RELASYON: Kadramahan

16 0 0
                                    

Hindi pa din ako makaget over sa nangyari samin kahapon. Bat naman kasi ang isip bata ko at ang suplado sulpado niya! :)

KWENTO ko: Yung tinaboy ko siya pauwi kasi naman ayaw niya akong samahan pumunta ng mall para maglunch kasi nga uuwi na ako ng davao. Tapos nagwalk out siya. (Deadma lang ako syempre kasi nagtatampo lang naman ako at gusto ko lang magpalambing kasi nga uuwi na ako.) Sinilip ko siya sa bintana tapos nakita ko siyang palabas na. Akala ko hinintay niya ako sa labas. Lumabas ako at tiningnan ko siya sa tindahan ee wala siya. (KINABAHAN ako. Asan na kaya siya? Tapos nalungkot ako kasi uuwi na nga lang ako magkakatampuhan pa kami.) Sumakay ako ng tricycle para puntahan siya sa bahay nila para sundan. Tapos ayon nadaanan ko siyang naglalakad at pinahinto ko ang tricycle nagbayad saka hinabol siya. Ang bilis pa naman niyang maglakad. Joskow! Tapos yun todo iwas siya sakin. Yung parang di ko inimagine na gagawin ko yung paghabol habol sa kanya sa kalsada. HAHAHAHA! (DRAMA!) Nagsorry ako kasi alam ko naman talaga na mali ko yun. "Ikaw man abi mo ginatabog mo ko." Sa mga sinabi niya narealize ko na nagiging katulad na ako ng ex niya. Huhuhu! Nangako pa naman ako na hindi ako magiging katulad niya. At itatrato ko siya ng maayos. Urgh! So yun nga, nagkabati din naman kami. Inihatid niya ako papuntang mall saka pinauwi ko siya kasi may trabaho pa siya. Hayyss! Iniisip ko habang pauwi ako ng davao. Ilan pa kayang ganito ang mangyayari saming dalawa? Mga kadramahan namin! Ahehe. Pero at the end of the day alam ko na mahal pa din namin yong isa't isa at ipaglalaban namin pareho yong mga nasimulan namin. Amen!<3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RELASYON: KadramahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon