1

62 2 0
                                    

"Hey Jean? That's it? It's over again?", tanong ni Rina sa akin habang naguguluhan. Tsk, di na siya nasanay sa akin.

"Yes! So what? Ganyan naman sila expected ko na 'yan, magiging boyfriend ko sila tapos at the end iiwan din nila ako. Bessy di ka na nagtaka?", sabay irap sa kaniya. Nakakainis naman kasi ayaw ko na talagang ikwento sa kaniya at ayaw ko na talagang ipahalatang nasaktan na naman ako at nagpaloko na naman to the nth times.

"Sinabihan na kita before di ba? I told you, di ka talaga mahal n'un, ang hirap kasi sa iyo, hinihintay mo na siya pang makipagkalas sa'yo. What a martyr!", ayan na naman siya, tsk, di naman talaga ako martyr ayaw ko lang na ako ung nag iinsist ng break up.. Nakakairita talaga 'yang bessy ko na iyan.

"Enough bessy! I know, I know, I lose again... Fine, from now on, hindi na ako magpapaligaw kahit kanino, not anymore", sabi ko na lang sa kaniya para tumigil na siya.

"I bet na magagawa mo ang bagay na 'yan. Hindi ko naman sinasabi na bawal kang magkaboyfriend, ang akin lang pumili ka naman 'yun talagang seseryosohin ka", ano ba naman yang si Rina, sinabi ko na ngang hindi na lang ako magboboyfriend para wala na siyang masabi. Putak naman siya nang putak. Goodness! Pero I love my bessy, galit man 'yan sa akin dahil ayaw niyang nasasaktan talaga ako. Btw, ako nga pala si Jeanelle Lucas, ang babaeng laging niloloko ng mga lalake at nagpapaloko naman. Sa ilang beses ba naman akong nasaktan, sanay na ako na isang araw iiwan nila ako.

"Hey, are you listening to me?", sabi ni Rina na nakapagbalik sa akin sa aking guni-guni.

"Yeah, I know it already", sabi ko na lang kahit hindi ko masyadong naintindihan iba pa niyang pinagsasabi.

"bessy, ayaw kitang nasasaktan kaya ganito ako sa 'yo kaya please lang makinig ka sa akin, just this time", biglang kalmadong sabi ni Rina sa akin, kanina kasi parang high blood na siya kaya naririndi ako sa kaniya.

"Bessy, alam ko naman 'yan pero don't worry right this day, hihingi na ako ng konsulta sa iyo.", shunga kasi ako pagdating sa pagpili ng lalake, kung sinabihan lang ako na mahal niya ako agad naman akong naniniwala. Wala,e ganun talaga pag gustong magkapag ibig, bigla-bigla na lang akong nahuhulog sa mga lalake este maling lalake

-cellphone ringtone of Rina-

"Hello?", tinitingnan ko siya habang may kausap. "Sige, I'll be there"

"Bessy, I have to go now", sabi ni Rina pagkatapos kinuha niya ung bag niya. tumayo na lang ako at hindi na nagtanong. Pag ganyan kasing bigla-bigla siyang aalis, boyfriend niya na 'yun. "Ok, bessy", lumabas na kami ng kwarto at hinatid ko na sya sa door ng condo unit ko.

Nagbeso-beso na lang siya sa akin "Bye, bessy, call kita later when I got home. Hindi pa tayo tapos", she piercingly eyed me. Tango na lang naging tugon ko, pumasok na at nagwave na lang ako. Wala na rin kasi akong gana, kanina ko pa talagang gustong umiyak pero di ko kayang umiyak na naman sa harap ng bestfriend ko, papagalitan niya lang ako. Pagkasakay niya ng elevaror, dumiretso agad ako sa kwarto ko at naglock. Pagkabagsak ko sa aking kama, umiyak ako ng umiyak, ang sakit, ang sakit talaga ng ginawa niya. Sariwa pa rin sa akin 'yung mga nangyari.

UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon