Lumipas ang dalawang linggo maraming nangyari...
Si Zi madalang ko na lng makakasama dahil busy sa basketball nya para sa National tournament.
Ito yun kung saan maglabanlaban ang mga kupunan ng ibat-ibang school
Para makuha ang Championship kaya overtime lagi ang practice nila...At ako??
Loner na ulit ...napabuntong hininga na lang ako ...
Napakaboring talaga ng buhay ko pag wala ang bestfriend ko ...Kaya ngayon mag-isa ako naglalakad pauwi galing sa school...
Pagdating ko sa bahay ,binati ko agad si Nanay"Si daddy po?" Tanong ko dito
"Nako hindi pa umuuwi siguro busy sa trabaho" sagot nito
tumango na lng ako ...
Palagi na lng busy , at kung hindi busy lasing naman lasing kung umuwi...Alam kong bakas parin kay daddy ang nangyari kaya naiintindihan ko sya..
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at gumagawa ng homework para sa Literature ng biglang nagring yung phone ko kaya sinagot ko ...
"Hello?" Bati ko dito
Narinig ko naman ang mabilis na pag hinga sa kabilang linya"Hi" napangiti naman ako
Kahit na busy sya sa practice ay hindi nya parin nakakalimutan na kamustahin ako...
Lagi nya tong ginagawa pag minsan lng kami magkikitaPalagi syang tumatawag gabi-gabi o kaya naman nagiiwan sya ng note na may nakalagay na..
Oy ! Uwi ng maaga ha? Hindi ako makaksabay ngayon ...
Love you
-bestfriend Zi na pogiKaya imbes na malungkot ay nasasanay na lng ako sa mga ginagawa nya..
"Nakauwi ka na? " tanong nito
"Ahh Oo , tapos na kayo?"
"Yeah, katatapos lng pauwi na nga ako eh" napatingin naman ako sa orasan ko 8:42 pm na antagal pala ng practice nila...
"Talaga? Sige ingat ka pagUwi ha ? " paalala ko ....
noong isang taon kasi may nakaaway silang mga lasenggo sa kanto ."Okie ,tulog ka na ....Night" narinig ko naman ang mahinang pagtawa nya sa kabilang linya ...
Siguro ay naalala rin nya yung nangyari noon"Cge bye" nakangiti kong sagot sabay baba ng tawag..
Bukas ko nalang to sasagutan ang Assignment ko para maka kopya ako sa classmate ko
Hehehe