya na sa kalaunan pinagsisisihan kong tumingin pa doon.
Nanonood kami ng live kissing scene na nagaganap sa banyo. Nakaupo si Trisha sa sink habang sa pagitan ng hita niya ang nakatayong si Airon na marahas na hinahalikan si Trisha.
What a scenery..
Rumagasa ang luha sa mata ko. Walang tunog. Walang hikbi. Tanging luha lang.
Sa isang iglap hindi ko na sila makita. May tumakip sa paningin ko. Isang kamay na nanggagaling sa likod.
"Bakit ba pinapanood n'yo pa rin kahit alam niyo nang nasasaktan na kayo"
"Ang tanga mo" bulong ng lalaking nasa likod ko
---
■ PLEASE LEAVE LIKE AND COMMENT ■
BINABASA MO ANG
Move on na, Tanga!(COMPLETED)
RomantizmThere was a girl named Dana Kim Dela Rosa who can't let go her feelings toward his ex named Airon Gomez and there is a weird guy who will enter to her cliché story. Dana and the weird guy will pretend that they have a relationship. She will depends...