AFLW 28: The Royalties

711 35 3
                                    

AFLW 28: The Royalties

****

Prinsesa Yuki POV

Dalawang araw lamang na paghahanda ay nilisan na namin ang pagkatapos. Kasama namin ni Prinsipe Daiki ang mga kapwa ko pagpipilian at maging si Prinsipe Daisuke. Ang aming pangkat ay pawang mga magmula sa may mga mataas na antas ng lipunan. Mahigpit ang siguridad pag-alis pa lamang namin sa Palasyo. Hindi nais ng Mahal na Emperador na may masamang mangyari sa amin. Kapag lumabas ang balita na sama-sama kaming tutungo ng Pilipinas ay tiyak na maraming masasamang loob ang pagtatangka na kami ay pag-isapang gawan ng masama.

Ang ipinaalam sa lahat ay bahagi lang gagawing pagpipili ang aming pag-alis. Upang mabigyan ng pagkakataon ang Prinsipeng Tagapagmana na kami ay makilala ng lubusan. Malayo sa mga mata ng konseho at hindi saklaw ng mahigpit na batas ng Palasyo. At ang Pilipinas ang nakikita ng lahat na pinakamainam na lugar sapagkat hindi man ito about ng batas ng Palasyo ay saklaw pa rin ito ng Imperyo. Ang isang pook kung saan nasa ilalim ng pamamahala ng aming Kaharian. Sa kadahilanang iyon ay makakatiyak ang Imperyo sa aming kaligtasan.

Pagdating sa bukana ng siyudad ay makikita ang maraming taong naka-abang sa aming pagdaan. Ang aking inaasahan na agad makapagpalit ng damit kung saan ako sanay ay hindi nangyari. Hanggang makarating ng paliparan ay nananatiling kaming nakagayak ayon sa aming katayuan. At maging sa paliparan ay marami ring nakaabang, umaasang kami ay masilayan kahit mula sa malayo.

Batid kung marami sa kanila ang nangangarap maging bahagi ng aming kinalalagyan. Subalit kung ako ay mayroon lamang higit na kalayaang mamili, kagaya ng sa kanila ay hindi ko nanaisin na mapabilang sa kung nasaan ako ngayon. Buong akala nila ay kaligayahan ang katumbas ng pagiging isang babaeng pagpipilian. Maaaring ikaw ang maging pinakamapangyarihang babae sa buong Imperyo, dadanasin mo ang karangyaang higit kanino man. Subalit magiging walang saysay ang lahat kung ang iyong puso ay rito nabibilang. At ang maging kapalit ng lahat ay kahungkagan at kalungkutan. Kaya nararapat lamang na pag-isipang mabuti ating nais pangarapin. Tiyakin natin ang ating nais marating, ang ating pinangarap ay pagdudulot sa akin ng tuwa at ligaya. Na sa ating pag-abot sa tagumpay ay wala tayong pagsisisihan at walang babagabag sa ating kalooban.

Isang pribadong sasakyang panghimpapawid ang magtatahid sa amin sa bansang itinuturing kung tahanan. Kahit wala na kami sa Palasyo ay nananatiling itinuturing kaming nakakahigit. At maging ang aming mga bantay ay mistulang mga tuod na naka-upo at walang kakilos-kilos habang naglulumikot ang mga mata. Lihim akong napabuntunghininga. Kanina ko pa ninanais na pakalawan ang aking sarili na aking itinayo habang nasa loob ng Palasyo. Nais kung maranasan uli bilang ako, si Shandra Bethany Davies at hindi bilang si Prinsesa Yuki. Subalit hindi ko nais na mag-alala sina Shuji at Yoshie kaya tiniis ko na lamang.

Pagdating sa paliparan ng Pilipinas ay sinalubong din kami ng mahigpit na seguridad mula sa mga kawal na nakatalaga sa Royal House. Pinamumunuan ni Zander o mas tamang sabihin ni Heneral Rin, ang pagsusundo sa amin. Sa aking palagay ay mananatili siyang ang kapita-pitagang Heneral hangga't naririto kami sa bansa. Una niyang binati ang dalawang Prinsipe bago bumaling sa akin. Ang kanyang simpleng pagyuko tanda ng pagbati ay aking sinalubong ng mainit na yakap.

"It feels good to be back." Ang aking bulong habang nakapaloob sa kanyang mga bisig.

"I know. And I understand." Sagot niya sa mahinang tinig na sinundan ng pagtawa.

Ng bumitaw ako sa kanyang yakap ay hinarap niya ang mga Binibining aming kasama upang batiin. Mababakas naman ang tuwa sa mukha ni Shuji ng makita ang hinahangaang Heneral. Maging sina Pinunong Kizu at Pinunong Hitane ay natutuwa ding makita muli ang kagalang-galang na Heneral. Pagkatapos magbigay ng mga paalala sa mga kawal ay lumakad na kami palabas ng paliparan.

A Fairy Tale Like WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon