A Day With..

1K 10 0
                                    

CHAPTER 15
Present: A Day With..

***

AC's POV

Passed 8 na ng gabi nang mag-desisyon kami ni Paige na umuwi. Grabe, mabuti nalang hindi nagreklamo 'yung mga barista kasi ang tagal namin tumambay sa café.

Gusto ko pa naman mag-bar ngayon pero may pasok pa kami ni Paige bukas. Sarap sana uminom ngayon dahil tapos na ang midterm namin for this semester, e, sobrang nakakatuyo kasi ng utak.

Akala ng iba, masaya mag-aral hindi nila alam sobrang nakakapagod sa daming pinapagawa. Mabuti nalang talaga isa't kalahating taon nalang ga-graduate na kami.

Nauna nang umalis si Paige kanina, may driver si loka. Eh, ako? Wala. Sariling-sikap kaya heto naglalakad pa ako pabalik sa school to get my car in the parking lot. 

I groaned when I saw some kids are playing in front of my car. Lagi nalang. Mamaya mabato pa nila 'yung sasakyan ko. Wala pa naman akong pampagawa, party is life ako.

"Hey!" I shouted at them. Isa-isa din silang nagsitakbuhan. I feel relieved.

Kinuha ko na 'yung susi ko nang biglang humawak sa braso ko. Napatalon ako sa gulat.

"Kailan mo ako ma-aalala?"

Napatingin ako sa lalaking nasa likuran ko. Si Ivan na naman.

"You got me there. Aatakihin na yata ako sa puso." Naiinis na sabi ko. Hawak-hawak ko kung nasaan ang puso ko, pinapakiramdaman kung tumitibok pa ba ito.

"Shit ka!" I shouted at him.

Natawa siya. "I'm sorry. I didn't mean to scare you,"

"Bakit ba kasi nanggugulat ka?"

Nakasimangot ko siyang tinalikuran. Pwede naman kasing yumakap nalang siya 'wag yon nanghahawak siya ng braso. Parang multo, e!

Tumatawa parin siya kaya mas lalo akong sumimangot. Lagot siya kapag biglang tumigil ang tibok ng puso ko.

"Actually pauwi na din sana ako," he began. "But then, I saw you. Bakit ngayon ka palang uuwi? Kakatapos lang din ng class mo?"

"Bakit ikaw kakatapos palang ng class mo?" I asked him instead.

Binuksan ko na 'yung sasakyan ko saka pumasok na agad sa loob nito pero hindi ko pa sinarado.

"Yeah," tipid niyang sagot.

Napa-tango ako. "E, 'di umuwi ka na din."

Nakapamulsa siyang nakaharap sakin and suddenly he laughed.

"What?" I asked. Uuwi na kasi sana ako. Gusto ko na umuwi.

"Bakit ang sungit mo? Kanina nga hindi naman." he said.

Natawa na din ako. "I'm not,"

Anong rason naman kasi para mag-sungit ako 'di ba? Ni hindi ko nga ma-alalang hinalikan ko pala siya 3 years ago, eh. Kung hindi niya lang laging pinapaalala sakin ay hindi ko din 'yon malalaman.

QUALITY TIME (Bitch 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon