Kasama ko siya ngayon, ang taong nagpapasaya sa akin, ang taong laging nandiyan para protektahan ako at ang taong una at huli kong mamahalin."Maging masaya ka ah."
Sa simpleng pagkakasabi niya ng mga salitang iyon ay ang unti unting pagkakadurog naman ng aking puso.
"Kaya nga tayo nandito diba? Sabay tayong magwi wish, Iwi-wish natin ang paggaling mo. Iwi-wish din natin yung relationship natin tapos yung kasiyahan natin at saka..."
Pinilit kong itago ang mga hikbi ko na kanina pa gustong lumabas. Nagtagumpay naman ito, kasabay ang mga luhang patuloy na sa pag agos. Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin ang kaisa isang lalaki minahal ko noon pa man, ang tanging lalaki na bumuo sa pagkatao ko, ang nagtiyaga , umunawa at nagprotekta sa akin ng mahabang panahon.
"Shhh. Tahan na."
Niyakap niya rin ako habang pinapatahan niya ako sa pag iyak. Hindi ko lubos maisip na napaka swerte ko na nagkaroon ako ng lalaking hinding hindi ako susukuan.
Pero sa buhay nga naman ay hindi lang puro swerte. Nandiyan din ang malas, saya, lungkot, pagkabigo at sakit na ngayon ay pinapadama sa akin.
Ang mga pangyayaring sakit sa damdamin ang bunga, ngunit kailangan nating tanggapin.
Masakit? Oo sobra. Masakit tanggapin ang katotohanang iiwan na ako ng kaisa isang lalaking minahal ko.
Siya na nag aruga sa akin, siya na nagprotekta sa akin at siya nagmamahal sa akin na dapat ay una kong naranasan sa aking mga magulang.
Ulila na ako noon pa man. Maagang namulat sa trabaho at reyalidad ng buhay. Mag isang sinisikap na malampasan ang mga unos sa buhay hanggang sa dumating ang lalaking ito na siyang tumulong sa akin para maging matagumpay sa buhay.
"Chef Elisse, ikaw ang magluluto ng pagkain nila mommy sa pasko ah. Doon ka na rin tumira pansamantala. Pasensiya ka na kung iiwan ko sayo lahat ng babayaran pa sa bahay na pinatatayo natin sa Cavite. Mahal na mahal kita kaya wag mong pababayaan ang sarili mo at ..."
Hindi ko na itinuloy ang mga sasabihin niya, ayoko ng marinig ang kahit anong gusto niyang sabihin na ikadudurog lang ng aking puso.
Sabay naming dinarama ang hampas ng alon ng dagat sa aming mga paa habang dinarama rin ang pag galaw ng kusa ng aming mga labi. Pagkatapos noon ay sabay kaming bumitaw at nagbabawi ng hininga. Ngumiti kami sa isa't isa na parang walang iniindang problema.
Naglalakad lakad kami at napahinto na lang kami sa isang bahagi ng dalampasigan kung saan kitang kita ang mga bituin sa langit at ang bilog na bilog na buwan. Umupo kami sa dalampasigan habang patuloy na pinagmamasdan ang ganda ng paligid, sinandal ko naman ang aking ulo sa balikat ni Tyler. Hanggang ngayon pa rin talaga ay hindi ko lubos maisip kung bakit mawawala na sa amin si Tyler.
May sakit siya, brain tumor. Masyado na raw malala kaya binigyan na lang siya ng ilang linggo ng doctor. Ayoko mang maniwala ngunit maski ako ay nakikita ko kung paano nahihirapan si Tyler oras oras. Pero kahit ano pa man ang mangyari sa kanya, Hindi ko siya pababayaan at hindi ko siya iiwan kahit may mga pagkataon na pinapaalis na niya ako sa buhay niya. Kahit masakit ang ginagawa niya sa akin at kahit alam kong masakit din iyon pa sa kanya ay handa kong ibigay ang oras ko, maalagaan lang siya.
Hindi pa nga iyon sapat para mapakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano siya kaimportante sa akin.
"Elisse."
"Hmm?"
Dinig na dinig ko ang lungkot sa mga boses ni Tyler. Kahit itago pa niya iyon sa akin ay alam na alam kong nahihirapan siya at pati ako ay nasasaktan dahil sa mga pagsisikap na patuloy pa rin niyang ibinibigay.
BINABASA MO ANG
11:11
Short Story"Saktong 11:11 na pala ng gabi, ang oras ng paglisan at pag iwan niya sakin." -Ellise