Chapter#2
(The weirdo and my seatmate)"I cant believe it Chaka! Classmate ko ang pinaka bata sa BDC!" Here we go again. Azie as a fangirl mode.
Kanina pa yan eh! Pagkalabas na pagkalabas ko ng Room nakakairitang ngiti na nya agad bumungad sakin at talagang nakakainis yun mga kaibigan. Imagine tumayo lahat ng balahibo ko? Sheesh! Maging ang maalala yun ay ayoko na!
Pano? Nagulat raw kasi sya na makita doon yung... Sino nga ba ulit? Uh! Yung pinakabata daw na member ng Bullets na si Sianne Cheneschenes! Wala naman kasi talaga akong pakealam dahil Bitter ako! Bat si Azie may classmate na wapings?! Ako wala ( T_____T ) Tadhana! Hustisya.
"Chaka! Pangalan palang! Makalaglag panty isama mo na ang hibla ng bulbol ko ( * ^ * )" Grosss! Kadiri itong babae to. Napangiwi nalang ako ng wala sa oras sabay iling. She is Hopeless. Mental na ata ang kailangan nya!
Dahan dahan kong inalis ang braso nyang nakapalibot sa braso ko at hinarap sya. "Azie look! Nagiging abnormal na fan ka nanaman ng isang adonis-- Este! Ng isang lalaking hindi mo naman makakausap." Sabi ko.
Gulat na tumingin naman sya sakin at dalawang beses na kumurap "Chaka dont be stupid! Nakausap ko nga e." Ngiting tagumpay ang ngiti nya.
Teka? Nakausap? "A-anong ibig mon--" She cut me off.
"Seatmate ko sya. Then I asked him kung ano ba ang pangalan nya at syempre sinabi ko rin na ang galing nyang sumayaw at kumanta. Nagpasalamat pa nga sya eh." Sabi nya.
Pero bakit parang bigla naman syang lumungkot? Tinignan ko sya at bagsak na ang balikat nya tsaks napabuntong hininga nalang. "Kaso isnob sya Chaka! Imagine?! Si Azie Linsy Cruz ng High High School? Dinedma ng isang Sianne Alexus?!"
Yep! Tama kayo ng basa. Azie is one of those Queens ng mga School. Hinahangaan at tinitingala. Pinipilahan at pinapangarap ng lahat. Umayos ako ng tayo at binigyan sya ng pinaka-matamis na ngiti na maibibigay ko sa kanya just to cheer her up.
"Ang Azie na nakilala ko ay Bully, di basta basta sumusuko at higit sa lahat?" Tumingin sya sakin habang inaantay ang susunod nasasabihin ko. "Hindi pumapayag na ini-ignore sya ng kung sino. What Azie wants, Azie gets." Tsaka ko sya kinindatan.
Agad naman umaliwalas ang muka tsaka ako niyakap. "Chakaaaa! I could'nt live without you! Thank you." Sabi nya.
Kahit medyo asiwa ako sa ayos namin ngayon ay tinap ko ang Likod nya tsaka humiwalay. "Andrama mo. Nakakadiri ka." Sabi ko tsaka pumasok ng Caf.
Azie is a good friend kahit na minsan talaga inaatake sya ng Bully side nya. Kaya i will stay by her side. Like what I promised sa Kuya nya.
I missed you...
[ ◇ ]
"GoodAfternoon." Napabalikwas ako ng magsalita bigla ang isang Prof sa harap. Ang kaninang maingay na classroom ay naging tahimik.
"Balita ko strict prof daw yan." Sabi ng katabi ko. Tumingin ako sa paligid para makita kung sino ba ang kinakausap nya. Pero bigla naman syang tumawa. Isang tawa na higit na kinaiinisan ko. Mahinhin.
Napataas naman ako ng kilay at di napigilang mapairap. "Anong nakakatawa?" Bulog ko.
Umiling naman sya at tumingin sa harap. "Sya ang home room prof natin. Si Mr.Santiago. at pumapasok lang yan sa isang room kapag may bagong papasok." Napataas naman ako ng kilay sa sinabi nya.
Amang nasa langit! Bakit po parang may psycho akong katabi? May mas wi-weird pa pala saakin.
"My name is Emanuel Santiago. Home room advisor. And Im here to announce you some rules." Anito. Nagtataka naman akong napatingin sa katabi ko.
"I told you." Nakangiting sabi nya habang naka salong baba. Nagkibit balikat nalang ako at nakinig sa announcement ng Mr. Santiago na to.
So blaaah blaaaah blaaah! Its getting boring. Tumingin naman ako sa katabi ko at nginitian ako nito. "For sure naiinip kana. Ako rin naman." Bulong nya.
"Nakikinig pa ba ang lahat?" Tanong ni Mr.Santiago. And as if on cue sabay sabay naman kaming sumagot ng "Yes, sir."
Magsasalita pa sana sya ng maagaw ang atensyon nya ng isang katok. "So andito na pala sila." Sabi nanaman ng Weirdo na katabi ko.
"Sinong si...la?" Kunot noong tanong kong. Umiling naman sya tsaka lumabi ng Just wait. Tsaka muling tumingin sa harap.
And here I am again. KINIKILABUTAN! Ano bang trip nito? Maganda naman sana sya pero bakit ang weird weird nya?! Lord please! Ilayo nyo sakin ang babaeng ewan na ito ( T^T )
Dahil sa di ko na maintindihan kung ano ba talaga dapat ang i-aakto ko sa weird na katabi kong ito ay humarap nalang ako sa Gawi ni Mr.Santiago.
And I never expect what I just saw! D*mn!
[ ◇ ]
Azie Linsy Cruz's ♤
Bored na nakatingin ako sa harap at iniisip ang sinabi ni Keith. Honestly, hindi ko alam kung meron ba akong ginawang kabutihan nung nakaraang buhay ko para ibigay sakin ng Diyos si Keith.
I must admit. Isa ako sa mga nambully sakanya dati pero I changed. Simula ng mangyari ang mga hindi maganda sa buhay ko.
Ayoko sa kanya dati kasi bukod sa Bilog nyang mukha noong bata e ang Cute cute nya. I was once a bitch even though Im still young. But because of her nagbago ako.
And Im so thankful to have her.
Nawala ako sa malalim na pag iisip ng pabalang na bumukas ang pinto dahil para maagaw ang atensyon naming lahat. And there he is. Yung akala ko mabait na lalaki pero isang HAYOP palang nagkatawang tao.
Antipatiko, Mayabang at kung ano ano pa. Ngayon pinagsisisihan ko na na nagpalinlang ako sa maamo nyang mukha at galing kanina.
Napairap nalang ako ng maalala ko ang sinabi nya kanina.
Nang pinuri ko sya. "Alam mo Miss. Kung magpapapansin ka? Im very sorry. Di kagaya mo ang type ko." Sabi nya sabay lagay ng earphones sa tenga.
And that made me realize, HAYOP sya.
Nang umupo na sya sa tabi ko ay automatic na napairap ako. I swear. Pagsisisihan ko talagang sya ang naging katabi for this whole sem.
[ ◇ ]
To be Cont...