"First love never dies; it always remain."
First year high school nang una ko siyang makita. Siyempre, teenager; nandiyan ang mga crushes, puppy love, love at first sight etc. Sobrang cute niya, kamukha siya niRainier Del Castillo na sumali noon sa Starstruck sa GMA7 at crush siya sa buong campus, siya si Ejohn. Mapusok pa ako noon, aggresive as usual sa mga teenagers, para akong stalker non, sinusundan ko siya sa canteen, sa library, sa computer room, lahat ng puntahan niya except sa men's room haha. Alam ko din lahat ng escapades niya ultimo mga score niya sa quizzes at kung kailan siya nagrerecite, yung mga extra-curricular na sinasalihan niya, basta lahat. Natapos ang one year ko sa high school at naging 2nd year ako at 3rd year siya, nalipat ako sa star section at magkatabi na ang room namin dahil magkakahanay ang room ng lahat ng star section in every year, para akong laging nangangarap noon, tuwing break pumupwesto ako sa tabi ng bintana para silipin siya sa mga salamin ng hindi niya ako nakikita, lagi yun araw araw, pag may pagkakataon, pag walang klase, walang palya, yung feeling na makita mo lang siya buo na ang araw mo, sobrang saya mo na parang nakalutang ka sa ulap pero takot ako na malaman niya dahil ayokong mapahiya.
Tuwing magkakasalubong kami para akong ipo-ipo na bigla na lang liliko kung saan may lilikuan basta ayoko lang na magkasalubong kami at take note pinapadalhan ko na siya ng mga love letters noon na ewan ko lang kung alam niya na ako ang nagpapadala.
Hanggang sa mangyari ang kinatatakutan ko pero deep inside inaantay ko din. Nahuli niya ako! Ewan ko kung may nagsabi sa kanya na lagi ko siyang sinisilip sa bintana o hindi ko din alam, sobrang bilis ng pangyayari, nakita ko na lang siya na nasa harapan ko na sa mismong bintana na pinagkakatiwalaan ko na ang aking pagsintang pururut. Sa bintanang naging saksi ng aking kilig at lungkot pag may babae siyang kasama. Kinausap niya ako! Nakangiti siya! OMG!!! Para akong hihimatayin sa kilig at excitement at kaba na din, sobrang kabog ng dibdib ko, nanlalamig ako na pinapawisan pero nakangiti ako sa kawalan, he entered our room at lumapit siya sa akin, sa hiya ko hindi ako makaupo malapit sa kanya at nakatayo lang ako habang kausap siya kahit pilit niya akong pinapaupo. Grabe sobrang kilig, parang lalabas ang puso ko sa chest ko pero masaya ako kasi finally ito na yung matagal ko nang pinapangarap at matagal ko nang iniimagine na mangyari, ang kausapin niya ako! Pero may sinabi siya more than what I have expected, puwede ba raw niya akong ihatid bukas, nakakaloka! Literal na hindi ako makapagsalita nang magising ako sa katotohanan sa tulong ng sigawan ng mga kaklase ko bigla kong nasagot na ayoko but I didn't mean that, gusto kong sabihin na gustonggusto ko! Ihatid mo ako kahit now na! Gusto mo iuwi mo pa ako eh! Akala ko babawiin na niya yung offer niya na ihatid ako buti na lang sabi niya wala namang masama kung ihahatid kita ah, sabi ko na lang sige ! Ayieee ! Bukas ihahatid niya ako, kulang na lang magnovena ako sa sobrang saya at yakapin ko ang lahat ng santo.
Kinabukasan nalungkot ako kasi hindi ko siya nakita, sobrang lungkot, nawalan ng gana at pag-asa. Dumating yung time na natanong ko sa sarili ko na bakit parang pinaasa lang ako? Maya maya hangos sa akin ang isa sa mga kaklase ko at may binigay na sulat kahit umasa ako na galing sa kanya tinanong ko pa rin ang kaklase ko kung kanino galing sa kanya nga. Nagsosorry siya na hindi niya ako nahatid ng nagdaang araw kasi may ginawa daw siya. Bongga ! Kilig to the bones na naman ang lola niyo. Hanggang dumating ang araw na nagpropose siya kung pwede niya akong maging girl friend at may nakahanda pa siyang bracelet na may I love you at love letter, siyempre bakit pa ako magpapakipot eh talaga namang gusto ko siya. We're officially together. Boyfriend ko na ang lalaking ni sa panaginip eh hindi ko inakalang pag-uukulan ako ng pansin at liligawan.
Our relationship went on smoothly kahit medyo patago pagdating sa side ko kasi 2nd year high school pa lang ako at bawal pa magboyfriend bata pa daw. Hindi ko iniisip yun noong mga panahon na yun dahil ang alam ko lang gusto ko siya, sinabi ko pa nga noon na kung pwede siya na ang pakasalan ko. Pero yung kaligayan na yun mauuwi pala sa kabiguan. After 2months of our relationship nabuking ako ng mga magulang ko, nalaman nila na nakikipaglandian na ako sa murang edad. Pinapili ako ng nanay ko kung pag-aaral o pagboboyfriend, pero siyempre pag-aaral ang pinili ko.
Pagbalik ng eskuwela after weekend hindi na niya ako pinapansin. Yun pala may kinakalantari nang iba sa first year, considering him as my first love, sakit na sakit ako. Sinisi ko siya na bakit pa ako niligawan kung iiwan din pala ako sa hindi ko malamang dahilan at ipagpapalit sa ibang babae agad agad, na masaya na ako noon watching him in a distance pero bakit kasi pumayag pa ako na sumobra don. Kahit nagalit ako at nasaktan ng husto sa una kong pag-ibig, hindi ko agad siya nakalimutan. Naging 3rd year ako 4th year siya, nakagraduate na siya 4th year na ako at nandito pa din siya sa puso ko, simpleng rason mahal ko siya lintek na pagmamahal nauso pa. Sa tuwing mababalitaan ko na may girlfriend na siyang iba, kalungkutan at paghihinagpis na naman ang lumulukob sa pagkatao ko dahil kahit ilang taon na ang nakalipas umaasa pa din ako na babalikan niya ako pero hindi pa din nangyayari. It's been 5 years ; marami na akong babaeng nabalitaan na naging girlfriend niya, nagtry na din akong magboyfriend, I think, twice, pero hindi nagwork, failure ang mga relasyong pinasukan ko dahil siguro umaasa pa din ako na babalik ang first love ko.
Five years nabubuhay akong umaasa, papasok sa relasyon, makikipagbreak, iiyak dahil wala pa rin ang inaasahan kong pagbalik niya, hanggang sa sumabog sa akin ang balita na patay na daw ang ex ko. Tanong ko naman sino dun? Para akong hihimatayin, napaiyak ako at napadasal na sana patawarin siya ng Diyos sa nagawa niya. Wala na. Yung taong inaasahan kong babalik sa akin para ipagpatuloy ang aming naudlot na pagmamahalan, yung inaasahan kong reconciliation. Wala na. Patay na.
Nagpakamatay siya dahil sa isang babae na sinaktan ang puso niya at hindi pinahalagahan ang pag-ibig niya. Ang sakit. Sana binalikan niya na lang ako o kung sana nagkaroon lang ako ng lakas ng loob na aminin sa kanya na mahal ko pa din siya baka sakaling nadugtungan pa ang buhay niya, pero hindi basta ko naiaasa sa kapalaran at tadhana na babalik siya pero naipagkait siya sa akin ng kapalaran; imbes, naibigay siya kay kamatayan. Nakakapanikip ng dibdib pag naiisip ko pero I have to move on. I SHOULD and I MUST move on. Madami akong natutunan sa chapter ng buhay ko na kasama ko si Ejohn, with him I learned how to love and to be loved, nasaktan at nagmahal, nabigo, iniwan, umasa, umiyak pero sa sandaling panahon ng pag-ibig namin minahal ko siya at hindi ko siya makakalimutan, napatawad ko na siya sa pag-iwan sa akin at napatawad ko na siya sa pagpapakamatay niya dahil alam ko nagmahal lang siya ng sobra.
Salamat, Ejohn, sa lahat ng itinuro mo, ngayon ko napatunayan na "First love never dies" and you will always be in my heart, hinding-hindi kita makakalimutan, I love you, Erick John Arambul, you may rest in peace.
END--
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES #Wattys2016
Teen FictionA little READING is all the Therapy a person needs SOMETIMES