The Scriptwriter © All rights reserved 2016
Ang kwentong ito ay hango sa mapaglarong isip ng isang manunulat na nagtatago sa pangalang Yuki Makoto. Isang persona user. Isang taong tahimik ngunit maingay ang imahinasyon.
Layunin ng kwentong ito na baguhin ang perception mo tungkol sa magkaparehong kasarian na nagmamahalan, magkarelasyon o yung mga nakikita mo sa Baywalk na magkaHHWW. Hindi ito typical na kwentong landian, puppy love, kilig at may eksenang sex bagkus isa itong kwentong sana'y kahiligan mo dahil sa kilig, romance at aral na maibabahagi nito sayo. Bawal ang discrimination dito. Spread the love. At hindi intensyon ng manunulat ang pagkakapareho ng pangalan sa totoong taong nageexist pa at baka kapangalan pa ng crush mo.
Read, Commen, Vote and Follow!
Yours truly,
PrinsipengOutcast/Yuki Makoto
---Hayy, ang sarap ng hangin. Sana ganito nalang palagi yung weather, hindi maaraw, hindi din naman makulimlim, kumbaga sakto lang. Masasabi mo ding cuddle weather na, papasok na ang October, magki-Christmas nanaman. Andami kong naaalala pag Christmas. It's the most special season para sakin. Lahat ng pinakamagagandang nangyayari sa buhay ko dito nagaganap lagi.
Pauwi na ako galing sa isang conference sa Baguio, guest speaker kasi ako sa isang conference kung saan naggather ang mga Future Media Practitioners, mga students na naghahangad na pasukin ang media. Parang kailan lang, ako yung umaattend pag may event pero hindi ko akalaing ako na yung tutungtong sa stage para magpresent ng sarili kong experiences sa mga kabataan.
Siguro kung hindi ko sinunod yung gusto ng puso ko, yung takbo ng utak ko, yung passio na nagaalab sa puso ko hindi ko mararating to. Hindi naman kasi pwedeng magpadala ka lang sa daloy ng buhay. You need to be "The Scriptwriter" here in this world full of "Movie-Goers". Kung di ka gagawa ng paraan para matupad ang pangarap mo, aanurin lang ang buhay mo ng mga iniisip mong may nakatakda nang fate para sayo. Kaya ako eto pinaglaban ko yung gusto ko kaya siguro nandito ako ngayon sa kinatatayuan ko.
Pang-apat na akyat ko na dito sa Baguio, well actually pababa na ako pero hindi parin ako sanay sa pagdadrive dito, nakakatakot, napakatarik, pero kailangan mong magtake ng risk para makarating ka sa destination mo. Teka puro hugot ako ah. Haha. Hindi pa pala ako nagpapakilala.
My name is Mico. 21 years old, Fresh Graduate, Journalist. Unang beses kong humarap sa isang napakalaking event tapos Fresh Grad pa ako kaya sobra akong overwhelmed. Nakakaproud, lalo na yung feeling na pati mahal mo sa buhay sobrang supportive sayo, at talagang pinararamdam nilang proud sila sayo. Kaya eto si Babe, kanina pa text ng text, hindi ko naman mareplyan at nagdadrive ako.
Medyo mabilis na din pagpapatakbo ko at excited na akong makauwi at ipakita yung copy ng Video ng talk ko. Wala naman masyadong sasakyan kaya medyo malakas loob ko. Hanggang sa pinipilit ko nang magpreno ngunit parang ayaw gumana.
Kinakabahan na ako,
Natatakot,
Nagdadasal
Hanggang sa...
*BOOOOOM!!!*
Bumangga ang sinasakyan ni Vin sa isang puno, at hindi akalain ng lahat na ito pala ang isa sa babago sa kanyang buhay.
YOU ARE READING
The Scriptwriter
RomanceHow are you going to find the reason of your existence if you are uncertain of your fate? Will you let yourself be The Scriptwriter of your own fate or you're going to let your actuality drift away, be consumed by contrivance and be driven by the un...