Zackrey's POV
Pagkauwi ko ay umupo muna ako sa sofa at napatingala sa buong bahay.
Itong bahay na to ay masyadong maraming alaalang nabuo saming dalawa ni Alx.
Muli akong napaluha dahil miss na miss ko na sya.
Bakit kailangang mangyari to sakin?
May pinapamasid parin akong tao para sakanya. Si Grae.
Napagisipan ko nalng buksan ang envelope na nasaakin.
Pagbukas ko nito ay parang binaril ako sa sakit nang nararamdaman ko at gusto kong umiyak pero parang naubusan na ako ng luha dahil kakaiyak.
Hindi ba pwede wag muna? Pwede bang ayusin muna namin to bago to? Mahal ko sya pero sadyang maraming hadlang.
Pero lalong nagpalumo sakin ang nakita kong nakapirma na sya.
Ang sakit! Alam kong kasalanan ko pero tngina!
• • •
Nakatanggap ako ng suntok sa Dad ko.
Napag-alaman kasi nyang laman na ako ng bar simula ng magkahiwalay kami magasawa.
"Ano na!?! Ano nang gagawin mo sa buhay mo huh!?! Isipin mo naman na magkakaanak ka na! Kahit yun nalang! Maawa ka sa magiging anak mo" Sigaw sakin ni Dad.
"Gilbert, Tama na please"
"Wag kang mangeilam rito Raquel!" Sita ni Dad kay Mom
Medyo may tama pa ako kaya halos mapapikit na ako.
"Ikaw tumino-tino ka! Nagkasiraan kami ni Armand nang dahil sayo! Kaya ang contrata nya sa pag iinvest ay tinapos nya agad. Hanggang sa susunod na buwan nalaman at marami ding nagbackout na investors! Panira ka!" Sabi sakin ni Dad
Simula't sapul naman bata pa ako. Yan ang pinaparamdam nya sakin tuwing humihiling ako nang oras sakanya para maglaro kami. Ang tingin nya sakin Panira at Abala.
"Sanay nanaman ako. Panira at Abala diba?" Sabi ko sabay ngisi.
"Anong sabi mo!?! Sinasagot mo na ako ngayon" kinewelyohan nya ako.
"Wag kang magaalala Dad. Hinding-hindi ako magiging katulad mo sa magiging anak ko. Bibigyan ko sya totoong pagmamahal at pagaalaga. Na hindi mo man lang naparamdam sakin kahit minsan" matapang kong pahayag sakanya kaya naman sobrang higpit na ng hawak sakanya ni Mom para di ako labanan.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa ko Fangirl ko din!?!
FanfictionBIAS Mahal mo kahit na di ka kilala at sabi nila hinding-hindi mapapasayo... Tignan natin sa storyang ito...