Chapter 3
6 years later...
“bessy, mamimiss kita... *sob* mag-iingat ka dun sa pilipinas ha? Tsaka pag may nang-away sayo sabunutan mo. Wag ka patalo! Hindi pa naman kita masasamahan dun, Ta—OUCH! MA!?”
binatukan naman siya ng kanyang inang si Margareth dahil sa mga kalokohang tinutoro nito sa pinsan
“ikaw talaga Jessa kung ano-ano yang tinuturo po jan sa pinsan mo, oh Casey ha, yung mga bilin ko sayo, sulitin mo yung mga oras at panahon mo dun dahil matagal mo na ding di nakakasama ang daddy mo. Tsaka wag mong pababayaan yang pag-aaral mo”
“opo naman tita, parang di niyo naman kilala si daddy. Mas strict pa po yung kuya niyo kaysa sayo lalo na kung pag-aaral ang pinag-uusapan. Kaya wag napo kayong paulit-ulit tita. Nakakasawa narin kaya”
hindi nito sinasadyang maging pisolosopo dahil sadyang honest lang talaga siya. Hindi naman yun alintana ng buong Hernandez at Bartolome dahil ‘reality hurts’ ika nga. Acceptance lang yan.
“casey, pahug nga ulit si kuya. Mamimiss ko tong maganda kung bunso. Pahug narin ako kay daddy pagdating mo dun ha? Tsaka pagpasensyahan mo na si kuya, kung di dahil sa tuition ko di ka dapat aalis dito.”
Gustuhin niya mang lumipat nalang ng ibang university para wag umalis ang kapatid ay wala narin itong nagawa dahil bukod sa mapagbigay ang bunsong kapatid but because of their dad was also struggling financially. (SAVEH? Marunong po akong mag-english di nga lang perpek.)
“ang echus mo kuya ha. Wag kanga dun sa bad side tumingin, dapat dun tayo sa good side parati. Umalis man ako dito, makakasama ko naman si daddy. Tsaka galingan mo nalang ng sobra sa pag-aaral kuya para sobra ring worth it ang pag-alis ko.”
Nakangiti nitong pinisil ang pisngi ni Justin at isa-isa na nito yinakap ang pamilya bago umalis at pumasok ng boarding area. Malungkot man siya sa pag-alis ay iniisip niya nalang na sa matagal na panahong di nakita ang ama e makakasama na niya itong muli. Habang naghihintay siya sa paglapag ng eroplano ay napangiti nalamang ito ng makita ang key chain na matagal na niyang iningatan.
Naalala na lang niya ang mga panahong kasama pa ang batang si Jm. Simula nang nakita niya ito sa kanyang bulsa ay di na niya muling nakita pa ito sa playground. Nalaman na lang niya na umalis na pala ito ng amerika ng hindi man lang siya nakapagpaalam. Kung nalaman niya lang sana na yun na pala yung huli nilang pagkikita ay sana sinulit na lang niya ang mga oras nito kasama siya. May pagtatampo man siyang nararamdaman ngunit inisip niya nalang na baka may matinding dahilan kung bakit bigla nalang itong nawala ng wala man lang paalam.
“OMMO!!! Aking muting prinsesa!!! Baby Casey damulag kana” patakbo nitong tinungo ang anak at mahigpit na niyakap. May bitbit ma itong Banner na may nakasulat na ‘ANNYEONG! Casey Jen Bartolome OVER HERE’ na may emoticon pang naka peace sign. Kahit nahihirapan na siya sa paghinga sa higpit ng yakap ng ama ay napaiyak na lamang ito habang niyakap nadin ito.
“OMO OMO! Gwenchanhayo? Why are you crying? Nasakal kaba ni daddy?”
“*sob* daddy naman e, namiss lang po kita ng sobrang sobra.” Tapos ay nagyakapan naman silang muli. Wala paring tigil sa pag-iyak si Cj dahil sa matinding pagkamiss ng ama ngunit ang kanya namang ama na si Anthony ay nagpipigil lang din ng iyak dahil ayaw niyang nagmumukhang bakla sa harap ng anak kahit naman nagmumukha talaga siyang bakla sa pagka trying hard mag Korean.Habang nagmamaneho si Anthony ay sa labas ng bintana ng kotse lang nakatingin si Casey, tinitignan niya ang mga naglalakihang gusaling nadadaanan sapagkat hindi na niya maalala ang mga panahong nandito pa sila sa pilipinas nakatira kasama ang ina. Umalis lang sila ng bansa ng tuluyan ng bawian ng buhay ang ina at lumipat ng amerika, ngunit bumalik din kaagad ang kanilang ama sa pilipinas dahil sa mga trabahong naiwan at sa mga utang na dapat nilang bayaran.
“bunsoy, tapos na pala kitang natransfer sa school na papasokan mo. Kailangan mo nalang i-submit yong huling requirements na pinabitbit ko sayo. Maganda din dun bunsoy, tsaka sa makalawa kana papasok. Gusto mo samahan kitang maglibot sa campus niyo bukas?” masayang balita ni Anthony sa anak
“daddy okay lang po. Tsaka baka may trabaho po kayo maka-abala lang ako.”
Nakangiti pa nitong pangumbinsi sa ama. Ayaw na ayaw niyang istorbuhin ang ama sa trabaho nito kasi tulad nga ng parating sabi ko. Mabait siya, matulungin, mapagbigay, maalahanin at kung ano pang kabutihang ugali meron jan. Siya na perpek e. Hindi joke lang pala, walang taong perpek. Alam natin lahat yon
“i insist anak, bonding time narin. Akala ko ba sobrang miss ako ng bunsoy, tsaka kinancel ko talaga yung mga appointments ko para sayo tapos di mo pala gusto.” sabay nguso pa ng daddy niya na nagbibigay sinyales na nagtatampo na siya. At dahil nangibabaw parin ang pagkamiss sa ama ay gusto rin niyang makasama ito kaya naman pumayag na siya.
Masaya lang silang nagkwekwentuhang mag-ama ng makarating na sila sa kanilang bahay. Hindi ito kalahikahan ngunit may pagkamalaki narin. Basta di siya mansion pero pag mahirap mag describe yun na parin yun.
“magpahinga ka muna dito sa kwatro mo bunsoy, gigisingin ka nalang ni daddy pag mag didinner na tayo okay?”
“thanks po daddy” at bago umalis ang ama ay binigyan muna nito ng halik sa pisngi ang anak. Nagpalit lang siya ng damit at padapang humiga sa kanyang malambot na kama.
Naeexcite na siya sa gagawin nilang mag-ama bukas dahil pagkatapus nilang isubmit ang huling requirements sa pagtransfer niya ay sasamahan pa siya ng kanyang ama na libutin ang campus at bilhan ng uniform para sa unang araw ng pagpasok niya. Gustohin niya sanang tawagan ang pinsan sa amerika ngunit nakaramdam na sya ng antok dahil sa pagod sa byahe kaya naman nakatulog na siyang may ngiti parin sa kanyang mga labi.
CZYTASZ
Worth my Love
Dla nastolatkówthis story is about a daughter who always think of what's best for everyone around her. at early age, she'd been through so much but despite all that, someone will come into her life and will change it, that even if the world hates you, someone will...