~*~
Twinkle's.
Hindi ko alam kung bakit kailangan pa namin mag-usap. Wala na naman 'di ba? Sobrang sakit lang kasi talaga na sa iba ko nalaman na engaged na siya! At sa kaaway ko pa ha?! Girlfriend ko, eh. I was her girlfriend that time! Pero siya?! Engaged na ng mga oras na yun? Putek.
"Talk? For what? Nag-uusap na tayo," binawi ko ang kamay ko mula sa kanya at bahagya akong lumayo.
"Yuri, are you mad at me?"
I stared at him instantly. "Bakit ang tanga ng tanong mo, Red? Sa tingin mo, matutuwa ako sa nalaman ko?" Napailing ako. "Gago." Dahil nasa kalsada pa kami, naupo ako sa gutter. Aba. Ngalay na po ako!
"Wala na ba tayo?"
Napatingala ako sa kanya. Nang dahil sa asar ko tumayo ako. I punched his chest. "Anong klaseng tanong 'yan, Red? Ginagago mo ba talaga ako? Sa tingin mo, papayag ako na maging girlfriend mo habang may fiance ka? Ano ko, tanga?" Ramdam ko na namumuo na ang luha sa mga mata ko. Pero, I don't want to cry in front of him.
"Y-you mean, wala na talaga tayo?"
"Oo, Red. T-tapos na tayo, okay?" Shit! Tumulo na ang luha ko. "K-kahit masakit sa akin. Tangina. Hindi ko alam na engaged ka. T-tapos dun pa sa.... h-haliparot na yun?! Namili ka naman sana." Asar na pinalis ko yung luha sa mata ko.
"I'm s-sorry,"
Umiling ako. "Wala naman magagawa ang sorry mo, Red. It happened so fast. Ni hindi man lang ako handa nang malaman ko yun. Ang masaklap pa, magkaaway tayo nun." I took a deep breath. "P-pero ano nga ba ang magagawa natin? Wala na 'di ba? May fiance ka na." Tumingin ako sa mga mata niya. "A-a-alam mo yung masakit? Y-yung hindi mo s-sinabi sa akin...."
After that, napahagulgol na ako. I covered my face using my palm. I was shocked when I felt his arms on my back, hugging me. Pero, kaagad na lumayo ako sa kanya. Umiling-iling pa ako para lang hindi siya makalapit sa akin.
"Y-yuri, please..."
Muli akong tumingin sa kanya kahit punong-puno ng luha ang pisngi ko. "Naging masaya ako dahil naging girlfriend mo ako. Pero, bakit ganito? Sobrang sakit naman masiyado ng ginawa mo. Pero, wala na, eh. Nangyari na. So, I just need to shut my mouth, right? Siya na ang may karapatan sa'yo, hindi na ako. Isa na lamang akong ex-girlfriend. Thanks for everything. Bye."
Tatalikod na sana ako ngunit nagsalita pa siya.
"Yuri, alam kong alam mo na mahal kita 'di ba?"
Hinarap ko muli siya. "May magagawa ba yang pagmamahal mo? Wala naman 'di ba? You agreed to this." I sighed. "So, goodbye."
"Yuri."
"What again?"
"Please, take care of yourself. I love you. Remember that." Sabi niya habang titig na titig sa akin.
"I can take care of myself... without you." Sabi ko tapos tinalikuran ko na siya. At ayun, bumuhos na naman ang luha ko. Sorry pero hindi ko matiis ang sarili ko. Sobrang mahal ko siya! Yung tipong, naisip ko na noon na siya na ang lalaki para sa akin, yung tipong for me siya na yung taong pakakasalan ko. Pero, hindi din pala.
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomansaWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?