"Hon halika na dito. Kanina ka pa hinihintay ni Robbie." Pagtawag sa akin ng napakaganda kong asawa. Sinilip ko sila sa sala ni Robbie, our only daughter. Ang ganda talaga ng mag-ina ko.
Sa bagay, tapos na rin pala akong maghugas ng mga hugasing plato kaya nagtago ako sa may likod ng sofa at ginulat ko ang mag-ina ko.
"Bulaga!" Panggugulat ko at napayakap sila sa isa't isa kaya natawa ako. Ang cute nilang tignan. Sayang nga lang at di ko napicturan.
Ngayon ko lang sila nakasama ng ganito kaya kahit masakit matanggalan ng trabaho, narealize ko na baka sinadya to ni Lord para maappreciate ko sila at mapagtoonan ng pansin.
"Daddy!" Sigaw ng 5 years old kong anak sabay pakarga sa akin. Binuhat ko naman siya at umupo nako sa tabi ni Bridgette, ang aking napaka ganda, napaka sexy, at napaka mapagmahal kong asawa. Jackpot ako dito!
"Hay salamat naman Hon at nagkatime kana samin." Sabay sandal nito sa balikat ko habang si Robbie naman ay nakakandong sa akin. Napangiti nalang ako at hinalikan ko ang ulo niya.
Kasalukuyan kaming nanonood ng daily morning cartoon shows sa channel 3 dahil gusto raw ito ni Robbie. 1st time niya akong makasama ng ganito kaya masaya siya. Di lang niya alam na nag-iisip na ako kung paano sila bubuhayin ng mama niya lalo na't pareho kaming walang trabaho ni Bridgette.
Natigil ako sa pag-iisip ng malalim at pamo-mroblema ng biglang nagcommercial at lumabas ang requirements para sa mga aspiring na sumali The Famous House of Rodericka o mas kilala sa tawag na TFHOR.
"Hon? Eh kung sumali kaya ako? Di biro ang 25,000 a month sa loob ng limang taon. Malaki-laki na rin yun at pwede na nating ipangtustos kay Robbie." ani Bridgette. Napaisip rin ako. Pero ayaw kong sumali siya dun no. Madiscover pa asawa ko.
"Hon, ako nalang. Mas kailangan ka ni Robbie." Sabi ko sakanya. Syempre part na yun, pero ayaw ko talagang sumali siya doon. Di namin namalayan na nakikinig na pala si Robbie sa amin.
"Daddy iiwan mo ba kami ni Mommy?" Malungkot na tanong ni Robbie. Nalungkot rin ako sa itsura niya pero para naman sakanya at sa mama niya ito.
"Di pa naman sigurado, Anak." wika ko dahil wala naman kasiguraduhan kung matatanggap ba ako roon. Niyakap lamang ako ni Robbie at ni Bridgette.
"Hon, tayo kayang dalawa ang magsend ng audition? Para mas may chance na makapasok ang isa satin." Ani Bridgette.
"Di pwede hon. Paano kung pareho tayong makuha? Paano si Robbie?" Pagtatanong ko sakanya.
"Sige hon, ikaw na nga sumali. Ako na magaalaga kay Robbie kung sakali. Alam ko naman na ayaw mo lang madiscover ang kagandahan ng misis mo eh. *sabay tawa* Try mo magaudition. Wala namang mawawala e. Wala namang masama kung susubukan mo." Sabi niya sabay halik niya sa pisngi ko. Hinalikan ko rin ang pisngi niya at hinatid ko na si Robbie sa school.
Kinagabihan, habang tinuturuan ni Bridgette si Robbie sa homeworks, naisipan kong gawin na ang audition video na isesend sa site ng TFHOR. Rineady ko ang cellphone ko at nagsimula nako.
"Hello, ako po si Roberto Diaz, 30 years old, kasal na at may isang anak na babae. Dati po akong vocalist sa bandang Peripeteia at syempre, ako po at tubong pinoy. Ang talent ko po ay pagkanta at pagdrums pero kakanta lang po ako ngayon."
Pagkasabi ko nito ay kinanta ko ang I Don't Wanna Miss A Thing by Aerosmith. Pagkatapos..
"Gusto ko pong makapasok sa The Famous House of Rodericka para mabuhay ko po ang pamilya ko ng maayos at maging kuya sa lahat ng ibang makakasali. Yun lang po. Maraming salamat." Pagkasabi ko nito ay pinatay ko na ang pagkakarecord ng video at sinend ito sa site ng TFHOR.
Good luck sa akin. Para sainyo to, Bridgette at Robbie..
• Piolo Pascual as Roberto Diaz. (Photo not mine | credits to the owner)•
Kyleng's note:
Sorry for super late na update. Keep reading fellas 🙌🤗
BINABASA MO ANG
TFHOR: The Famous House of Rodericka (On going)
Mystery / ThrillerThis is not your common reality show. Will you survive?