Halimaw.
__
Sa tindig na pangmodelo at sa ngiti na mas pinaganda ng magkabilang dimple sa pisngi. Mahirap ngang walang magkagusto kay Jake ang sinumang babae. Kilala ito bilang playboy sa campus na pinapasukan niya. Isang buwan lamang ang itininatagal ng mga babaeng nakakarelasyon niya sa piling nito.
Kapag may narinig kang babaeng umiiyak sa hallway, sa cafeteria o sa loob ng comfort room. Asahan mo nang kagagawan iyon ni Jake.
Bandang December. Ikalawang simester nang biglang pumutok ang balitang may trasferee sa school na galing sa probinsya si Cordelia. Isang Magandang babae na hindi mo aakalaing mahirap lang dahil sa kinis ng balat na itinataglay nito, mapupula at tama ang tabas ng mga labi nito, maganda din ang hubog ng katawan. Kaya maraming nangligaw kay Cordelia pero, tulad ko at ng iniaasahan ng marami. Kay Jake ang punta nito.
"Alam mo ba, break na daw si Cordelia at si Jake... " bulong-bulungan ng mga classmate kong Ka-table ko habang nagla-lunch kami, nang araw ng lunes na maparaan si Cordelia sa cafeteria na mugtong-mugto ang mga mata.
"Asus! Hindi na yun nakapagtataka. Wala namang tumatagal jan kay Jake... " sabi naman ng Kath habang ngising-ngisi.
"Tama. Maswerte nga siya at naka-isang buwan at isang linggo pa siya kay Jake eh! " ani Gina.
"Oh, ikaw Luna. Wala ka bang maiko-comment man lang jan? " banas na baling saakin ni Kath.
"Umasa ka pa Katherine. Puro, tango lang naman ang alam niyan... " inirapan na lamang siya ni Gina.
"Wala naman tayong magagawa. Sadyang ganon lang talaga. Pero, nalalapit na ang araw ng pagtatapos ng buhay ni Jake na yan... Naamoy ko na, " ngisi kong sabi.
"Tumigil ka nga Luna! Mukhang tanga naman yang pinag-sasabi mo! " galit na baling saakin ni Mimi.
"Hinihingi niyo ang komento ko diba? " hindi naman sila naka-imik at ipinagpatuloy ang pagkain nila ng kanya-kanya nilang hapunan.
Dalawang linggo at kalahati din ang nagtagal bago mawala ang ugong ng break-up nila ni Jake at Cordelia nagbalikan daw ang dalawa, napalitan ito nang pagluluksa at paghihinagpis ng mga kababaihan sa campus akala siguro ng mga ito na isa nanaman sakanila ang papalaing magustuhan ni Jake kahit, panandaliang panahon lamang.
"Pupunta ka rin ba mamaya Luna? " abala ako sa pagsusulat ng asignatura ng gambalahin ako ni Mimi.
"Saan? " taas kilay kong tanong sakanya.
"Sa burol ni Jake... " malungkot niyang sabi.
"Burol ni Jake? Baket, patay na? "
"Duh! Naturalesa! Kaya nga burol diba? " mataray niyang sabi.
"Talaga? Anong ikinamatay? " hindi ko makapaniwalang sagot. Napakadali namang mamatay niyon. Akala koy may dalawang linggo pa siyang itatagal.
"Sa puso daw... " tumabi siya sa bakanteng arm chair malapit saakin.
"Inatake sa puso? " ngisi kong sabi kahit alam ko naman ang dahilan.
"Hindi! Wakwak yung dibdib! Wala yung puso! " banas siyang bumaling saakin "Tumigil ka nga sa kakangiti! " aniya pa ng pagalit.
"Anong masama sa pag-ngiti ko? " sabi ko naman.
"Para ka kasing serial killer kung ngumiti jan! Tss! " sabay tayo niya at nagderedirestong lumabas sa room namin.
Sanay na ako sa ngiti kong pang serial killer. Pero, ang mga kaklase ko ay hindi. Kakakilala ko lang din naman sakanila. Lumaki din ako ng probinsya. Kakatransfer ko lang din sa school na ito nang first semiter syempre, dahil mag-aaral ako ng college ko dito sa lugar na ito. Wala naman kasing college sa baryo namin. Kung mga kababata ko ang kasama ko at makita nila akong nakangiti pupuriin pa nila akong bagay saakin pagnaka-ngiti, yun ay sa kadahilanang sanay na sila. Itinuturing kong talent ang ngiti ko. Talent sa pagtakot ng tao.
Maliban duon ay may isa pa akong talent. Talent ulit na pangtakot. Sa side kasi ng tatay ko ay may lolo siyang manggagamot. Kaya, iyon. Nakakakita ako ng mga hindi dapat makita ng mata ng simpleng tao lamang sa bigay na anting-anting saakin ni lolo Gido.
*Brrrrrrt* Nabigla ako sa pagtunog ng cellphone ko sa aking bulsa. Nakakabigla talaga pag naka-silent mode ang fone mo at biglang may tumawag. Baguhan pa lang naman ako sa cellphone. Kakabili ko palang nang mag-punta ako sa lugar na ito. Para narin may koneksyon ako sa pamilya kong nasa baranggay kung saan ako lumaki. And speaking of pamilya. Tumatawag ang inay saakin.
Bandang alas-syete ng gabi nang pumunta ako ng bahay ng mga Dela Cruz. Ang bahay ni Jake kung saan siya naka burol.
"Talagang mayaman pala ang pamilya ng babaerong iyon... " mangha kong sabi nang papasok kami sa malapalasyong bahay ni Jake. May red carpet pa!
"Ngayon mo lang alam? Kitang-kita naman yun sa pananamit pa lamang ni Jake! " galit nanamang baling saakin ni Mimi.
Kanina pa saakin 'to galit ah! Isunod ko 'to kay Jake!
"Ikaw na kasi! " nagtulakan si Kath at Gina kung sino ang mauunang tumingin kay Jake. Mga boba talaga 'to! Kung sabay na sila edi mapapadali pa sana!
Kaya napagdesisyunan kong ako na lang ang titingin muna. Papalapit na ako sa kabaong ni Jake nang may maamoy akong hindi bago saaking ilong.
"Hi, " bati niya saakin.
"Kumusta? " prente ang ngisi ko. Nasa tabi ko siya at sabay kaming naglalakad.
"Ayos lang naman, " aniya. Naka-belo siyang itim. Itim na itim ang suot niya. Animong pinaghandaan niya ang gabing ito dahil sa suot niya.
"Pansin ko'y masaya ka ngayong gabi, " sabi ko sakanya.
"Syempre... Palagi naman, diba? " aniya pa.
Hindi na nakapagtataka iyon. Batid ko sa tuwing lumuluha siya sa harap ng mga kasamahan niya sa campus ay may nagtatago sa mukha niyang ngiti. Lagi nga naman siyang nakangiti.
"Isa kang halimaw Cordelia Diaz... " bigkas ko. Nakita ko naman sa loob ng belo niya ang pagpapalit ng anyo niya. Sabay ngisi niya saakin.
Humigit tatlong araw ng dumalaw kami sa burol ni Jake at naglamay ay inilagak na rin sa sementeryo ang bangkay nito. Kasama roon si Cordelia kasukod sa payong ng nanay ni Jake. Matagal siyang humagulhol. Nagpahayag ng pagakaawa sakanya ang mga taong hindi alam na siya ang may kagagawan ng pagkamatay ni Jake. Pero, hindi alam ng mga ito na umiiyak siya dahil, sa matinding kaligayahan.
Ako nga pala si Luna. Luna Diaz. Ang pinsan ni Cordelia Diaz. Malaki ang pinagkaiba namin ni Cordelia. Halimaw siya at ako naman ay simpleng tao lamang na may kakayahang makakita ng mga hindi kayang makita ng taong walang anting-anting na katulad ng hawak ko. Pero, kahit na malaki ang pinagkaiba namin ni Cordelia isa lang ang gusto naming mangyari. Ang mawala lahat ng lalakeng nanakit sa damdamin ng mga kababaihan.
"Lipat tayo sa ibang school next sem. Dun sa Ateneo? Maraming chickboy dun e... " aniya ng sabay kaming naglakad papuntang mall para kumain.
Walang nakakapansin mag-pinsan kami, una at huli sa lahat dahil, pangit ako. Yung literal na pangit, kailangan ng ipa-retoke ang mukha para gumanda. Samantalang si Cordelia, effortless ang kagandahan. Pinsan ko siya sa side ng tatay niya. Ang nanay niya ay kabit ng tito Orlan. Halimaw din ang nanay niya at kakapanganak palang sakanya nun ay ipinasa na sakanya ng nanay niya ang birtud nito. Alam ko iyon dahil ang lolo at lola mismo na nagpaanak sa nanay niya ang nakakita nito. Lagi iyon naikekwento ni lola saakin. Sa lahat ng magpipinsan kami ni Cordelia ang close. Dahil, kasi pangit ako ay lagi akong tinutukso at inaaway ng mga bata saamin siya naman ang naging taga-pagtanggol ko. Malaki ang utang na loob ko sakanya.
"Ge, ba! " sabay kaming ngumiting dalawa.