Chapter 27

1.4K 10 9
                                    

Elaine

Nakarating na kami sa classroom namin, pero walang tao dun, asan na kaya sila? Pumasok kami ni Cloud sa room at wala ngang kagamit-gamit sa loob nito.

"Asan sila?" tanong ko.

"Ewan ko, pero teka, tignan mo 'to." sabi niya tapos ay itinuro ang chalkboard, Auditorium, 1:20 PM sharp.

Tumingin ako sa watch ko, aba, 1:30 na! 10 minutes late na kami ni Cloud!

"Oy Cloud, 10 minutes late na tayo! Tara!!" sabi ko tapos ay hinila yung kamay niya. Habang tumatakbo kami sa hallway, nakarinig kami ng whistle, "Hoy, bawal tumakbo!" sigaw nung teacher tapos ay hinabol kami.

"Patay, dalian mo nga Cloud! Ang kupad mo naman eh!" sabi ko, hila hila ko lang kasi siya. At mukhang mas mabilis pa nga akong tumakbo eh -____-

 Hingal na hingal kami ng makarating kami sa auditorium, "Where's Mr. Soriano and Ms. Sanchez?" tanong nung professor naming terror. 

"Ms. Baracuba, andito po kami!" sigaw ko, nagtinginan lahat sa amin, tapos ay bigla silang naghiyawan.

"Aba, aba, mukhang may ginawa pa kayo bago pumunta dito ha! Haha." kantyaw nung lalaki sa bandang likod. Tinignan ko siya ng masama tapos ay nagtawanan lang sila. Pssh. Badtrip na mga tao 'to.

"Sorry po Ms. Baracuba.. di po kasi namin alam na dito po yung next class." sagot ni Cloud.

"That's okay Mr. Soriano and Ms. Sanchez, but next time, please double check your schedule." pinaupo na kami ni Ms. Baracuba, hinila ni Cloud yung kamay ko at umupo kami sa bandang unahan, doon na lang kasi bakante, ang daming tao eh, nakakahiya naman yun >//////<

"Okay, now I can start discussing our agenda. You guys will have your tour, well, the place isn't set yet, but we have a target date already. So, we'll be dividing you into 4 groups so that it's not gonna be messy when you arrived in the place." nagbubulungan yung mga tao sa auditorium, tapos ay biglang tatahimik kapag napatingin si Ms. Baracuba sa direksyon nila. Terror na terror eh. Haha.

"The purpose of this tour is for you to find your inspiration and make a replica of your favorite building or structure, okay?" sumagot ng 'yes' ang lahat.

Iba't ibang reaksyon ang nanggaling sa mga tao sa auditorium. May ilang natutuwa at naeexcite, may ilan naman na tinatamad pumunta, at yung iba, walang pakealam, just go with the flow, ika nga. Haha.

Eh ako? Excited shempre! Iritang irita na nga si Cloud sa akin eh, sigaw kasi ako ng sigaw dahil sa sobrang pagka-excited ko. Saan kaya kami pupunta? Sa loob lang kaya ng Pinas? O sa ibang bansa? Ay ewan, basta nakakaexcite! Weeee!

"Silence, silence please! I will now assign your groupings."

Luckily, magkagrupo kami ni Cloud, woooh, ang bait ni Ms. Baracuba, first time ata na naging mapagbigay siya. Mostly kasi magkakaibigan ang magkakasama ngayon. Hehe.

Second kaming pupunta sa lugar na yun, lalo akong naeexcite, woooh, ang tagal naman!

"Wait, wait! I forgot to tell you that the students from the Engineering Course and Interior Design will also join you in this trip."

E-Engineering? Course ni Dylan yun eh... ibig sabihin... wag naman sana, please, masasaktan lang ako lalo. I'm trying to move on here!

"Dylan Martin Santiago from Engineering Course, second batch." 

Sh*t. Naman eh! Nakakabwisit talaga kahit kelan si Ms. Baracuba, binabawi ko na nga yung sinabi ko na mabait siya! Pssh.

"And Angelica Roxanne Mercado from the Interior Design Course, second batch."

Gah, bwiset ka talaga Ms. Baracuba! Barracudang barracuda talaga yang panget mong ugali! >____<

"Did you hear that Martin? Magkasama tayo sa tour, yey!" narinig ko yung boses niya. Bwisit na babaeng yun, tss. Mang-aagaw ng boyfriend eh! >_____<

***

"Bwisit, bwisit, bwisit, bwisit na buhay 'to!" sigaw ko habang naglalakad pauwi. Kasabay ko si Cloud, nagpumilit kasi siyang ihatid ako kahit ba ayaw ko >______<

Kanina pa siya nagbabasa ng libro, ako naman nagrarant. Ayos din siya e noh? Nagawa pang magbasa habang naglalakad. Haha.

Napadaan kami sa isang school, nakita kong may isang kumpol ng babae sa tapat nito na nakaharang sa daanan namin. Sa lahat naman ng pwesto, sa gitna pa talaga nagkumpulan! Dinadagdagan nila yung init ng ulo ko eh!

"Bitawan niyo nga ako! Di na kayo nakakatuwa ha!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Sino ba yun? Bakit parang narinig ko na yun? Aish, ulyanin mo talaga Elaine! >_______<

"Oi Cloud."

"Hmm?" napalingon siya sa akin.

"Pamilyar yung boses na yun, kilala mo?"

"I have no idea. Hindi ata?"

"Tara, makisali tayo. Feeling ko talaga kilala ko yung boses na yun eh!" hinila ko siya papunta dun sa kumpol ng babae. Sa kalagitnaan ng kumpol, nakita ko si Chelle. Tama nga ako, siya nga yun! Kaya naman pala pamilyar ang boses niya eh!

May tatlong babaeng itinulak siya, napatingin ako kay Chelle, dumudugo ang paa niya, anyare?! O____O

"Hoy, kayong mga babae kayong makakapal ang mukha sa sobrang kapal ng make-up! Layu-layuan niyo nga 'tong si Chelle! Kundi malilintikan kayo sa akin!" sigaw ko tapos ay lumapit sa babaeng nasa gitna. Mas matangkad ako sa kanya, kaya mas nakakatakot. HAHA.

"E-Eh, sino ka ba?! W-Why are you nakikisali in our fight?"

"Mag-eenglish na nga lang di pa derechuhin. Di mo na kailangang makilala ako, basta layuan niyo 'tong si Chelle, or I swear, lagot talaga kayo sa akin!"

"Pssh, psycho. Pareho kayo ni Chelle. Tama nga na magsama kayo, bahala nga kayo. Tss. Tara na nga girls." sabi nung babae sa gitna. Psycho?! Hihilahin ko pa sana yung buhok niya pero pinigilan ako ni Cloud. Lechugas na babae yun, tss. Ang panget ng ugali! Siya na nga yung nang-aapi siya pa may ganang mag-walk out. Tss.

"Ayos ka lang Chelle?" tanong ko tapos ay tinabihan siya.

Tapos ay bigla siyang umiyak, o ano nanamang nangyari?! -_______-

"Elaine, I think it's better to call a taxi para madala natin siya sa hospital. Mahirap na, baka kung ano ng nangyari sa paa niya." suggestion ni Cloud. Tumawag naman siya ng taxi habang inaalalayan ko si Chelle papunta sa upuan sa labas ng school nila. Niyakap ko siya habang iyak siya ng iyak. Wala siyang sinasabi, puro iyak lang...

Ano ba 'tong si Chelle... nag-aalala na ako eh, para ko na kasi siyang kapatid >_____<

Dumating na si Cloud sakay sa isang taxi, inalalayan namin si Chelle at pumunta na kami sa hospital. 

"I don't want to go to the hospital. Kailangan ko ng makauwi, please...." sabi ni Chelle habang umiiyak.

"Ha? Wag ka ng makulit Chelle, you really need to go to the hospital. Hindi natin alam kung gano na kalala yang sugat sa paa mo. So it's better to go there, okay?" pagpapaliwanag ko.

"No, you don't understand Elaine.... I need to go home... kundi..." umiyak nanaman siya, at mukhang pinipigilan niya pa ito.

"Kundi?" tanong namin ni Cloud.

"My brother... my brother... tumawag siya... he told me he might consider suicide."

"WHAT?!" napasigaw ako sa loob ng taxi.

***

Jodie's Note:

Short UD. HAHAHA. 

Sorry pala kung nawala ako sa mga nakaraang araw, naging super duper mega ultra busy kasi ako and I have no time para mahawakan 'to para magtype TT3TT

I miss typing talaga. HAHA. Busy pa rin naman ako, hanggang March akong busy. Haha. Patapos na kasi ang school year. So yea, I hope you understand. We'll know Chelle's side in the next UD, btw. :)

Salamat sa inyong lahat na patuloy na sumusuporta, I love you all and God bless us always ^O^

[JTBILF: Book II] Bittersweet Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon