1:43

4.8K 258 114
                                    

To those who like cheesy cliches, this one's for you. Belated Merry Christmas & Advance Happy New Year!

1:43 

 

June

Habang naglelecture ako napatingin ako sa gilid ng desk ko at nakita ko yung kamay ng seatmate kong si Gian na may pinapatong na maliit na papel na nakatupi. Tinignan ko yung kamay niya at tinignan ko siya. Umayos siya ng upo at tinakpan yung bibig nya gamit yung kanang kamay niya at tinuturo niya naman yung papel na inilagay niya sa desk ko gamit yung kaliwa niyang kamay.

"Basahin mo." Bulong niya.

Tinignan ko siya ng masama. Walang kwentang bagay nanaman 'to, sigurado. Lagi naman. "Ayoko." Sabi ko sakanya at dumila. Binalik ko yung tingin ko sa notebook ko. 

"Pst." Narinig kong bulong niya.

"Concentrate ka lang Gail." Bulong ko sa sarili ko.

"Pst." 

Bwiset talaga kahit kelan. Kinuha ko yung papel at binuksan ko. May nakita akong nakasulat don. Ang panget talaga nang sulat niya kahit kelan.

1:43 na. 

Tinignan ko yung orasan, 1:43 na nga. Pero ano naman? Tinignan ko siya at nagmake face ako. Nilukot ko yung papel at tinapon sakanya.

                                                            --x

July 

Naririnig kong nagvivibrate yung phone ko sa gilid ng kama ko. Sino naman kaya yung tumatawag ngayong hating gabi. Kinapa kapa ko yung phone ko at pag tingin ko sa screen, nakita ko yung pangalan ni Gian. Ugh.

“Ano?!”

“1:43 am na.” Sabi niya sakin, at mukang masaya pa siya.

Tinignan ko yung alarm clock ko sa gilid at nakita kong 1:45 na. “1:45 na bugok.” Sabi ko sakanya at pinatayan ko siya ng phone. Hinagis ko yung phone ko at pilit kong pumikit. “Kahit kelan talaga Gian.” Tumingin ulit ako sa orasan at bumangon. “AH! Nawala tuloy antok ko!”

Simula pasukan namin, lagi niya akong tinatawag o kaya nagpapansin siya sakin tuwing 1:43 para paalala sakin na 1:43 na. Mapa 1:43 pm o 1:43 am. Ano bang problema niya sa oras na yan?

                                                            --x

 

August

“Gail! 1:43!” Sigaw niya.

Tumingala ako at nakita ko siyang kumakaway sakin muka sa 3rd floor, sa room namin. “Siraulo ka! Ang panget mo!” Sabi ko sakanya.

“Gail, 1:43!” Sumigaw ulit siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

1:43Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon