KAPILTULO 15

301 0 0
                                    


Kumikinang ang tubig sa dagat nang sumilip ang araw at isaboy ang liwanag sa malayong isla.



Imumulat ng ina ang dalawang mata at mapapansin na wala sa kaniyang tabi ang lalaki. Nakatapis sa kaniyang hubad na katawan ang isang pinatuyong balat ng tigre sa gubat katabi ng dalawang supling na mahimbing pa rin sa pagkakahiga. Ilalapit ni Cassie ang mukha nito sa kaniyang mga kambal at sa pagtataka ay makakapa ang tig-isang peklat na maliit sa mga dibdib ng dalawa niyang sanggol. Hindi niya ito masyadong papansinin bagkos ay magsusuot siya ng mga piling damit at lalabas. Bubuksan nito ang pintuan ng kubo at bababa sa maliit nitong hagdanan upang nakayapak na makapaglakad-lakad sa buhanginang maputi. Ipipikit niya muli ang mga mata at aamuyin ang paligid.

"Isang bagong umaga...", ika ni Cassie sa sarili

Pupuntahan niya ang kanilang ginamit na panggatong sa gilid na may uling-uling pa na nauupos at ang ilang kubyertos pangkain na hindi pa nahuhugasan. Maya-maya ay may maaapakan si Cassie na ilang sulat na letra sa mapinong buhanginan.

PARATING NA ANG ALMUSAL!

Mapapangiti si Cassie at liligunin ang masukal na kagubatan. Mapapahikab ng napakalaki si Cassie at makakaramdam ng pag-init sa pantog. Hahanap siya ng mapagtataguang lugar at dito ay mauupo.

Isang estrangherong mangingisda naman sa kabilang banda ang tumigil sa isang malaking bato ng isla upang makapagpahinga at umihi sa tabi. Itinambay niya muna ang dalang bangka upang makapaligo rin sa malinis na tubig kalaunan. Ilang metro mula sa kubuhan ay tatayo ito sa harapan ng mga damo at iihi. Sa pagtalikod nito ay maiisipan niyang hubarin ang lahat ng damit upang sumisid sa malinaw na tubig ngunit agad niyang mapapansin ang isang babaeng nakaupo.

Walang pang-ibaba... ang likurang bahagi ng babae ay pansin dahil sa kinis at maayos na hubog ng pangangatawan nito. Maaakit ang mangingisdang matangkad at maputi rin. Habang papalapit siya sa nakatalikod na babae ay paminsan-minsan siyang tumitingin sa paligid upang makasigurong walang ibang makakasaksi sa kaniyang masamang balak. Aabutin ng nakahubad na lalaki ang balikat ng isang babaeng nakaupo sa may damuhan hanggang sa parang kidlat na siyang dadakmain ng isa pang nilalang at mahihila sa mas malayong bahagi ng tabing dagat. Ang kaluskos na naganap ay mapapansin ng babaeng umiihi sa likod... lilingon ito at ihahanda ang sarili upang balikan ang mga anak sa kubo.


Ang walang saplot na estranghero ay mapapadpad sa harap ng maliwanag na tubig at takot na takot na kaharap ng isa pang lalaki... si Kier.

"Akala mo hindi ko alam ang ginagawa mo?", banggit ni Kier na noo'y naka-short lamang. May bitbit din siyang mga prutas at kamote na kinuha pa sa masukal na kagubatan at ilalapag ito sa gilid.

"Ba... bakit? Sino ka bang hayop ka... uh?!", tanong ng estranghero habang pilit na isinasara ni Kier ang dalawang kamay nito upang hindi makahulagpos.

"Ako ang kasintahan ng binobosohan mo!", sigaw ni Kier

"Kasintahan???", maangas na sambit ng estranghero kay Kier, "Eh... kasintahan ka pa lang pala ng babayeng iyon eh! Akong akala imo na bana! Makaasta ka parang ikaw lang ang pwedeng tumikim sa kaniya!"

"Eh... Gago ka ah!", mas malakas na banggit ni Kier na magpapagalit pa lalo rito, "Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo!"

"Pweh!", duduraan ng estranghero ang pisngi ng nakatapat sa kaniyang mukha ni Kier, "Hindi ako natatakot sa iyo Gago! Kung gusto mo, magsuntukan na lang tayo! Para malaman natin kung sino ang makakatira sa babaeng iyon mamaya... ano!"

Mas bibilis ang presyon ng dugo ni Kier hanggang sa tuluyang pumiglas sa kaniyang pagkakahawak ang kasintaas at kasing-katawan niyang lalaki at sisipain si Kier sa tiyan.

"Hahaha! Ang hina mo Tsong... Murag bayot ka ba? Hahaha!", mas maangas na sambit ng estranghero hanggang sa lalong magngalit si Kier at mas lumobo pa ang katawan nito. Mag-aastang Manny Pacquiao ang estranghero at susuntukin sa may peklat sa dibdib si Kier, "Wala ka pala eh!"

Mapapatingin sa sariling peklat si Kier at ibabaling ang tingin sa lalaki na nakaharap sa dagat habang si Kier naman ay salungat na dahan-dahang lumalapit sa estranghero. Uungol ng malakas si Kier at mag-iibang anyo. Mauulinigan naman ito ni Cassie sa malayong kubo at magtataka.

AHOOOOH!

"Huh???", sambit ng estranghero sa makikita. Magtataka at aatras sa kalabang lalaki. Tatambad sa kanya ang dambuhalang halimaw... (mahahaba ang pangil, buo-buo ang laway, ang ilong ay patusok, malaking ulo, tengang sampung beses na mas malaki sa tao at ang mga mata ay naninilaw). Dadakmain ng halimaw ang leeg ng estranghero... hihiwain ang gitna ng katawan nito at nang mapasigaw ay sisirain ang mukha upang tumulo ang napakaraming dugo.




HUWAAAAAAAAAGH!

Mula sa labas ng kubo ay kinakabahang mapapalingon sa pinanggalingan ng tunog si Cassie at susubukang sundan ito. Ngunit bigla namang magigising ang dalawang sanggol na kaninang natutulog sa loob ng kanilang higaan at pupuntahan muna ito ng ina upang ihele.

Sobra ang galit na nadama ni Kier kaya nang mag-anyong halimaw ito ay pinatay niya ang walang saplot na lalaki at kinain pati na rin ang lamang-loob nito.

TIGIIIIL!

Malakas na tinig mula sa likuran ng halimaw ang lalantad at pawang armado.

NAPAPALIBUTAN KA NA NAMIN!!! WALA KA NANG LIGTAS... ASOWANG!

GRRRRRRRRH!!! May nginig at galit ang mamumuo sa halimaw at lilingunin ang mga nakapalibot sa kaniya na mula sa dagat. Tatlong malalaking bangka ang dala ng mga pulis ang sakay na may hawak na mga baril at ibang kalasag. Lalantad ang isang babaeng duktor sa malayo at titingnan mula ulo hanggang paa ang halimaw.


"Ang huling asowang sa angkan ng mga Werwo! Sa wakas... nakita ka na rin namin!", sabi ng Special Action Force Commander na walang hawak na mga armas, "Dito ka lang pala nagtatago! Tapos na ang mga maliligayang araw mo... Kriminal!!!"








Mas lalong magagalit ang halimaw na si Kier. Bibitawan nito ang kaninang hawak na biktima at iaangat ang dalawang mahahabang kamay nito upang ihawi at sumugod sa mga nakapaligid sa kaniya. Maya-maya ay sabay-sabay na papuputukan ng baril ito ng ilang pulis hanggang sa mawalan ng malay at unti-unting manumbalik sa pagiging tao. Pupuntahan ng mga pulis ang naging biktima nito at kukumustahin din ang paligid kung may ilan pang masasamang loob.

Ang duguang si Kier naman ay bubuhatin ng ilang SAF at isasako upang isakay sa bangka.


Si Cassie... na noo'y nakarinig ng napakaraming ingay sa lugar ay sinundan ang mga tunog at makikita ang mga abalang tao sa tabing dagat.

"Tek...Teka, ano pong nangyayari?", tanong ni Cassie sa SAF Commander na medyo bata pa

"Binibini...Natagpuan po namin kanina ang isang nagtatagong Asowang dito sa isla. Huwag na po kayong mag-alala at ligtas na po kayo...", sambit ng SAF Commander

"Huh???Eh ang asawa ko??? Ang asawa ko!", lumuluhang sigaw ni Cassie na mapapansin ang isang bangkay ng matangkad at maputing lalaki nawalang damit na wakwak ang dibdib at sira ang mukha. Duguan ito nakatabi ng ilang prutas at kamote na nakukuha pa sa masukal na kagubatan. Lalapitan ito ni Cassie at lalong bubuhos ang emosyon.

HINDIIIIII! HINDIIIIIIIIIII!!! UHHH! HUHUHU!!!! MAHAL KO!!!!








Aalalayan ng mga pulis ang emosyonal na si Cassie habang umiiyak din sa isang nakahandang bangka ang duktor na babae na kasama ng mga pulis at lalapitan na rin ng SAF Commander ang kasintahan ni Kier upang yakapin at pilit na kalmahin.

HINDIIIIIIIIIII!!!




Ning KalibutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon