Where are you?
“Bullshit!”
Hindi ko mapigilan ang galit ko. Mag isa kong kinakausap ang sarili ko sa kotse habang papunta sa bahay nina Mavis. Pabalik nanaman ako. Ilang araw na akong nagbabakasakaling maabutan o makita si MC sa bahay nila, baka sakaling umuwi na siya.
Hindi siya pwedeng mawala ng matagal may trabaho siya. Kahit pa sinabi ni Rosie na nasa probinsya daw si Mavis dahil sa emergency, kelangan niyang bumalik at mag report.“Asan ka ba kasi?!”
Wala din naman siya sa probinsya nila, tumawag ako sa mga magulang niya at tila wala silang alam sa kung anong nangyayari kay Mavis. Nag-alala pa tuloy si Joshua, buti nalang napaniwala ko ang bata na nagbakasyon lang ng hindi nagpaalam ang mama niya.
Bakit ba kasi bigla ka nalang nawala? Naging busy lang ako, hindi ka na nagpaparamdam. Ano ba kasing ginawa sayo ng Matt na iyon?!“Ano ba kasing nagustuhan mo don?! I’m far better than that man!”
Nakarating na ako sa bahay ni Mavis, ngunit wala pa ring tao. Asan ba siya? Lahat na ng lugar na alam kong pwede niyang puntahan ay pinuntahan ko na, lahat ng tao na alam kong malapit sakanya hindi alam kung asan siya.
Mavis please come home.
*ring ring*
Kinuha ko ang phone sa bulsa ko, baka trabaho nanaman ito. Hindi kasi ako pumunta sa studio ngayon.
Speaking of the…
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pangalan ng tumatawag sa screen ng phone ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at agad ko itong sinagot.
“MC! Hello MC! Where are you? How are you? Are you crazy? Why didn’t you even tell me where you went?! I’m worried sick about you!”
I’m breathing heavily. I’m scared of what I’ll hear.
“Woah. Calm down Jad. I’m fine, I’m safe. Huwag mo akong alalahanin.”
“How can I calm down?! Tell me what happened?!”
“Oh kalma. Nanginginig ka nanaman.”
“Ha? How did you…”
I felt a warm breeze touched my shoulders.
I turned around and to my surprise its Mavis, smiling happily.“Mavis!”
I dropped my phone and hugged her tightly as if she could never go away.
I felt happy, relieved. She’s safe. She’s here.“J-Jad, hindi ako makahinga.”
I immediately released her from my arms. I’m so happy to see her!
“Anong itsura yan? Ano ka ba, para naman akong taong nawala. Isang lingo lang ako nawala no.”
No. You don’t get it. I promised to myself, I would never let you go.
“Oy! Remove that worried look on your face. Heto na ako oh? Ano ka ba. Come on, smile!”, she continued.
“It’s just… I was really worried. I thought you’re gone. I thought you’ll not come back. I thought-”
Tinakpan ni Mavis ng kanang kamay niya ang bibig ko.
“Shh. Ano ka ba, pwede ba naman iyon? Ano ba naman kasing pinag-aalala mo? Dati naman pag umaalis ako kahit di ako nagsasabi kung saan ako pumunta, hindi ka naman ganyan ka-alala? Anong meron sayo?”
Mavis is smiling broadly. Hindi mo mapapansin na may pinagdadaanan siya. Tss, kahit kelan talaga sinasarili mo nalang lahat ng problema mo.
I hugged her again, closer than ever before. I want her to feel she’s not alone, I want her to feel she can depend on me.

BINABASA MO ANG
Somewhat how it Ended is where it all Began
Fiksi RemajaIn life when everything is in to place, people tend to wish that it would last, that it would be forever. In hopes of reaching forever people will do anything especially when it comes to fulfilling a dream and finding true love. And when everything...