Pwede bang pakipikit ang mga mata ko, upang hindi ko makita ang pag alis mo?
Pwede bang iuntog mo ako, patulugin ng mahimbing hanggang sa magising, na walang pangalan mo ang maaalala ko.
Pwede ba? Kasi ang sakit pala na wakasan ang lahat.
Na magpaubaya para sa kanya kanyang kasiyahan.
Kasi wala na. Hindi na tayo masaya kaya tatanggapin ko ang iyong pasya.
Gusto mong itigil na kaya sige, tigil na. Kung napilit ko dati ang sarili ko na mahalin ka, siguro kaya ko namang pilitin ang sarili ko na kalimutan ka.
Alam ko naman, na ngayon, pareho tayong naguguluhan.
Alam ko naman, ako ang may sugat pero ikaw ang nasasaktan.
Alam kong ayaw mo akong iwan pero kailangan dahil sa hindi maintindihang dahilan.
Kaya paalam.
Paalam sa yakap.
Paalam sa halik.
Paalam sa mahal kita.
Paalam sa ngiti.
Paalam sa luha at pighati.
Ay oo nga pala!
Luluha pa nga pala ako.
Alam ko matagal bago ako makaramdam muli ng saya.
Alam kong iiyak pa ako at maalala pa rin kita.
Alam kong masasaktan pa rin ako kapag narinig ko ang pangalan mo.
Alam kong masasaktan pa rin ako kapag nakita ko ang mga litrato mo.
Litrato nating dalawa, nung mga panahong tayo pa ay masaya.
Alam kong masasaktan pa rin ako.-----
At hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.
Nakaalis ka na.
Lumipas na ang lahat.
Nabalitaan kong masaya ka na.
Buti kapa, kase ako hanggang ngayon, lumuluha pa.
Nadudurog pa.
At mas nadurog pa nung muli kitang nakita.
Mas nadurog pa nung muli kong nakita ang matamis at nakakakilig mong titig sa iba na dati'y sa akin mo naman pinapakita.
Mas nadurog pa nung muli kong nakita ang iyong ngiti na siya ang dahilan na alam naman natin na dati'y ako pa.
Ako pa ang iyong saya.
Mas nadurog pa. Mas nadurog pa nung muli kong narinig ang iyong boses.... Ang iyong kanta na dati'y para sa akin naman talaga pero ngayon, sa kanya.
Mas nadurog pa. Mas nadurog pa nung muli kong nakita ang inyong kamay na magkahawak ng mahigpit.
Sana dati ganyan ka rin kumapit.
Sana ganyan mo ako kinapitan.
Sana ganyan mo ako pinanghawakan.
Pero hindi, kase bigla mo akong binitawan.
Kaya mas nadurog ako. Mas nadudurog ako ngayon sa mga nakikita ko.
Kaya pwede ba?
Pwede bang pakipikit ang mga mata ko? Upang hindi ko na makita ang bagong kasiyahan mo.
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PoetryPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.