2017. tapos na.

20 0 0
                                    

RPR — poems about you
TAPOS NA
by thegreenmist

Tapos na ako rito.
Nangako na ako sa sarili ko.
Hindi ko na pwedeng ulitin to.
Alam ko na ang ending nito.

Tapos na ako rito.
Tama na yung isang beses.
Hindi ko na kakayanin ang pangalawa.
Masasaktan lang ulit ako.

Tapos na ako rito.
Pero bakit iba ang sinasabi ng mga puso ko?
Hindi ko na dapat gawin ito.
Pero para sayo, sige kahit isang beses pa.

Tapos na ako rito.
Oo na, tanga na kung tanga.
Oo na, hindi na ako natuto.
Pero baka kasi hindi pa ako tapos rito.

Young and InsaneWhere stories live. Discover now