CHAPTER 7

71 25 64
                                    

Sa bahay

Dahan dahan akong pumasok sa loob ng bahay. Dahan dahan na ayokong makagawa ng ingay ng hindi magising ang mga kasama ko sa bahay lalo na si mama. Dahan dahan kong tinawid ang sala papunta sa aking kwarto...

Nang malapit na ako sa aking kwarto, bigla na lang bumukas ang ilaw at nakita ko si mama. Akala ko pa naman eh tulog na tulog na sya. Hinintay nya pa talaga ako. Siguradong masesermunan na naman ako nito. kailangan ko nang ihanda ang aking mga tenga

"Anong oras na?" umpisa ni mama

"3am" sagot ko

"3am! May matinong babae ba na umuuwi ng alas tres ng madaling araw?!" sigaw ni mama sa akin

"Ma, it's 3am inaantok na ako. Matulog ka na din". Papasok na sana ako sa kwarto ko nang...

"Tomorrow night, we'll formally ask a hand for marriage".

Napahinto ako sa paglalakad at humarap ulet kay mama.
"Bakit? Ikakasal na si kuya"? tanong ko

"Si kuya mo hindi. Ikaw". sagot ni mama

"Pasensya na ma pero sa pagkakaalam ko wala naman aking boyfriend". Saad ko

"Well, you have one now". Your meeting him tomorrow". titig na titig na sabi sa akin ni mama

"Is this a joke?" Hindi na nangyayari sa panahon ngayong ang fixed marriage. That's a violation of human rights".

"Nung niloko ka ni Vince. Nung nasaktan ka, hindi ka naviolate?" pasaring ni mama

"Heartache yun ma. Normal na nangyayari sa tao yun".

"Normal din ba ang pagnanakaw na ginawa ni Lady sa kuya mo? Sa pamilya naten? Na ikinamatay ng papa mo?"
"Your father left a debt of 1 billion. They will erase that debt with an agreement that you will marry their son".

"Anong kinalaman ng pagpapakasal sa negosyo?" tanong ko kay mama

"It's to keep the money in the family. They will pay a big amount of money. Hindi sila na papayag na lumabas ang pera through annulment or divorce alimonies like what happened to your brother". mahabang paliwanag ni mama

"Bakit ako ang kailangang magbayad ng mga kasalanan ni kuya?" masakit sa dibdib na tanong ko kay mama.

"Dahil nangako ka sa papa mo bago sya namatay. Utang nya ang babayaran naten. Nangako ka sa papa mo na hindi mo ako pababayaan".

Natameme ako sa sinabi ni mama. Wala akong maisagot sa kanya dahil totoo ang sinabi nya nangako ako kay papa at hindi ko alam na sa ganitong paraan ko ibibigay ang pangakong binitiwan ko sa papa. Tumakbo ako papasok sa kwarto ko sabay balibag ng pinto.

FLASHBACK

Noon masaya kaming namumuhay ng pamilya ko. Kompleto at wala na akong mahihiling pa. Pero sabi nga nila walang permanente sa buhay.

Dumating ang unang dagok sa aming buhay ng magpakasal si kuya kay Lady. Sinoportahan sila nila mama at papa pero hindi namin akalain na gagawin ni Lady nakawin ang perang pinaghirapan ni papa buong buhay nya.

Kinumbinsi ni kuya si papa na pahiramin sya ng pangkapital nya sa negosyong uumpisa nila nh kanyang asawa.

At hindi nagtagal ay kinombinsi naman sya ni Lady na ilipat sa kanyang pangalan ang hiniram na pera ni kuya kay papa.

Dahil mahal na mahal ni kuya si Lady hindi sya nag-isip ng masama at hindi naghinala sa plano ng kanyang asawa.

At nangyari nga na nailipat sa pangalan ni Lady ang milyong milyong salapi.

At hindi nagtagal dumating ang pangalawang dagok sa buhay namin nang tinakbo ni Lady ang pera namin. Duon gumuho ang buhay at ambisyon ni kuya.

Ang huli at ang pinakamatinding dagok na nangyari ay nang namatay si papa dahil sa hindi magandang nangyari kay kuya.

At ngayon ako ang magbabayad ng lahat ng yon...

Para sa pamilya ko. Kakayanin ko ba ito?

Flash back end...

Back to realization.
Heto ako at hindi dalawin ng antok. Malapit nang mag-umaga. hay! ano ba naman ito.

Napapabuntonghininga na lang ako. Umayos ako ng pagkakahiga at ipinikit ko ang aking mga mata. Kailangan kong matulog para may lakas ako sa sinasabi ni mama na pupuntahan namin mamaya. Pinilit ko talagang makatulog at itinigil pansamantala ang mga tumatakbo sa aking isipan.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon