MGS:GOL 1

177 2 0
                                    


(Jayshien POV)

"Whaaaaa!!!!!" isang nakabibinging sigaw ang pinakawalan ko nang matanggap ang isang message mula kay dad.

"What's wrong with you Miss Carter? Why are you shouting?" tanong ng instructor ko na si Mr. Perez.

"I'm sorry po. Nawala po sa isip ko na nasa room ako!"

"Not an excuse! Get out of my class now!" sabay turo sa pinto.

"But Sir----"

" You interrupted my class and that's what I hate the most." umuusok na ang ilong nito sa galit kulang nalang maging toro itoh.

Dali-dali ko namang kinuha yung bag ko at naglakad palabas. Pero ng nasa pinto na ako ay huminto ako at tiningnan si Sir. "Ahm. . . .Sir, wag napo kayo magalit. Umuusok na po yung ilong niyo oh. Kukuha lang po ako ng pulang tela ha! I'll be back!" bumungisngis pa ako at kinindatan ang mga classmates ko na nakikinig lang.

"You! Come back here!!!" sigaw pa ni Mr. Perez pero tumakbo na ako. Narinig ko pa ang tawanan ng mga classmate ko at yung sigaw ulit ni Sir. "Is it funny huh! All of you get a piece of paper and answer these!" yun nalang ang huli kong narinig.

Hahaha. Sorry Sir pero last meeting na natin yun. Gusto niyo ba malaman yung message ni dad sakin? Well, secret! Sa akin nalang yun!

Di joke lang po. The truth is, nag message si dad dahil sa wakas pumayag narin siya.

As in payag na payag talaga! I can't beleive it.

Pumayag kasi siyang bilhan ako ng ICE CREAM. Pffftttt!!! Haha, kala niyo kung anoh nuh?

Hindi, itoh na talaga. Pumayag na kasi siyang magtransfer ako sa school where my friends are. Makakasama ko narin sila. Ayaw ko kasi dito sa school natoh, puro plastic. I have no friends dahil sa ibang school sila pumapasok.

Actually, kakastart lang ng second semester namin kaya pweding pwedi pa lumipat sa ibang school. And that's what I really want.

I'm so happy talaga. Uuwi nalang ako, tutal magta-transfer din naman ako eh. Hihi >_<

***at home***

"Oh Shien! Ang aga mo ata?" tanong ni Mang Kanor na nagbukas ng gate. Siya ay hardenero namin dito sa mansion ni dad. Yeah! Tama yung basa niyo, mansion ni dad toh dahil di naman akin.

"Excited lang po Mang Kanor" sabi ko ng nakangiti. "Si mommy po?"

"Nasa garden niya. May inaayos ata.''

" Sige po. Thank you! Pasok na muna ako"

Tumango lang ito at naglakad narin ako. Dire- diretso ako ng kwarto ko dito sa 2nd floor ng bahay. Nagpalit ng damit at pagkatapos ay bumaba narin at pumunta sa garden.

Hinahanap ko si mommy ng maya-maya ay may nakita akong gumagalaw sa isang halaman. I silently walk through it. Tinantiya kong mabuti ang layo ko sa kanya. And then I surprised her. "Bulaga!''

MY GANGSTER STORY: GAME OF LOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now