Chapter 7

3 2 0
                                    

Chapter 7

"oh Carl, What took you so long? Madami bang tao sa CR?"

"alam mo na naman, ang dami pang kaartehan sa katawan. Hinintay mo talaga ako ha at hindi mo pa ginagalaw yang pagkain mo."

"syempre, wala ng sense yung word na sabay kung mauuna rin naman akong kumain diba? Tsaka ang nice ng lipstick mo ha... Bago?"

usisa ni casey sa kaibigan at nagsimula ng magsubo ng pagkain. Kahit nerdy type si Carla ay makikita parin na maganda ito sa kabila ng makakapal nitong suot na glasses. Halata rin sa itsura na mayaman sila.

"ahh.. yes. Bagay ba?"

"of course! Mas lalo kang gumanda kahit naka glasses ka pa. Anyways, kwento ka naman about sa family mo carl. I didn't know much about you."

Sa di kalayuan naman ay sumusulyap sa direksyon nila si marco. Nagdadalawang isip kong lalapitan ba si casey o hindi dahil nasa cafeteria pa naman sila.

Ngunit kung hindi niya iyon gagawin ay baka magka problema pa sila sa research paper nila kaya wala na siyang ibang choice, hindi na siya makakapasok ng klase after lunch at sa mga susunod na araw dahil sa training niya. Iniiwasan niya man na may kumalat na chismis ngunit dedma nalang muna. Para sa grades to mga tsong!

"well, hindi naman kami totally rich, middle class lang.. we own a restaurant and our main branch is located in CDO so both my parents are there as well as my little sister, one year lang yung gap namin but sabay na kaming pumasok ng school. Since ako lang ang nandito, i prefer to stay in a condo, luckily pinayagan naman ako ng parents ko so they bought one for me. At sa-"

naputol ang mga sasabihin ni Carla ng may umupo sa tabi ni casey, napalingon naman si casey sa katabi at may bahid pa ng pagkagulat ang mukha nito ng makita kung sino iyon.

"mind if i join you?"

he said while grinning, palipat-lipat lang ang tingin ni Carla sa dalawa ng mahagip niya sa di kalayuan ang masasamang titig ni Sheena sa kanila. Pinagtitinginan nadin sila ng ibang students dahil ngayon lang tumabi ng babae si marco at nakangiti pa. Excluded na yung sa classes kasi di naman kusa yun. Kadalasan ang mga kasama nito ay ang mga kaibigan sa varsity at wala ng iba. It's either he's alone or he's with his friends.

Hindi paman nakakapagsalita ang dalawang babae ay inunahan na niya ang mga ito.

"well, first things first, bear this in mind. Don't put meanings to the things that means nothing, get it?. So I'm just here to give you this. Anjan na lahat sa FD na'yan ang mga documents na ginawa ko for the research paper. Siguro naman hindi ka mahirap para singilin mo pa ako para sa pagpapaprint."

Hindi paman nakakasagot ang dalaga ay tumayo na at umalis si Marco, mga pares palang ng mga matang nakatingin sa kanila naiireta na siya. Kahit hindi niya iyon pinapansin ay di niya maiwasang di ma bwesit. Alam niyang gwapo siya, di na kailangan pang sabihin at ipagsigawan yung mga bagay na halata na. 'Don't state the obvious' ika nga

"Oh my! Have you seen that sheen?!" Sabay lagay pa nito ng isang kamay sa bibig na parang nagulat "marco just sit beside her and he even smiled at her?!"

Naiireta namang inirapan ni Sheena ang alipores niya "of course! I've seen it! What do you think of me?! Blind? Stupid." Napuyoko nalang sa kahihiyahan ang alipores niya.

"That bitch is getting into my nerves... Humanda ka sakin malandi ka." Maarte itong tumayo at umalis, sumunod naman sa kanya ang 5 tails..

"So case, about sa continuation ng sasabihin. Dadating yung mom and dad ko mamayang 1 so Hindi na ako makakapasok ng afternoon class Natin." Pagpapatuloy nito ng maka-alis si Marco

"Ah ganun ba? Okay lang siguro gagawin ko lang din yung research paper namin for the meantime."

Nang matapos na sila sa pagkain ay nagpa-alam na si Carla Kay Casey para umalis. Hinatid naman siya ni Casey sa parking lot bago bumalik ng room.

Ngunit, habang nasa hallway palang ito ay bigla nalang may nagtabon ng tela sa ulo niya at kinaladkad siya patungo sa ibang direksyon...

"Mmmm--" kahit anong pagpumiglas ang gawin ay wala siyang magawa, nahihirapan narin ito sa paghinga dahil sa mahigpit na pagkakatabon ng mukha nito.

Nang makarating sa distinasyon ay tinulak pa siya pagkatapos alisin ang nakatabon sa mukha niya. Nadapa pa ito sa sobrang pagkalakas ng pagkatulak sa kanya. Pagka-angat niya ng ulo ay nakita niya si Sheena habang naka evil grin na naka tingin sa kanya. Kahit hinahabol pa ang hininga ay hinigit ni Sheena ang kanyang buhok dahilan para matayo siya sa sakit sa pagkakahigit nito.

"Aray! Masakit ano ba?!" Naluluhang napahawak pa siya sa kamay ni Sheena na nakahawak sa buhok niya

"Ang landi mo rin eh no? Diba sabi ko sayo na layuan mo si Marco?!" Pinandilatan pa niya ito at yinugyog ng bahagya ang ulo. Marahas niya pang hinawakan ang magkabilang pisngi ni Casey at pinisil ng sobrang diin na Hindi man lang makapagsalita si Casey ng maayos.

"This is my last warning casey, the moment I see you again with him. Hindi lang ito ang aabutin mo sakin!!!"

At tinulak niya ng malakas si Casey. Naitama pa ni Cj ang paa sa isang sirang upuan bago ito tuluyang matumba sa sahig. May mga galos narin siya braso at binti. Bago umalis ay sinipa pa ng isa sa mga 5 tails ni Sheena ang binti ni Casey at nagtatawanan pa ang mga bruha habang papalayo na ang mga boses.

Masakit pa man ang katawan ay pinilit niya ang sarili na makaupo. Umiiyak na lamang ito sa sakit ng ulo at katawan. Hindi niya alam Kung ano bang ginawa niya para tratuhin siya ng ganyan. Gayun paman ay Hindi parin siya nagtanim ng galit sa kanila. Iniisip niya nalang Kung pano maka-iwas sa gulo. Na mas mabuting Iwasana na nga lang niya si Marco Dahil palagi nalang siyang napapahamak dito.

"*Sob* okay lang yan cj *sob* hihilum rin yang mga sugat mo*sob*" at pinahid niya nalang ang mga kamay sa pisngi dahil sa lugar nitong walang tigil sa pagpatak.

Inayos na niya ang kanyang sarili, kahit masakit ang katawan dahil sa nangyari ay pinilit parin niyang pumasok sa klase. Nilagyan niya nalang ng band aid ang sugat at hinayaan nalang muna ang mga pasa. Hihintayin niya nalang na matapos ang klase at sa bahay na iyon gamutin.

" Class, I want to inform you that Kate is no longer part of the class. She was transferred to another school yesterday but I really don't know the reason, ayaw namang sabihin ng parents niya. Well let's proceed now to our lesson coz I'll be giving a short quiz after." Nagbulangan naman ang kanyang mga kaklase matapos marinig iyon sa guro.

Kahit nakatuon lamang ang kanyang atensiyon sa guro ay di niya maiwasan di marinig ang bulungan ng mga kaklase.

"Hindi na kasi nakayanan ni Kate yung mga pang-aapi ni Sheena"

"Pano kasi pareho silang may gusto Kay marco. Alam mo naman yang si Sheena kahit di knya possessive talaga."

"Oo nga E, ginagawa niya talaga lahat mawala lang yung mga karibal niya. Kaya nga sa malayo lang ako naka tingin Kay marco E."

At nang tignan ni Cj si Sheena ay tila masaya ito sa marinig ang balita ng guro nila dahil ngingiti-ngiti pa ito. Kailangan nga niya talagang iwasan si Marco. Nasisigurado niyang si Sheena ang dahilan ng pag-alis ni Kate sa school. Natatakot na siya para sa sarili niya, ayaw niya ng gulo pero kahit anong iwas niya, talagang napapasabak siya.

Worth my LoveUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum