Chapter 6
Pagdating ni Casey sa Classroom ay nandoon na si Marco, natutulog. Habang wala pang nakatingin ay palihim nitong sinuksok ang isang papel sa bag ni Marco, nakalista na duon ang mga part ni marco sa gagawing research nila na iprepresent next week."hi Casey.. ano naka-usap mo na ba yan?" sabay nguso ni Carla sa direksyon ni Marco. Kakadating lang din nito at bineso ang kaibigan
"hindi e. Pero may naiisip na akong way para maka-usap siya ng di nagagalit si Sheena sa akin."
"haay nako. Possessive talaga ng impaktang yan. Basta case ha, siguraduhin mong hindi ka mapapahamak jan. Impakta will always be impakta."
Magsasalita na sana si casey nang nagsidatingan na sina sheena kasama ang mga alipores nito. Bago tuluyang umupo sa upuan ay muli itong naglakad patungo sa kinauupan nila. Masama itong nakatingin sa kanya. Nang malapit na ito sa kanya ay inirapan siya nito at malanding kina-usap si marco
"Marc, are you okay?" at hinawakan pa nito si marco sa braso habang dahan-dahan hinahaplos.
"do you wanna go to clinic so that you can rest? I can accompany you there." Sabi ulit nito sa malanding tono. Napa-angat naman ng ulo si marco at tinabig ang kamay nitong nakahawak sa kanya.
"just stay away from me will you?!" utas nito sa iretadong tono at bumalik sa pagtulog.
"come on marco." At hinahaplos muli sa braso si marco "quit playing hard to get, i know you're interested in me, you can ask me out"
"F*CK! What's in 'stay away from me' escapes your understanding?! You want me to ask you out? Fine! GET OUT!" at napatayo pa si marco dahil sa pagka-ireta nito kay Sheena. Nagulat naman ang lahat sa pagsigaw ni Marco. At kahit napahiya si sheena ay nagawa pa nitong apakan ng takong niya ang paa ni Casey bago nagwalk-out. Napapikit naman sa sakit si Casey at kinakagat na lang ang ibabang labi sa hapdi ng inapakang paa. Bumalik narin sa pagtulog sa marco at tinaklob ang libro sa mukha niya.
"hey case. Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Carla sa Kaibigan. tinango lang ni casey ang ulo dahil pati mga kaklase nakatingin nadin sa kanya.
---
"paika-ika ka jan? Sigurado ka bang okay ka lang?"
Tanong ulit ni carla sa kaibigan habang patungo ng cafeteria para mag lunch."yeah. Dont worry, i'll be fine." Sabay pilit na ngiti nito.
Habang inaayos ni Marco ang mga gamit ay bigla may nahulog na kapirasong papel. Nagtataka man siya kung saan nanggaling iyon ay pinulot niya parin ito.
"ano naman kaya ito?" at nang ibinuklat na niya iyon ay may nakasulat na 'hey, the following bullets will be the things you have to do for the research paper. Ayaw mo naman akong kausapin. Pagtiyagaan mo nalang ito. -Casey' napapailing nalang habang may ngiti sa labi niyang ibinalik iyon sa bag niya.
"tss. Paraparaan din talaga e." At tulayan na niyang nilisan ang locker area at tinungo ang Gymnasium para sa training.
"Sheen, ano nang plan mo for Cj? Na bobore na ako e"
"what the! Are you her friend? Haven't you heard her that her 'friends'" sabay quotation gesture pa nito sa word na friend "used to call her cj, so you're one of them? huh?! Are you betraying me now?!" at tinutulak pa nito sa balikat ang isa sa mga alipores nito gamit ang kanyang hintuturo.
"no, it's not like that. please don't take the wrong idea Sheena, what i mean is we should start threatening her to keep her distance from your marco."
Napatigil naman si Sheena sa ginagawa at muling na-isip.
"well, it's not that I will let her touch him nor lay her eyes on him Coz i'll make sure that she'll live her life in this school full of regret." At sabay smirk pa nito na may aurang pang demonyo. Yung parang may evil plan ang peg.
Nagkatinginan naman ang alipores niya at ngingiti-ngiting nag-apir dahil nae-excite na sa mga gagawing plano nito.
"and Sheen, what about Marco? What's your plan about him?" usisa muli ng isa pa nitong alipores
"well, I'll handle him myself. I won't stop until i get him, besides, wala pang umaayaw sa alindog ng isang Sheena Ocampo, and if he'll choose another woman instead of me? The girl will surely suffer"
at nag smirked pa ito at tinititigan ang sariling repleksyon sa salamin. Matapos mag-retouch ay umalis na sila ng CR.
Subalit, sa kanilang pag-alis ay may isang babaeng lumabas ng cubicle at nakangiti itong tinungo ang sink at isinuot muli ang makapal na glasses, nagha-hum pa ito habang hinuhugasan ang mga kamay at naglagay ng lipstick bago umalis.
YOU ARE READING
Worth my Love
Teen Fictionthis story is about a daughter who always think of what's best for everyone around her. at early age, she'd been through so much but despite all that, someone will come into her life and will change it, that even if the world hates you, someone will...