This story is owned by me, Only me. The Characters and other scenes are half true to life story . This story contains bad words but it makes the story more lively . Don't judge the story by its author 😘
___________________________________________
How do you define Friend/s ? Is it someone who shares his or her secrets with you ? Some one who comforts you with his or her comforting words ? Someone who lifts you up when you slip on the floor and lots of people witnessed it ? Lots of you may say it is really some of many definition of the word FRIEND . BUT NO !! My friends do the opposites 😡 . Share ? jusko magkapitpitan na ng dila di pa rin sila magsasabi 😔 . Comfort ? Lul !! di nila alam yon ! 😤 Help ? Pota ipupusta ko sampung libo ko sa alkansya pag di sila tumawa ....
"HAHAHAHAHAHAHAHA !" sabi na eh . yan ang mga kaibigan ko . Ligtas sampung libo ko YES!
" POTA JENI BAKIT MO HINAHALIKAN YUNG LUPA? SABI NA EH MUSLIM KA NUH ? " - Claudel/Claude : pinakamalaking bunganga sa lahat pag tumawa . Bully 😬 . Lakas ng trip . peyborit lumanghap ng baygon
"Whoo! Jeni isa kang alamat ! " - Majesty/Majie : pinakakawawa sa lahat . Kung napagtitripan ako, nako mas kahindikhindik yung pantitrip nila jan ! kaya maswerte parin ako wahahahaha .
"Hoo Majiec sarap manahimik ka nga ! Ikaw nga nilalaplap mo yung pader tingnan mo ngipin mo may chocolate pa sa gitna ! " - claude
"Ulol !! Pag ako nakapagpapustiso who you ka saken "sigaw ni majie . sabi sa inyo hard yan si claude e. nakakatuwa naman wala na sakin yung spotlight na kay ma~
"Pota teka guys di ako makaget over kay liit HAHAHA . " - Christina/Tina : Emo ! best describing word para kay tina hahaha . kala mo laging magpapakamatay e pero masarap naman yan kasama actually lahat sila . MASAKIT KASAMA i mean . kala ko wala na sakin yung topic kasalanan ko bang may saging sa daan kaya nadulas ako ? Taragis talaga mga tao ngayon burara e.
"Tama na yan guys " ano daw? bait naman neto ni Sha ngayon ?
"Di natin maiiwasan yung katangahan nya kung minsan . Ay mali pala . Maiiwasan natin! Sya di makakaiwas " - Shaina/Sha : Isa pa yan bully din yang higante na yan ! kala ko naman ipagtatanggol na ko. umasa lang ako 😭 .wait may isa pa ...
after 39 seconds .....
"HAHAHAHA walastog Jeni nadapa ka ? hahahahahaha? ha?ha? "- jairah/jiya : Late reactor ! slow ! makupad ! pota lahat ng kupad nakuha neto
~kru kru kru~ 😓😑😕😧😒 itsura namin yan mula saken hanggang kay shaina .
"What ?" tanong ni jai . wengya nagtanong pa ang gaga . wala na uwian na to
"Tara guys baka makagawa ko ng krimen . dumanak ang laman loob dito -_- " yan na nagyaya na si claude hahaha .
"Tara" lahat kami yan . ayun si jai naiwan yung itsura nya parang biik na tinitibe haha slow talaga .
Ay walangya ! kanina pa ko dada ng dada di pa pala ko nagpapakilala hahaha . Hi Im Jeni Hwang . Hmm for now yan muna yung info na ibibigay ko para may thrill . Yung lima kong kaibigan ang nakakaalam ng lahat lahat saken . Lahat lahat . Teka uwian na pala
"Hoy Jenibold halika na nababaliw ka nanaman" ang sweet mo talaga claude -_-
"Oo anjan na! apurada ! "
meanwhile....
Claude's POV
"whoo!! shot pa shige laklakin mo lahat yan ! bwishit na lalaki yan ang kapal ng kalyo nya sa mukha ! anong karapatan nyang makipag break saken? aba mukha syang kulugo na tinaniman ng granadang supot sa mukha ! potek di ko sya mapapatawad ang kapal ng pimples ng pinalit nya saken ! huhuhu lamang lang sya ng talon nung new year saken e 😢😢😢 . huwaaaaaah !! waaaaah " ayan na nga bang sinasabi ko e . tsk tsk kung hindi ba naman apat na kilo't one fourth yung katangahan netong babaeng to . Di marunong humanap ng matinong lalake . naguguluhan ba kayo ? ganto kasi nangyari kanina
Flashback ..
Naglalakad na kami pauwi nung mapadaan kami sa kantin ni aling Muma "Mura na Madumi pa" .
"Uy guys diba si Wilfredo yun ? " turo ni tina dun sa lalaking may kalaplapan na bisugo
" ay oo nga nuh , si Wilfredo nga . Oi Jenibold diba syota mo yun ? " bira ni jairah . Wait . Oo nga! si Wilfredo nga ! Pota napakabantot talaga ng pangalan nitong hayop na to ! Pano ba to naging syota ni Jeni .Napatingin kaming lahat kay Jeni na nausok na yung ilong at tenga . Nako ang lakas magbuga ng usok sa tenga di naman kayang lumaban . Tsk tsk weak talaga . WEAK !! So here comes da mighty SHAINA !!
"Hoy Wilfredo de Kalyo !! ang kapal naman ng nguso mo para makipaglaplapan dito sa bisugong crossbreed ng tipaklong na babaeng to ! Diba kayo pa nitong dwendeng to (turo kay jeni ) " sigaw ni Sha kay baho . grabe talaga mabeastmode to nakakatae !
"E pano di manlang magpahalik yang bansot na yan ! kala mo chixx buti pa to si Alwina my labs laging nagpapakiss ." sabi ni baho . aba namumuro na to ah
" Hoy Fredo de Baho ayus ayusin mo yang bunganga mo ah ! kahit maliit tong batang to laki ng pakinabang ko dito! aba lagi akong panalo sa pustahan namin ni Shaina kung pang ilang pader yung mahahalikan nyan . Aba ilayo mo saken yang Nguso de Mucho mong Alwina masasakal ko yan ! " singhal ko kay baho . aba ang kapal ng mukha nya lokohin tong bata ko aba ilalaban ko ng patayan to .
"Claude tara na . Yaan mo na sya . " mangiyak ngiyak na turan ni Jeni . Tsk
Wapakk !!! BOOM ! potek feeling ko lumipad yung ulo ni baho nung binatukan ni Shaina . phew ! Never pissed Shaina . Never.
"Hoy ! di porket ayaw magpakiss netong bata namen e gaganyan ganyanin mo na to ! aba di ko inubos lahat ng pusta ko dito para lang saktan mong gago ka ! Lumayas ka nga sa harapan ko ! " yan galit na naman si Shaina
"Jeni . Break na tayo !! mga baliw tong kaibigan mo . lika na alwina beybe ikaw lhuang sapuat nuah " sabi ni baho . aba jejemon amputa ! tapos ayun nag flylalu na sila ni Alwina
" Tara mga pepe ! Inom tayo !! " Yaya ni Jeni samin . Haynako mapapalaban nanaman ako nento aa
End of flashback ..
Kaya heto ako ngayon pinipilit lunukin lahat ng tagay na para kay Jeni -_-
"Oh eto pa !! Leshe talaga yang mga lalaking yan ! Maganda naman ako aa ! Kapal ng mukha nya kala naman nya napakagwapo nya ! Kung di lang ako napasubo nung araw na yun di ko naman magiging syota yang Wilfredo na yan e ! Oh Claude tagay mo na " aba kakashot ko lang aa ! inabot ko nalang para matapos na"Eh ano bang panis na pagkain yung nakain mo bakit pumatol ka sa engkanto ? alam naman naming lamang lupa ka pero haler ! mamili ka naman ng mas ahead sa lahi mo !" singit ni Majie na kanina pa namumulutan . Ginawang kanin yung pulutan. tsk pg talaga .
"Oo nga . Spill ! " sabi ko sabay tagay . Nakakastress talaga ang Love . tsk
