Kapag nagbabasa ka ng libro, minsan hinihiling mo na maging ganon din ang takbo ng buhay mo. O magkaroon ka rin ng happy ending tulad dun. O di kaya boyfriend o girlfriend na katulad ng nandon.
Kahit ako gusto ko yun. Umasa ako na ganon ang magiging takbo ng buhay ko. Kaso nakalimutan ko, reality nga pala ang mundong kinabubuhayan ko. Pero diba di naman masamang umasa? Masakit nga lang.
Ako si Helena Cristobal, na patay na patay kay Francis Barcelona.
Alam mo yung feeling na natatae ka kapag nakikita mo si Crush? Yun ang una kong naramdaman kasi pinipigilan ko pagka kilig ko. Ngayon di na masyado kasi makapal mukha ko at walang hiya ako kaya ipinapalandakan ko sa lahat na gusto ko sya. Dami tuloy na galit na ex nya. Kahit kasi may girlfriend sya walang takot parin akong humahanga sakanya.
Pero never nya akong tinignan. I mean, tinitignan nya naman ako pero yung naiinis, nagagalit at "ayan nanaman ang stalker ko" look. Pero okay lang, kasi stalker naman talaga ako, sa fb nga lang. Di naman ako ganon ka walang awa sakanya para sundan sya sa lahat ng pupuntahan nya, may respeto naman ako sa privacy nya. But he never gave a second glance.
Ako yung number 1 fan nya lagi kapag magko-compete sya sa mga pageant at contest sa school. Kahit nagmumukha akong tanga, okay lang. Kahit nakikita ko sa mga mata nya na hiniling nya na mawala na ako, okay lang.
Alam ng lahat na gusto ko sya, lagi pa nga syang inaasar ng mga kaibigan nya e. But he brushed them off. Narinig ko pa ngang sabi nya "Wala akong pake dun, bahala sya sa buhay nya. Manigas sya sa pagiging desperada." Oo masakit. Pero mukhang ganon naman talaga ako. Pero okay lang.
9 years ko na syang gusto, since elementary pa namin. Sinundan ko pa nga sya sa school na pinasukan nya para sa Senior high e. Buti nalang at kukunin ko rin yung kinuha nya. Blinock na nya kaya ako sa FB, Twitter at Instagram. Pero okay lang, deserve ko naman. Kahit gustong gusto kong maging updated sakanya, hindi ko nalang ginawa kasi alam ko lalo syang magagalit. Kaya nagtatanong nalang ako sa mga kaibigan ko kung anong mga nangyayari.
Ngayon magtatapos na kami sa Senior high. Di ko na balak na sundan sya sa college na papasukan nya, napaka linta ko na pag ganon. Papasok kasi ako sa dream university ko. Pero sana updated parin ako sakanya. Hindi naman ako nagagalit pag nagkaka-girlfriend sya. Dati nga minemessage ko pa sya sa FB na sana stay strong sila kahit habang tina-type ko yun naluluha ako. Sineen nya lang. Pero okay lang.
Ngayon na ang last day namin, may ginawa akong explosion box para sakanya. Nandoon ang mga picture namin noong bata pa kami. Oo magkaibigan kami dati, pero lumipat sila ng tirahan at nakalimutan na nya ako. But I didn't forget him. It was my luck na ang nilipatan namin ay malapit lang sa bahay nila. I thanked the heavens for it. Akala ko sign na yun.
Pagtungtong ko sa highschool nanghingi ako ng pabor kanila mama na ilipat ako sa school na pinapasukan nya. Pumayag sila. At isang sign nanaman para saakin yun.
Pero...
"Last day na, di mo man lang ba kakausapin si Helena?" Natatawang sabi ng kaibigan nya.
Biglang kumunot ang mukha nya.
"Bakit ko gagawin yun? The hell I care. Sana nga mawala nalang sya, sinisira na nya buhay ko." Naiinis nyang sabi.
Crack.
"Ang OA mo naman pare! Buti ka nga may ganon ka ka-devoted na babae e!" Pagbibiro ng isa pa nyang kaibigan.
"I don't give a fuck about her. Sana nga di na nya ako sundan sa university na papasukan ko. Ipapa-blater ko na talaga sya."
Crack.
"Kung ayaw mo dun, akin nalang! Sayang naman lahat ng chocolate na binibigay nya sayo tuwing valentines!"
BINABASA MO ANG
The Last | ONE SHOT
Random"This is the last." Matagal ko na tong nasulat pero nakatambak lang sya sa drafts ko. Might as well ilabasz