All those years kay Lance umiikot ang mundo ko. Akala ko nakapagmove-on na ko but then again I’m not. Masakit pa rin ung sugat, sariwa pa.
Early this morning, nakita ko si Mama na nag-aayos ng bagahe nia. And it seems na magtatagal sia dun dahil MALETA ang dala nia. Usually kasi bag lang na lagayan ng papers.
“Good Morning MA!”
“good morning.”
“what time ang flight mo ma?”
“10:00 am. Why?”
“just asking. Kain na tayo.” She joined me for breakfast.
“magpakabait ka Aleeya”
“yes ma. Mukhang magtatagal ka din ah? Ang dami mong dala.”
“ah, yan ba? Ayoko na kasing bumili pa ng damit dun at masyado akong busy para magshopping. I’ll make it before the semester ends.” What? BEFORE the SEMESTER ENDS? Means? 4 months?
“4 months ma? Ganun ka katagal dun?”
“i don’t really know iha.”
“uh. Okay po. Ma , pasok na po ako. Bye! Ingat po sa flight nio.”
And as usual commute ang peg ko. Ayoko kasing gamitin ang kotse ko. Wala lang, for thrill. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang tungkol sa pagbabalik ni Lance. Ano nga kayang motibo nia? Bakit sya bumalik ng biglaan? Anyway, nagsurvive naman ako ng 2 years na wala sya, forever pa kaya.
Nasa gate na ko ng UST ng biglang may bumusina!
*BEEP*BEEP*
Si Fort lang pala. Binuksan nia ung window at...
“jump-in” umiling ako.
“ hindi na. okay lang. Malapit lang naman ung building ko. Salamat na lang.”
“I said JUMP-in”
“okay” anong problema nito? Masama siguro ung gising. Kasi naman, may nagawa ba kong mali? Edi ba? Sya ung hindi sumama kahapon?
“bakit si Teng ung kasama mo kahapon?”
“ay TOFU!” nagulat pa ko kasi naman ang tahimik tapos biglang magsasalita.” Eh diba busy ka?” nakayukong sagot ko.
“pero bakit sya? Madame ka namang kaibigan?” ano bang point nia?
“gusto ko lang syang makilala. Is there a problem with that? Ikaw na nga mismo ang nagsabi sakin na dapat kilalanin ko sya.”
“bakit di mo sinabi sakin na okay na kayo?” he sounds like an angry boyfriend now.
“edi sana kung hindi ka busy nasabi ko sayo diba? Ano bang problema mo dun?”
“ ikaw! Hindi mo sinabi sakin!”
“do I have to tell you all?” hininto nia ang kotse.,
“YES . YOU HAVE.” Tumaas ang boses nia. And this is the first time.
“bakit? BOYFRIEND ba kita? Kung makapag interrogate ka sakin daig mo pa ang boyfriend ah! Tsaka. KAIBIGAN lang kita. May karapatan akong hindi sabihin sayo ang mga bagay!” tumahimik sya at pinaandar ulit ang sasakyan. Napasobra ata ako.
“ihinto mo! Bababa ako!” hininto nia. “salamat sa ride.” Naglakad nako papunta sa room ko habang tinatanaw ang kotseng papalayo. Biglang may kumurot sa puso ko. Ewan ko.
Ano bang problema nia? Nagseselos ba sya? Ang assuming ko naman kung ganun. Hindi ko na sya maintindihan. Bakit kelangan nia kong pagtaasan ng boses. Ang layo nun sa Fort na malambing. Bakit sya ganun?
BINABASA MO ANG
"Reach The Impossible"
Teen FictionA story of REACHING someone. May mga bagay sa mundo na mahirap abutin. Mga bagay na alam nating hindi pwede. but in LOVE everything is possible!! Go on and REACH THE IMPOSSIBLE !!!