XIV

87 6 1
                                    

Kenneth's POV

Bago pumasok ay kinapkapan ako ng mga guard. Naghinala siguro dahil naka-hoodie ako. Looks can be deceiving.

Pumasok na kami sa Mall.

"Ang ganda talaga!" sabi niya sa akin

"Pero mas maganda ka!" sabi ko. Pinanghampas niya ang kanang kamay niya dahil yun ang hindi ko hawak

"Kalokohan" sabi niya

Inikot niya ang kaniyang paningin. Napako ito sa isang clothing line.

"Ang gaganda ng nga damit!" sabi niya. Na nakatingin sa mga mannequin na may dresses.

Hinila niya ako sa isang clothing line.

Andami niyang tinitingnan ngunit sa huli ay bubusangot siya.

Tumingin ulit siya ng mga damit. Tiningnan niya ang presyo sa tag. She mouthed 'Ang mahal' Napabusangot na lamang siya

"Tara naaaa!" sabi niya. Siya na ngayon ang nagsiklop sa kamay namin

Napangiti na lamang ako.

"Wala ka bang nagustuhan?" tanong ko

"Ha? Wala. Hehe" Sabi niya sabay kamot sa batok

"H'wag ako haha" Sabi ko sabay hila sa kaniya pabalik dun sa clothing line na yun.

Kinuha ko yung mga tiningnan niya kanina. Karamihan ay puro dress yun.

"Hoy! Anong gagawin mo diyan?" tanong niya

"Bibilhin" tipid kong sagot

"Para kanino?" tanong niya

"Sayo"

"HALA! UY! WAG NA!" sabi niya

"I Insist"

"Nakakahiya!" sabi niya

"Ang mamahal!" dagdag niya

"Ako na ang bahala dito" sabi ko

Natahimik na lamang siya

'Kaasar' rinig kong bulong niya

Napangiti na lamang ako.

Dumiretso na ako sa kahera.

"Lahat po ito sir?" tanong nung babae. Na medyo humahanap ng anggulo para makita ang mukha ko.

"Oo" iniba ko ang tono ng boses ko

'Ay akala ko si Kenneth' bulong nung babae

Matapos ay binigay ko na ang bayad.

Ako na ang nagbitbit ng paper bags

"Ang dami naman!" sabi niya atsaka kumamot sa batok

"Tulungan na kita" inilahad niya ang kaniyang kamay para hingin ang ilan sa mga paper bags

Umiling ako "Ako na" Hinawakan ko na lang yung kamay niyang kaniyang nilahad.

'Ang init' tiningnan ko siya. Namumula ang kaniyang mukha. Nakita ko siyang tumingin sa kamay namin at napangiti.

Nakakabakla pero kinikilig ako!

"Tara sa Timezone!" sabi ko

"Saan yun?" tanong niya

"Sa pinakataas tara!" hinila ko siya sa may elevator.

Pinindot ko yung maliit na bilog na may arrow na pataas.

Dahan dahang bumukas ang 'pinto'. Hinintay muna naming lumabas ang mga tao. Tapos ay pumasok na kami.

"H..hindi ba tayo m...ma..huhulog dito?" tanong niya na may bahid ng takot sa boses. Pinindot ko ang 5th floor. Atsaka sumara ang 'pinto'

She's A Hater (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon