PAKYU

143 6 3
                                    

PAKYU

Nakakatawang maalala nung una tayong magkausap sabihin mo mang korni ako dahil kahit anong gawin mo laptrip talaga yung una ehh

Naglalakad kasi ako nun sa kalsada, nagulat ako ng biglang may humatak sa bag ko akala ko magnanakaw kaya tinadyakan ko pero bigla kang nagsalita

“tinutulungan ka na nga lang sa bag mo mananadyak ka pa”

Yan yung mga salitang sinabi mo at nung lumingon ako ikaw lang pala, ikaw lang yung lalaking crush ko na di ko man lang alam ang pangalan, syempre kinikilig ako sino baa ng hindi kung ang crush mo ay nasa harap mo na pero syempre dapat di ipahalata

Nagkwentuhan tayo, nilibre mo pa nga ako ng fishball ehh kaso biglang umulan at nagsalita ka

“tara ligo tayo sa ulan”

Dahil inaya mo ako syempre naligo na rin ako sa ulan at dahil dun nagka trangkaso ako at ilang araw na pumasok pero pumunta ka sa bahay naming at sinabi mo

“uyy sorry kasalanan ko to ehh kung di kit asana inaya maligo sa ulan di ka magkakatrangkaso oh eto bulaklak”

Inabot mo sakin yung bulaklak at kinilig ako kkitams kahit may sakit ako napapakilig nya ako, tinanong ko yung pangalan mo tas sinagot mo naman

“Felix”

Nagulat naman ako nung pagpasok ko ay classmate na pala kita at seatmate pa diba happiness?

“Janine! Pakopya”

Sabi mo sakin lumapit ka as in sobrang lapit at eto na naman si heart  tumatalbog talbog at alam ko sa mga oras na to nahuhulog na ang loob ko sayo

“Janine! Hatid na kita”

Hinatid mo ko at di ko alam kung ano ang nakain mo kaya simula nun hatid sundo mo na ako

“Janine girlfriend ko”

Yung pinakilala mo sakin ang girlfriend mo parang gumuho ang mundo ko ewan ko kung bakit pero nung mga oras nay un parang gusto ko na maglaho sa mundo, nasasaktan ako

Simula nun lumayo ako sayo, para makalimot para maka move on at lagi mo kong tinetext pero di ako nagrereply

Isang araw nalaman ko na lang na break na kayo ng girlfriend mo syempre umasa uli yung puso ko na mapansin mo ako di bilang kaibgan

Nagopen ako ng Fb ko at nag message ka sakin

“I love you”

Tatlong salita lang pero anlakas ng impact sa Sistema ko pero kusang gumalaw yung mga kamay ko at tingnan moo nga naman kung ano ang na type ko

“PAKYU”

Nagreply ka

“Bakit? Ganyan kaba kagalit? Anong mali? Aayusin ko… seryoso ako sayo nangonchaba pa nga akko ng iba para pagselosin ka pero parang wala lang sayo ehh”

“andrama mo felix sabi ko PAKYU as in PAKasal na taYU”

The END

PAKYUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon