Paalam (One-Shot Sad Story)

3.7K 62 13
                                    

 Play the vid and listen to the music. Read on.  

*                       *                         *                         *                         *                          *

Hindi ko alam kung bakit ganito ako. Puro kasinungalingan ang sinasabi ko, puro pagpapanggap ang ginagawa ko. Hindi ko kasi kayang panindigan.

Kung gusto rin ba kita, may mangyayari ba? 

Ang sinabi ng bibig ko, magkaibigan lang tayo. 

Pero ang sinasabi ng puso ko, magkaibigan tayo at ayaw kong lumagpas pa don.

"Kasi wala akong gusto sayo." ang sabi ko pa. 

Ang sabi naman ng puso ay "Kasi walang pag-asa..." 

Hindi ko naman alam kung ano talaga ang gusto mo...

Hindi ko rin alam kung anong gusto ko... 

Nalilito ako. 

Naguguluhan.

Sabi mo, "tanggap ko na." 

Pero ako... hindi ko tanggap. 

Ayaw kong mawalan.

Ayaw kong magsisi.

Pero ayaw ko ring maging makasarili. Kung sa pag-iwan mo saakin ka magiging masaya, tanggap ko na. Hindi ko inisip ang sarili ko at kasiyahan mo lang naman ang hinangad ko, simula pa lang.

"Iiwasan muna kita..." sabi mo pa. 

Gusto kitang pigilan. Pero bakit ko yun gagawin? Ako ang puno't dulo nito. Ako ang may kasalanan. Mapaminsala ako. Sinaktan kita. 

Ngumiti ako. "Sige." wika ko. 

Sige, kunwari okay lang pero hindi naman talaga. Ayoko. Ayokong umiwas ka. 

Paalam (One-Shot Sad Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon