Chapy 23: Blinded

47 3 0
                                    

(((Charm's POV)))

Patuloy na nagtatarayan yung apat habang kami ni Kendra ay tingin lang ng tingin kung sino ang magsasalita.

"Kaya namin sya tinanong kanina kung marunong sya mag-billiard ay dahil nakita namin sya sa bilyaran na pinupuntahan namin" sabi ni Sam.

"Yung bilyaran na binanggit namin kanina, dun namin sya nakitang may kasamang ibang babae, hindi lang magkasama, magkayakap at nag-aamuyan pa ng balikat" dagdag pa ni Aris.

"Hind.... " Hindi natapos ni Keira ang sasabihin nya ng putulin sya ni Sam.

"Hindi ka maniniwala samin ng walang proof, alam namin yun kaya kumuha kami ng proof!" Sabat nya saka inabot kay Kei ang phone nya, kami naman ni Ken ay naki tingin na rin.

It's a photo taken obviously sa isang bilyaran, daming mesa ng billiards, eh, at may dalawang taong magkayakap, sa ibang photos naman naghahalikan pa sila at naglalandian, medyo malapit yung kuha at hindi malabo kaya nang mahawakan ko yung phone, napansin ko agad na si Clark yun kasama ang isang babaeng parang taga Mariana rin, hindi ko lang sure kung same kami ng college. Magsasalita na sana ko ng magsalita si Kei,

"That's obviously not him!" Sabi nya na kinagulat namin ni Ken, aalis na sana ulit sya ng magsalita si Sky.

"Ganyan pala magmahal ang isang paasa noh, nagiging bulag masyado sa katotohanan!" He said in a cold way,

"I'm not blind, I just trust him" pagtataray nya.

"Then I guess you trusted the wrong one" sabi ulit ni Sky, pero hindi na yun pinansin ni Kei sa halip ay dumiretso na sya paakyat.

Kanina pa lang naghihinala na ko sa mga tanungan ng tatlong to kay Clark, parang may mali, kaya naman pala.

"Kelan nyo sila nakita?" Tanong ni Ken ng ibalik nya ang phone ni Sam.

"Last week" maiksing tugon ng pinsan nya.

"Bakit naman hindi nyo sinabi agad?" Tanong ko.

"Ayaw sana namin maki-alam, kaso mukhang nilamon na ng sistema ng pagmamahal o tiwala si Keira" sabat naman ni Aris.

Napa-upo na lang kami at natahimik. Pare-pareho naming pinoprocess sa mga utak namin ang bawat pangyayare. Pano ba naman kasi, kanina lang masaya kaming nagkukuwentuhan tapos biglang may ganitong mangyayare?!

"Sinasabi ko na nga bang mangyayare to, kaya ayoko na sana ipaalam yung nakita namin" sabi ni Sky kaya napatingin kami sa kanya.

"No, this is much better, para hindi na tuluyang malamon ng kung ano ang utak ni Kei!" Sabi ko naman sa kanya.

Alam ko namang ayaw lang ng gulo nitong si Sky kaya nya gustong manahimik na lang.

"Sa palagay ko, kailangan na naming umuwi" sabi naman ni Sam.

"Hatid na namin kayo sa labas" sabi naman ni Ken kaya hinatid namin sila sa may gate.

Nang makaalis na sila dumiretso kami sa room ni Ken.

"Naniniwala ka ba sa nakita natin sa phone ni Sam?" Tanong ni Ken ng maka-upo sya sa kama nya. "Hindi kaya edited yun?"

Tumabi ako sa kanya bago sya sagutin "I believe that pictures can lie" pag-uumpisa ko "Pero bakit naman gagawa ng kuwento yung tatlo? Ano namang mapapala nila diba?" Pagpapatuloy ko na tinanguan nya.

"So kung totoo yung pictures, bakit sure na sure si Kei na hindi si Clark yun?" Medyo naguguluhan nyang tanong sakin.

"Ken, can't you see? Keira has been blinded because of her so called love for that cheater and lier named Clark!"

"Sa bagay, pero dati naman sabi nya play mate nya lang si Clark, does that means, sineseryoso nya na si Clark?" Tanong nya na naman, lintik tong kausap ko, masyadong mabagal magloading nakakainis.

"Mukha naman, hindi pa natin nakitang naging ganyan si Kei over a man" sabi ko saka sumandal sa head board ng kama nya at huminga ng malalim. "Hay naku, wag lang talaga maka balik balik yung Clark na yun dito, dahil kung hindi, babalatan ko sya ng buhay" banta ko.

"Pero friend, do you really think that Clark can do such thing?" Tanong nya, naku porket bet na bet nya si Clark para kay Kei.

"Of course, nagawa na nga nya, eh!"

"Charms kasi diba, nakilala naman na din natin si Clark, at mukha namang malinis talaga ang intensyon nya sa kaibigan natin, saka kilala din natin si Kei, and she's right, hindi sya madaling magtiwala, lalo na sa mga lalaki" mahaba nyang paliwanag.

"Alam mo, o sige disregard na natin yung picture na pinakita nila Sam kanina. Kung totoo nga yung intensyon nya sa friendship natin, bakit hihintayin nya pa ang dalawang taon bago sya seryosong manligaw?" Seryoso kong tanong.

"Kasi nga friend gusto nyang mag-focus si Kei sa studies diba?" Pagtatanggol nya.

"Eh, bakit hindi nagkukwento si Clark ng tungkol sa family or relatives nya?" Tanong ko ulit.

"Baka naman hindi nagtatanong si Kei" sagot nya ulit.

"Alam mo ikaw, salawahan ka talaga, san ka ba talagang side?" Irita kong tanong kay Ken, kanina pa kontra ng kontra, eh.

"Actually hindi ko alam, naguguluhan rin ako, parang lahat na lang ng tao may sekretong tinatago!" Inis na rin nyang sabi. "But friend, we both know Kei, just like what she said earlier, she don't trust easily, especially to a man" dagdag nya pang sabi.

Alam ko naman yun, hindi ko lang alam kung anong pinakain ng Clark na yun kay Kei at paniwalang paniwala ito sa kanya!

"You know what, lets just go talk to Kei" sabi ko at dumiretso kami sa room ni Kei.

Nadatnan namin syang nakatayo sa tapat ng bintana at nakatingin sa kawalan.

"Kei?" tawag ko sa kanya, napalingon sya samin pero hindi sya umalis sa kinatatayuan nya.

"Nakausap mo na ba?" tanong naman ni Ken na umupo sa swivel chair ni Kei na nasa tabi lang nito, umiling si Kei at huminga ng malalim.

"His not even answering my calls" mahina nyang sabi,

"Nasan daw ba sya?" tanong ko at umupo sa kama nya na nakatapat sa kanya. "Saka anong emergency ba yung pinuntahan nya?" dagdag ko pa.

"His going to his mom sa Bicol, sabi nya kailangan daw sya ng mom nya, eh" sagot nito. "Sa pasukan pa daw ang balik nila" dagdag nya pa.

"Then that only means, we need to wait for another week just to find the answers to all our questions" buntong hininga kong sabi.

"Eh, yung mga pictures?" tanong ni Ken.

"Hindi ako maniniwala sa kahit anong pictures na galing sa kahit kanino, hanggang hindi ko pa sya nakaka-usap" sabi nya lang,

"Kei, you really trust him that much?" I curiously asked at tango lang ang sinagot ni Kei.

"Well, you know that we always respect your decisions, so if that's the case, we both hope that he won't ruin your trust" sabi naman ni Ken.

I know Kei always knows what she was doing, but when Clark came up to the picture, it turns out that Kei has been distracted and I can clearly see that his not a good influence!

Pero dahil kaibigan ko si Kei, wala na akong magagawa kung hindi ang panuorin syang gumawa ng mga kagagahang bagay, kahit hindi ko gusto, ganun naman kasi ang role ng isang kaibigan, ang damayan ka sa lahat ng gagawin mo maganda man o kagagohang bagay!

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon