Di ko alam kung saan ako magsisimula. Di ko alam kung paano sasabihin. Basta ang alam ko lang nasasaktan at napapagod na ako.
Alam mo ba yung pakiramdam na namamanhid ka na sa sakit pero wala kang magawa.
Yan yung naramdaman ko nung binalewala at iniwan mo ko. Yan yung naramdaman ko nung pinagpalit mo ko sa kanya. Sobrang sakit maiwan pero wala na kong magawa kasi kahit gusto ko pang lumaban ikaw Suko na.
Napapagod na ko. Gusto ko nang mawala lahat ng nararamdaman ko pero paano.
Pakiusap ko na lang sana wag ka nang bumalik pa kasi ayaw ko na ulit masaktan. Ayaw ko na ulit maranasan iwan at ipagpalit.
I can't tell what I'm feeling inside but the only thing I want to say I love you but I need to Let you go like you do