Chapter 4

3 3 1
                                    

Chapter 4

"Okay class, before we proceed to our discussion, I would like to introduce to you a transferee from America and she will be part of our class effective today."
At sabay nang pagpapakilala ng guro sa harap ng klase ang pagpasok ni Casey sa loob. Sa kabila ng mga matang nakatitig sa bawat kinikilos niya ay nakaramdam naman siya ng konting hiya ngunit hindi niya nalang iyon pinagtuonan ng pansin at nginitian ang lahat bago nagpakilala

"hi! I am Casey Jen Bartolome. My friends used to call me CJ so you are free to call me the same way. I'm 15 yrs old. I hope that we'll get along with each other throughout the SEM and the school year."

Kahit mabibilang lang sa daliri ang mga naging kaibigan niya ay feel naman niyang sabihin iyon sa harap nila. Hindi niya alam kung anong meron na mali sa kanya dahil kahit saan siya magpunta ay may mga taong ayaw sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa. Iilan lang sa mga kaklase niya ang natuwa sa pagdating niya ngunit karamihan dito ay iniirapan siya at walang pakialam sa kanya.

"okay Ms. Bartolome, welcome to our school and to my class, you can occupy the seat there at the back."

"but maam!, you know that Marco doesn't want anybody to sit beside him." Patayong bulalas ni Sheena sa guro at inirapan pa nito si Casey. Siya ang leader ng kanilang cheering squad at isa ito sa mga babaeng may gusto kay Marco.

"of course i know that Sheena. But we dont have a choice because as you can see, there's no more vacant seat aside from it so whether you like it or not, she will sit beside Marco. And speaking of that man, where is He?"

"well, he's on the training, but maam she can take my seat so-"

"so you can sit beside him instead? Nah-thanks, sitting arrangement remember that? And it's final. Ms. Bartolome you can now take your seat"

padabog namang umupo si Sheena sa kanyang upuan at binigyan ng masamang titig si Casey na para bang sinasabing 'humanda ka sakin mamaya'

"don't mind her. Inggitera lang yan, anyways im carla"
sabay lahad nito ng kamay upang makipag shakehands, tinanggap naman ito ni Casey at masayang inisip na may magiging kaibigan na siya. Isa siyang nerd ngunit hindi naman mukhang manang, makapal lang ang lens ng kanyang glasses. Naka-upo ito sa harap niya, Gustuhin niya man makipag-usap dito ay kailangan naman na nilang makinig sa discussion ng guro.

Habang binubuklat ang pahina ng kanyang libro at nakikinig sa guro ay bigla nalang umupo sa kanyang tabi ang isang nakahood pa na lalaki. Gusto niya sana itong kausapin na tanggalin ang hood at makinig sa klase ngunit nakita niyang masama na namang nakatingin sa kanya si Sheena kaya hindi niya nalang ito pinakailaman pa.

Iniisip niya kung saan nanggaling ang lalaki ngunit noon niya lang napagtanto na may pintuan din pala malapit sa kanya bukod dun sa pintuan na pinasukan niya kanina. Gusto niya sanang makita ang pagmumukha nito ngunit hindi niya iyon magawa dahil sa nakatatakpan ito ng hood at mukhang natutulog narin ito.

----
"Carla, gusto ko sanang makisabay sayo mag lunch pero pupunta muna akong locker room, may kukunin lang ako." Pagpapaalam niya sa bagong kaibigan dahil nagkasundo silang sabay kumain ng tanghalian.

"okay lang, hintayin nalang kita sa cafet."
Habang papalabas na siya ng locker room ay bigla naman siyang natamaan ng bola sa kanyang likod dahilan para mahulog ang bitbit niyang mga libro.

Tinignan niya kung saan nanggaling ang bola at nakita ang isang lalaki na patungo sa kanya. Akala niya ay tutulungan na siya nitong pulutin ang mga nahulog na libro ngunit dinaanan lang siya nito at kinuha ang bolang nakatama sa kanya. Kunot noo niya lang tinignan ang papalayong lalaki na hindi man humingi ng paumanhin sa kanya.

Worth my LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang