"Bukas 5pm yung start ng practice guys, okay?" wika ni Louie, ang band vocalist namin. Nagpre-prepare kasi kami para sa nalalapit na Battle of the Bands.
"Baka ma-late ako. May laboratory kami bukas hanggang 4:30 yun. Biyahe ko 40 minutes to 1 hour." sagot naman ni Becka.
"Ako din. Kaklase ko si Becka." singit ni Peter.
"Syempre ako din. Classmate niyo rin ako guys hello??" Sabi ko sabay wagayway ng kamay ko sa mukha ni Peter at Becka. Mga to. Magpapaalam na nga lang di pako sinali.
"So that means kaming dalawa lang ni Drake yung pwede ng 5pm? Uhm, sige aayusin nalang namin yung studio para pagkarating niyo all set na tapos magstart na tayo agad. Deal?" kalmadong wika ni Louie.
"Payag ako. Basta babayaran niyo kami ni Louie ha? Kahit pagdala niyo lang kami ng banana cue or kahit anong meryenda." pabirong sabi naman ni Drake habang busy sa paglalaro ng rubik's cube. Natawa na lamang kami sa sagot niya at pare pareho kaming pumayag sa desisyon ni Louie.
Busy ako sa pagoorganize ng mga song sheets. Si Becka naman ay nagpapalaman ng mga tinapay para sa meryenda namin. Si Drake ay nilalaro padin ang Rubik's cube niya. Si Peter ay nakaupo sa sulok habang nagbabasa ng text book niya. Ang sipag talaga nito. At si Louie? Teka. Nasaan nga ba si Louie?
"Uy!" panggugulat ni Louie sakin.
"Ay kabayong kulay pink!" reaksiyon ko. Nang makita kong si Louie iyon ay hinampas ko siya ng songbook na kakatapos ko lang ayusin. Natawa lang siya sakin.
"Kabayong kulay pink pa more." Sabi niya habang tumatawa pa rin.
"Eh kasi naman diba. Nananahimik yung tao tapos manggugulat ka diyan." Sabi ko sabay irap sa kanya. Nilapag ko narin ang songbook sa songbook stand.
"Woah. Bat ka ba galit? Palagay mo kung ginulat kita ng nakaharap ka magugulat kapa?" pilosopong tanong niya. Tinignan ko lang siya ng masama at inirapan ulit. Kasabay nun ay tinalikuran ko siya.
"Chill ka lang Blaise. Nakita ko lang kasi na ang haba ng leeg mo. Para kang may hinahanap. Tell me, ako ba yun? Crush moko no?" nangiinis na tanong niya sa akin. Dahil sa pagkagulat ay napaharap ulit ako sakanya.
"Hindi no. Assumero." Sabi ko at iniwan ko siya sa pwesto niya at lumapit ako sa tatlong busy sa kanya kanyang ginagawa.
Pagkaupo ko sa tabi ni Drake ay itinaas ko ang paa ko sa lamesa. Yup. Normal lang to samin. Nakataas din naman paa niya e.
Inabutan ako ni Becka ng peanut butter sandwich. Kaya mahal namin si Becka e. Parang siya yung Nanay/Ate namin dito. Siya yung nagpapakain samin. Siya yung humaharap kapag may gusto kumausap sa band and stuffs. Matured siya magisip, parang si Peter. Pero kapag naman kasiyahan, di naman sila KJ.
"Blaise alam mo di naman masama kung aa- AAAH!" andito nanaman tong Assumerong to. Di niya na natuloy ang sinasabi niya dahil sinubo ko sakanya ang natitirang peanut butter sandwich ko para manahimik siya. Pagkatapos kumuha ako ng bago. Gutom pako e. Bakit ba.
Magsasalita pa sana si Louie ng malunok na niya yung peanut butter sandwich pero nagsalita na si Becka.
"Guys may dare ako sainyo. Pangkatuwaan lang. Nasabi ko nadin to kay Peter." Wika ni Becka at ngumiti ng nakakaloko kaya nakuha niya ang atensyon naming lahat.
BINABASA MO ANG
TFHOR: The Famous House of Rodericka (On going)
Mystery / ThrillerThis is not your common reality show. Will you survive?